Mabilis naman pinatakan ni Jarred ng halik sa labi si Ella. Impit namang napatili si Hanna. Kahit mabilis ang halik na iyon may sa agila yata ang mata ng kaibigan ni Ella. Dahil sa kilig ay halos itulak na nito si Teo. Ito kasi ang hinampas nang hinampas ni Hanna habang tumitili.

"Palit nga tayo ng pwesto Nald. Hindi yata sa project natin ako mababalda kundi sa babaeng ito."

Napairap naman si Hanna sa sinabing iyon ni Teo. "KJ. Sa kinikilig ako eh."

"Saan kina Tito Roi at Tita Elizabeth? Given na iyon lalo na at bagong kasal sila," inis na saad pa ni Teo habang hilot-hilot ang balikat na hinampas ni Hanna.

"Hindi no. Sa kaibigan ko at sa kaibigan mo. Idiot!" Halos manlaki naman ang mata ni Teo sa sinabing iyon ni Hanna. Hindi naman napigilan ni Nald ang matawa.

"Ako? Sinabihan ng babaeng ito ng tanga?" turo pa ni Teo sa sarili. Hindi talaga siya makapaniwala sa talas ng dila ng kaibigan ni Ella. Madalang namang magkita ang dalawang ito. Pero magkakakilala naman silang lahat. Dahil na rin kay Jarred at Ella.

"Hoy bumalik kang babae ka dito!" Sigaw ni Teo ng marealize ni Hanna ang sinabi ay bigla na lang itong tumayo at kumaripas ng takbo.

Napailing na lang si Ella habang nakatingin sa kaibigan na hinahabol ngayon ni Teo at hindi malaman kung saan pupunta. "What if mainlove si Teo kay Hanna?" bulong ni Ella na umabot sa pandinig ni Jarred.

"Hindi malalayo iyon. Palagi na lang magkaaway iyong dalawa na iyon pagnagkikita. Hindi naman close."

"Paano si Nald, siya na lang ang walang lovelife," napahagikhik pa si Ella sa kanyang sinabi na ikinasimangot ni Nald.

"Tigilan nga ninyo akong dalawa. Lovelife ninyo ang pagtuunan ninyo ng pansin. Ikaw Ella magpatanda ka muna bago kung anu-ano yang iniisip mo. Pati ako ay dinadamay ninyo. Nananahimik ako dito eh," reklamo nito ng maramdaman ni Ella ang pagkalabit ni Jarred sa kamay niya. At ang pagsenyas nito na tumahimik.

"Bakit?" bulong niya na si Jarred lang ang nakakarinig. Napatingin na lang din siya kay Nald na tahimik na ulit at umiinom na lang ng alak na kinuha sa dumaan na waiter.

"Hayaan mo na lang si Nald. Private pa kasi ang lovelife niya."

"Pero alam mo ang kwento?" napatango na lang si Jarred bilang sagot. "Okay," aniya at hindi na lang siya muling nangulit pa.

Ilang sandali pa at bumalik na rin si Hanna. Natawa pa siya ng makitang ang nguso nito mas mahaba pa sa ilong nito. Habang si Teo ay kasunod nito na nakangisi lang.

Ilang oras pa ang itinagal ng party at nag-uwian na rin ang iba pang bisita. Si Hanna naman ay nagpahatid na lang kina Teo at Nald.

Naiwan naman si Jarred kasama ni Ella ng lumapit sa kanila ang bagong kasal.

"Anak thank you ulit sa pagtanggap mo sa amin ni Roi."

"Kung saan o kanino ka po liligaya ay susuportahan po kita. Mahal na mahal kita mommy. Hangad ko ang kasiyahan ninyo ni Tito Roi. Congratulations and best wishes po pala. Ingat po kayo sa byahe po ninyo, at enjoy po honeymoon po ninyo."

Para namang teenager ang mommy niya na kinikilig sa sinabi niya. "Ang mommy talaga," aniya at niyakap ito ng mahigpit.

"Congratulations po tita at best wishes," sabat ni Jarred kaya naman napabitaw siya ng pagyakap sa ina.

"Thank you Jarred," ani ng mommy niya at niyakap si Jarred.

"Best wishes," bati ni Jarred kay Roi at nakipagshake hands pa sa lalaki.

Siya man ay lumapit din kay Roi. "Congratulations po tito. Alagaan mo ang mommy ko ha. Wag mo yang paiiyakin ha," aniya at mabilis siyang niyakap ni Roi.

Halos manigas ang katawan ni Ella ng maramdaman ang paghagod ng kamay nito sa bukas niyang likuran at ang paglapat ng mainit nitong hininga sa leeg niya. Ayaw man niyang lagyan ng malisya pero kakaiba ang pakiramdam na iyon.

"Thank you, Ella makakaasa ka," anito at mabilis din naman siyang binitawan at muling ibinaling ang tingin sa mommy niya. Hinalikan pa nito sa labi ang ina. Kaya kitang-kita niya ang ngiti sa labi nito.

"Ayos ka lang?"

Napaiktad pa siya ng hawakan siya ni Jarred sa baywang. Hindi niya naramdaman ang muling pagbalik nito sa tabi niya.

"Ah, oo. Ayos lang ako."

Pinilit niyang iwinaksi ang nararamdamang pagkailang. Ayaw niyang makaramdam kahit na ano sa mga oras na iyon lalo na at alam niyang masaya ang mommy niya sa piling ni Roi.

"Paano ba iyan Jarred. Magbibihis lang kami at aalis na muna kami ni Roi. Dalawang linggo din kaming mawawala. Ang boutique naman ay naibilin ko na sa mga tauhan namin. Pero si Ella," malungkot na saad ni Elizabeth at tiningnan pa ang anak.

"Don't worry tita, ako na po ang bahala kay Ella. Sa condo ko na muna siya habang nasa honeymoon po kayo. Wag po kayong mag-alala. Ella is safe with me. Ako na rin po ang bahalang magsundo at maghatid sa kanya sa university."

"Thank you Jarred. I owned you a lot. Napakaswerte kong nakilala ka ng anak ko. Pero iyong palagi kong bilin Jarred ha."

"Hindi po ako nakakalimot tita. Alam ko po ang limitasyon ko at alam ko din pong napakabata pa ni Ella. Magtiwala lang po kayo."

Napangiti naman si Ella sa naging sagot ni Jarred sa ina. Kahit papaano naman ay napanatag si Elizabeth para sa anak.

"Hon magpalit na tayo ng damit para makaalis na tayo." Sumunod naman si Roi sa mommy niya matapos magpaalam sa kanila. Nasa may hagdanan pa lang si Elizabeth ng balingan ang anak. Nauna pang umakyat si Roi.

"Anak, pajama ang dalahing pantulog ha. Bawal ang mga nightwear na kita ang pinakatatago. Kung ganoon din laang ay wag ng magdamit. Baka mamaya ay ikaw pa itong magbigay ng motibo kay Jarred. Alam ko ang pagrespeto sayo ni Jarred. Kaya lang ay ikaw anak ang tukso kay Jarred."

"Mommy!" Sigaw niya na ikinatawa lang ng ina.

Halos pumutok naman sa mapupula ang pisngi ni Ella sa sinabing iyon ng mommy niya. Binalingan pa niya ng masamang tingin si Jarred dahil sa malakas nitong pagtawa.

"Bakit ako?"

"Ang inosente mo ha. Tsee!"

"I love you Ella," anito at mahigpit siyang niyakap. Gumanti rin naman siya ng yakap sa kasintahan.

Sa katunayan wala na siyang mahihiling pa sa buhay. Masaya siya sa piling ni Jarred, habang ang mommy niya ay masaya na rin sa panibagong yugto ng buhay may-asawa nito.

Isa na lang ang hiling niya. Na sana hindi na matapos ang kasiyahang kanyang nadarama. At sana ay manatili iyon habang buhay.

"I love you too Jarred," at siniil siya nito ng makapugtong hininga na halik.



In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now