"Papasukin kaya tayo?"

Natawa naman si Hanna sa tanong niya. "Syempre naman. Kahit fifteen ka palang dalagang-dalaga na ang hubog ng katawan mo. Isa pa kakain lang naman tayo kaya tayo nandito at hindi iinom. Restaurant ito remember, hindi bar."

"Sabagay, basta salamat Hanna kasi kasama kita. Kung alam ko lang na ganito dito, hindi na rin ako pumayag. Mayaman naman pala talaga si Dave. Bakit siya matatakot na matalo sa pustahan," paismid pa niyang saad na tinawanan lang ng kaibigan.

"Nasa hundred thousand din kasi ang allowance ni Dave sa isang buwan. Mga budol pa naman ang mga kaibigan nun."

"Grabe wala na akong masabi," sagot na lang niya ng makita sila ni Dave at ito na ang nagsundo sa kanila sa may entrance.

Naging maayos naman ang dinner date nila. Pasulyap-sulyap naman si Ella kay Hanna na nasa kabilang side na sa tingin niya kay kinikilig sa kanila ni Dave kahit alam nito na isa lang naman ang lalaking gusto niya.

Alas otso na ng magpasya silang umalis na sa restaurant. Sobrang nag-enjoy si Ella. First time niyang makipagdate sa lugar na iyon. Nag-enjoy din siya sa tumutugtog ng piano at sa gumagamit ng violin.

Inalalayan pa siya ni Dave pagtayo. "Thank you for this wonderful night Ella. Nag-enjoy akong kasama ka. Although alam naman nating basted ako. Pero masaya pa rin ako kasi alam ko naman na simula pa lang hindi mo na ako pinaasa ako lang ang medyo makulit."

"Wala iyon, Nag-enjoy din naman ako."

"Can I hug you?" paalam ni Dave kaya napatango na lang si Ella.

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ni Dave kay Ella, tinugon naman iyon ng dalaga. "Thank you Ella," ani Dave at masuyong hinalikan ni Dave ang noo ng dalaga.

Matamis namang ngumiti si Ella sa napakasweet gestures na iyon ni Dave. Narinig pa niya ang pagtili ni Hanna na hindi niya nabigyan ng pansin.

Ngunit bigla din siyang natigilan ng makita ang lalaking isang linggo ng walang paramdam sa kanya. Miss na niya ito, ngunit sa ilang mensahe niya wala itong reply. Kasama nito ang dalawang kaibigan na papasok sa loob ng restaurant na iyon.

Halos mapako si Ella sa kanyang kinatatayuan ng mapansin niya ang pagpapalipat-lipat ng tingin ni Jarred sa kanya at kay Dave na hanggang ngayon ay nakayakap pa rin sa kanyan.

Hindi tuloy niya alam ang sasabihin. Parang nagbabara ang kanyang lalamunan sa mga oras na iyon.

Mabilis na tumalikod si Jarred, kasama ng dalawang kaibigan nito. Huli na ng masambit niya ang pangalan ng binata. Hindi na siya nito narinig.

"Alam kong na misunderstood ni Jarred ang nakita niya. At alam kung siya ang gusto mo. Dito ka lang kakausapin ko siya."

"No, no, Dave. Ako ng bahala."

"Ella," malungkot na tawag sa kanya ni Hanna.

"Paano ka Hanna?"

"Kaya ko na ang sarili ko. Papahatid na lang ako kay Dave. Di ba Dave?" tanong nito sa binata na ikinatango naman ni Dave. "Pero paano ka?"

"Kaya ko na ang sarili ko. Kailangan kong makausap si Jarred."

"Alam mo ba kung saan siya pupunta ngayon?"

"Oo ako ng bahala. Aalis na ako."

Mabilis na tumawag ng taxi ni Ella. Alam niyang sa condo lang nito naglalagi si Jarred kasama ng dalawang kaibigan nito na may sarili ding unit sa building kung saan naroon ang condo ni Jarred.

Medyo naipit pa siya ng trapik kaya naman halos hindi na siya mapakali.

Ilang beses niyang pinindot ang doorbell ngunit walang nagbubukas. Tinatawagan na rin siya ng mommy niya dahil may ipapakilala daw ito sa kanya. Kaya inaasahan nitong uuwi siya ng eight ng gabi. Pero mukhang hindi niya magagawang makauwi ng maagap ngayon.

"Jarred, please open the door," umiiyak niyang saad ng bumukas nga ang pintuan. Ngunit si Teo ang nakita niya.

"Nasaan si Jarred? Please naman oh. Mali kasi siya ng iniisip. Mali iyong nakita niya hindi iyon yon," matigas niyang saad na halos pangapusan na rin siya ng hininga dahil sa pag-iyak. Nakarinig pa siya ng pagbabasag ng gamit muli sa loob.

"Bukas na kayo mag-usap Ella, lasing na si Jarred. Actually nakainom na iyon kanina eh. Gawa ng nakuha noong isang company ang design niya. Inaya kaming uminom kaya sumama kami. Nagtungo lang kami doon sa restaurant kanina kasi naalala ka niya. Halos isang linggo na daw siyang walang paramdam sayo. Iyong pastry chef doon ang gumagawa ng cake na paborito mo kaya naman wala kang mabibili noon sa labas. Kaya lang iyong babaeng ibibili niya ng cake, nandoon sa restaurant na iyon may kayakap pang ibang lalaki. Nasaktan lang iyong tao," paliwanag pa ni Teo. "Umuwi ka na Ella, or much better iuwi na kita. Mas magwawala ang isang iyon pagnapahamak ka pa."

"Hindi ako uuwi hanggat hindi ko siya nakakausap. Mali nga kasi iyong nakita ninyo."

"Ano bang mali doon Ella? Halos tatlong taong nanliligaw sayo ang kaibigan ko. Mula ng makilala ka niya. Babaero iyon ngunit nagbago ng dahil sayo. Pero ganoon na lang ang makikita niya. Sana hindi mo na lang siya pinaasa. Okay mali kami. Alam naming bata ka pa at alam naming mas hahanapin mo ay ang kasing edad mo."

"Teo naman eh, makinig ka nga. Walang matatapos kung hindi mo ako papapasukin. Mas lalong hindi ko siya makakausap kung nandito ako, habang si Jarred nandoon sa loob at nagwawala."

Wala na ring nagawa si Teo ng itulak siya ni Ella at mabilis na pumasok sa loob ng condo ni Jarred.

Sobrang gulo ng loob. Basag ang mga vase pati na rin ang flat screen t.v. ay basag. Sa kusina ay naabutan ni Ella si Jarred na sinasaway ni Nald sa pag-inom nito ng alak.

Ilang bote ng beer ang basag at nagkalat sa sahig. "Jarred," tawag niya sa pangalan ng binata.

Dahan-dahang iniangat ni Jarred ang ulo nito mula sa pagkakayuko at nakangising humarap sa kanya.

Napaatras ng isang hakbang si Ella ng magtama ang kanilang paningin ni Jarred. Halos manlamig ang katawan ni Ella sa titig na iyon ng binata. Ngunit kailangan niyang lakasan ang loob para makausap ito. Lalo na at sa pagkakaalam naman niya sa sarili niya ay wala siyang ginagawang masama. Higit sa lahat hindi siya tumalikod sa pangako niya dito mula ng tanggapin niya ang singsing na pendant ng kwintas na bigay nito.









In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now