Chapter 14: We Ignore Her

0 1 0
                                    

Zion Arch


This is the day we will organize and to act  out our first plan to our new classmate. Ignoring her in two weeks was my own idea. We will ignore her starting from now on and it last until two weeks. My whole classmates knew about this cause I gather them to emergency meeting in our secret place or secret room in TXS Academy. No one knew about our secret place except us.

"Z, ito na ba ang desisyon mo? Hindi na mababago?" tanong ni Bry. Anong problema ng isang to?

"Ano ka ba Bry? Ayaw mo nun? Makakabawi din tayo sa ugali ng babaeng yun" sabi ni Clint

"Ano bang tinututol mo diyan, Bry?" tanong ni Hunt

"Mabuti nga to eh para naman maisip niya na mali ang pinasukan niyang section" sabi ni Ely

"Kapag nagbago ang isip ni Pres. Babatukan kita Bry" sabi ni Pierce

"Gago. Kapag ginawa mo yun babatukan din kita Pierce. Ang sa akin lang naman. Gagawin ba talaga natin to? Hindi ba tayo magsisisi sa gagawin natin?" tanong ni Bry. Kausapin ko siya mamaya. Ang dami niyang tanong. Okay, naman siya kahapon ng pinag-usapan naman to ah? Tss.

"Bry, pagkatapos nito. Mag-usap tayo mamaya." Kinausap ko siya sa isip at napatingin siya sa akin.

"Anong masama dun?" tanong ni Max

"Oo nga, wala naman ah" sabi ni Ivan

"Kung ako sayo Bry, kung ayaw mong gawin walang problema. Samahan mo na lang si Alex tutal kayo lang naman ang tumututol eh" sabi ni France

"This is my final decision. This is our first plan we have second and last the third plan."

"Yun oh" sabi ni Gab

"Excited na ako sa magiging reaksyon ng babaeng yun" sabi ni Clint

"Ano kaya ang mararamdaman niya kapag ginawa na natin?" tanong ni Jaoquin

"Wala na tayong paki dun wala din naman yun pakialam eh" sabi ni Ky

"Tatawanan ko talaga siya kapag nagtanong siya sa atin at hindi natin siya papansinin" sabi ni Leigh

"Makakaganti na din tayo sa pambabalewala niya sa atin" sabi ni Nash

"Walang pansinan" sabi ni Oly

"Labas ako diyan" sabi ni Alex

"Hindi namin tinatanong, Alex" sabi ni Quadien

"Labas ka kung labas basta pasok kami" sabi ni Sky

"Ang iingay niyo talaga" sabi ni Rain

Sumang-ayon naman ang lahat sa kanila maliban lang kay Alexander na hindi pa rin ang sagot niya pero nakikinig siya sa pinag-uusapan namin pero pasok sa kabilang tenga at labas sa kabila. Tss. May gusto talaga siya sa babaeng yun? Tss.

Matapos ang meeting ng section ko ay nag-alisan na sila isa-isa at may kanya-kanya ng pupuntahan at gagawin. Naiwan kami pareho ni Bry. Seryoso akong nakatingin sa kanya. Inaayos niya ang bag niya.

"Sandali lang naman bro, para naman may ginawa akong hindi mo nagustuhan. Yang tingin mo talaga. Nakakaguilty" sabi niya

"Anong pinagsasabi mo kanina?"

"Yun? Concern citizen lang naman ako" sabi niya

"Sasagot ka ba ng maayos o hindi?"

"Hindi. I mean siyempre naman bro. Ito na nga. Sa mga tanong ko kanina pinag-isipan mo ba yun ng mabuti?" tanong niya

"Why?"

"Alam naman natin pareho na kakasimula pa lang ng school year na to at may bago agad tayong classmate at crush agad siya ni Alex. Ano sa tingin mo ang mangyayari?" tanong niya

ANDROPOBIA (Ongoing)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz