GANTI

0 0 0
                                    

-----------------

All rights reserved copyright 2019 @wattpad.com & written by: babz07aziole

~~~~~~~~~~~
Embeding or copying others work is a CRIME!

~~~~~~~~~~

GANTI

Sa Panulat ni:
babz07aziole
Mytery/Thriller

Sa bawat maling nagagawa sa kapuwa.

Bunga niyon ang pagdurusa.

Kalakip ang walang hanggang Ganti.

TAONG 1990.
Mula sa kadiliman ng gabi. Isang rumaragasang itim na van ang pumasok sa makipot na daan papuntang kakahuyan ng San Isidro. Kasabay ng ingay ng sumasagitsit na gulong ay maririnig ang manaka-nakang tawanan at ingay ng mga nakasakay roon.
Nang tumigil ang naturang sasakyan sa matataas na talahiban ay nagtatawang nagsilabasan ang apat na lalaki, kasunod ang isang babaeng umiiyak. Maririnig sa paligid ang mga panggabing kulisap at hayop. Pinaghalo-halong amoy sa gubat ang maamoy. Sa pagbukas ng pintuan ng kotse ay napalugmok ang babae matapos manlaban sa lalaking tinawag niyang Vanz.
Parang awa nyo na. Pauwiin nyo na ako, nag-iiyak na sabi ni Mikaela.
“Ano ba, Mika? Uuwi ka naman pagkatapos ng gagawin namin sa yo. ‘Di ba, Shawn? nakangising tugon ni Vanz na may kasamang pagnanasa ang mga mata.
Napailing-iling na lang si Mikaela habang patuloy na humihikba. Nawawalan na siya ng pag-asa. Nanginginig ang buong katawan niya dahil sa kaba at takot. Unti-unting nagmalabis sa magkabila niyang pisngi ang masaganang luha. Habang sapo ang bibig gamit ang dalawang palad ay patuloy siya sa pagtangis at pagmamakaawa sa mga taong inakala niyang mapagkakatiwalaan.
Tatakbo sana siya ngunit mabilis at mahigpit siyang hinawakan sa kamay ni Shawn. Dahil malaking tao ito at sadyang malakas ay hindi na siya nakapalag.
“Gugustuhin mo rin ito pagkatapos, bulong ng binata sa likuran ng tainga ni Mikaela.
Kinilabutan ang dalaga sa narinig. Lalo siyang nanlaban sa mga bisig ng binata. Isang malakas na suntok sa sikmura ang naramdaman niya pagkatapos suntukin ni Denver. Dahan-dahan siyang napaluhod habang sapo ang humihilam niyang tiyan.
Mas lalo siyang kinilabutan nang marinig niya ang sunod na sinabi ni Marco.
“Sino nang mauuna?
“Ako na lang! sabik na sabi ni Vanz.
Hindi puwede, kanina pa ako inip! inis namang sagot ni Shawn na halata ang pagkasabik, nasa mga mata ang pagnanasa.
Edi lalo naman ako. Gusto kong ako ang mauna! yamot namang sabat ni Denver.
Patuloy lang na nagtalo ang tatlo. Halos tulala lang na umiiyak si Mikaela. Napakislot siya nang maramdaman niya ang marahang paghaplos ni Marco sa kaniyang pisngi. Lalong nadagdagan ang habag niya sa sarili.
“Bakit, mahal? Bakit mo to ginagawa? Wala akong naging kasalanan sa yo! Ni pagkukulang ay wala. Minahal lamang kita, patuloy na pagsusumamo ng umiiyak na si Mikaela.
Tumaas ang sulok ng labi ng binata matapos niyang marinig ang sinabi ni Mikaela.
Mayamaya, mahigpit nang hawak ni Marco ang panga ng dalaga. Sa nagngangalit at nawawalang katinuan ay minura niya ito.
Damn your love! Wala ka namang ibinigay sa akin na maganda. I dont need you. You’re just a waste of time. Nakakasakal ka na. Puro ka iyak at pagpapaawa! Iritableng sigaw ni Marco sa mukha ni Mikaela.
Marahas siyang itinulak ng binata. Patuloy lang siyang nag-iiyak at nagmamakaawa rito.
“Diyan ka nababagay. Sige, bahala na kayo sa kaniya, walang-awa na pagtatapos ni Marco. Inihanda na niya ang hawak na video camera. Hinayaan niyang mai-record ang lahat ng magaganap.
Dahan-dahang lumapit ang tatlong binata kay Mikaela at tuluyan na nga itong pinagsamantalahan.
Sa kailalaliman ng gabi ay ang sigaw ng pagmamakaawa ni Mikaela ang maririnig kasabay ng pagtatawanan ng mga kalalakihan ang maririnig sa kakahuyan. At sa gabing iyon ay walang ibang naging saksi kundi ang mga bituin at bilog na buwan sa kalangitan.

TAONG 2000.
Dali-daling sumagap ng hangin si Marco, pagkagising. Pawisan ang buo niyang mukha. Patuloy na nanginginig ang mga kamay niyang nakakuyom. Mulat na mulat ang mga mata. Tila nakaramdam siya ng takot sa mga sandaling iyon. Taas-baba rin ang ginawa niyang paghinga.
Lately, napapadalas na ang panaginip niya tungkol sa nangyari kay Mikaela. Sampong taon na ang  nakararaan at nasa huling taon na sila ng kolehiyo nang maganap iyon.
Nagkakilala sila ni Mikaela dahil isa siya sa mga matatalino sa kanilang klase. Aktibo din ito sa mga ibang aktibidades sa kanilang campus. Isang beses, nadaanan nila ito sa corridor kasama ang tatlong kaibigan. Nang magkatapat sila ni Mikaela ay bigla itong sumulyap at nginitian siya. Nasa mga mata nito ang kakaibang tingin, nasa labi ang nahihiyang ngiti. Hindi man ito magsabi pero alam niyang may lihim itong gusto sa kaniya. Nang lumagpas si Mikaela, naramdaman niya ang marahang pagsiko sa kaniya sa tagiliran ni Vanz.
“Mukhang may gusto sa iyo si Nerdy, huh, pare? Sige nga, kung magaling ka talaga, pasagutin mo nga iyon.
At dahil wala siyang inuurungang hamon, pumayag ito sa sinabi ni Vanz.
Hindi naging madali sa kaniya ang lahat, syempre, dahil kasalukuyan siyang nanliligaw kay Zoe. Kumpara kay Mikaela ay hindi hamak na mas nakalalamang si Zoe sa lahat ng bagay. Lihim  siyang nanligaw, maski ito man ay pumayag. Dahil kahit siya ay hindi pa pinapayagang magpaligaw sapagkat nasa kasagsagan pa lang sila ng huling taon sa kolehiyo. Magkaiba sila ng kursong kinukuha kaya minsan lang silang magkausap. Tatlong buwan siyang nanligaw dito at sa tatlong buwang iyon ay naging okay naman ang naging resulta. Hindi siya masyadong nahirapan kahit na papaano. Nasa likod sila ng paaralan, kung saan ang lihim nilang tagpuan ni Mikaela.
Dahan-dahan siyang umupo sa tabi nito. Kailan mo ako balak sagutin, Mika? O baka naman wala kang balak sagutin ako? Magsabi ka lang at nang. . .
Hindi na siya pinatapos ni Mikaela sa pagsasalita at sinabi nang sinasagot siya nito. Mabilis niyang niyakap nito . . . labis ang tuwa sa sinabi nito. Sa araw na iyon, tuluyan na siyang sinagot bilang nobyo ni Mikaela. Hindi mahirap mahalin si Mikaela, pinasaya niya ito sa abot ng kaniyang makakaya.

EN/AF ONE SHOT STORIES & DAGLIWhere stories live. Discover now