LOST ON YOU

0 0 0
                                    

"Unti-unti kang tinatangay ng mga agam-agam mula sa likod ng iyong pagkawasak. Ramdam mo ang pagkalimot sa pandalian niyang pagbibigay. Marahan mong pinilas iyon, hanggang sa pinagbigyan ng langit ang hinihiling ng iyong puso..."

Lost On You
Babz07aziole
Romance

NANATILING nakatitig sa sulok ang iyong mga mapupungay na mata Elle. Ramdam mong nakatitig ang dalawang pares na mata sa iyo ni Mhar, napapikit ka ng naramdaman mo ang init ng kanyang palad sa iyong pisngi.

Bigla nakaramdam ka ng hindi matatawarang damdamin na unti-unting tumutupok sa iyong tinitimping pagnanasa sa mga sandaling iyon. Tila sumusungaw sa katawan mo ang init na hatid ng mapangahas niyang kamay.

Unti-unti kang nagmulat ng iyong mga mata. Kasabay niyon ang pagtatagpo ng inyong mga mata.

"Mai..."anito nito sa iyo. Tila hinahalukay ang kaloob-looban mo sa paraan ng pagkakabigkas niya ng iyong pangalan. Bagamat halo-halo na ang emosyon na nararamdaman mo sa mga sandaling ay pilit mo pa rin inaahon ang isip mo sa tama.

Napabuka ang labi mo ng maramdaman mo ang  hininga niya sa iyong mukha, muli... unti-unti kang napapikit.

Naghihintay sa susunod na mangyayari...

"Unti-unti kang tinatangay ng mga agam-agam mula sa likod ng iyong pagkawasak. Ramdam mo ang pagkalimot sa pandalian niyang pagbibigay. Marahan mong pinilas iyon, hanggang sa pinagbigyan ng langit ang hinihiling ng iyong puso..."

~~~
KASALUKUYAN kang nag-iimis ng mga  pinagkainan ng iyong mga amo ng maramdaman mo ang pagvibrate ng iyong cellphone sa may iyong bulsa.

Hinayaan mo lang iyon, dahil nakikinita mong isa na namang mensahe iyon galing sa kanya.

Hanggang sa natapos ka nga sa ginagawa ay patuloy iyon sa pagtunog.  Sa inis mo'y tuluyan mo ng sinagot iyon. Padabog kang naglakad papunta sa banyo, kailangan mong pumaroon dahil sa gagawin mong pagsagot sa tawag ni Javier.

Inis mong pinindot ang answer button, matagal ka bago hindi umimik.

"Hello yhabz..."bigkas nito sa kabilang linya. May lakip iyon ng pagsamo at pagdaramdam na lalo mo namang ikinainis.
Hindi lang pagkagigil at pagkainsulto ang nadarama mo sa mga Buwan na lumipas na magkalayo kayo nito.

Galit, pagkasuklam kawalan ng gana sa relasyon na mayroon kayo. Kung matatawag pa bang relasyon ang meron kayo.

Pero dahil sa inaasta at ginawa nito sa iyo na nagdulot ng sobrang pagdaramdam ay unti-unti kang sumabog.

Long distance na nga ang relasyon niyo pero lagi na lang  niyang pinaparamdam sa iyong nag-iisa ka.

Sa loob ng anim na taon na magkarelasyon kayo' y wala pa sa kalahati niyon ang sandaling naging okay kayo na sa bawat araw na lumilipas ay puro kayo nagbabangayan.

"I'm sorry yhabz,"muli itong nagsalita sa kabilang linya.

Nagtagis ang mga ngipin mo, kasabay ng pagkuyom ng iyong mga kamao sa tinitimpi mong galit mula rito.

"Hindi ganoon kadali ang lahat ng iyon. Please let's end this fucking relationship now!"Halos isigaw mo iyon. Kulang nalang ibato mo na rin ang hawak mong aparato dahil sa unti-unti kang kinakain ng galit mo kay Javier.

Hindi mo malubos maisip kong saan ito kumukuha ng lakas ng loob para kausapin ka pa sa ginawa nitong pangga-gago sa iyo.

Sa dami ng inyong pinagsamahan ay nagawa ka pa nitong pagtaksilan habang nasa ibang bansa ka.

Hindi man lang ito nag-isip sa iisipin at mararamdaman mo, oras na malaman mo ang lahat.

Hindi nga nagtagal at tuluyan mong nabuko ang lihim nitong aktibidades: Ang magkaroon ito ng babae, ang masakit ay bestfriend mo pa ang napili nitong maging karelasyon!

EN/AF ONE SHOT STORIES & DAGLIWhere stories live. Discover now