BAON

0 0 0
                                    

BAON
BABZ07AZIOLE
Romance/Thriller

"Mula nang makilala ka 'di na ako nakawala. Saan-saan ng dumaan hindi pa rin kita natatakasan.
Kahit saan ang magpunta parang ikaw ang nakikita.

At kung ako'y napatingin bigla na lang naglalaho na parang hangin."

ISANG BUNTONG-HININGA ang ginawa ni Emer, habang nakatingin ito sa bughaw na kalangitan.

Mababanaag sa hapis nitong mukha ang ligalig at pagkabalisa sa mga sandaling iyon. Naramdaman niyang muli ang presensiya ng babaeng minamahal...

KASALUKUYAN silang nakahiga ni Emer at Ysabelle sa kama, kung saan sila nagcheck-in na magnobyo.

Nanatili lamang silang tahimik habang nakahiga sa malambot na kama. Nanatili silang mahigpit na magkayakap.

Iyon ang unang beses na magkakasama sa iisang silid ang dalawa, kaya labis-labis ang kabang namamahay sa bawat isa sa kanila. Sa sampong taon na magkasintahan, ngayon lamang napapayag ni Emer ang nobya na gawin nila ang isang ritwal na para lang sa mga mag-asawa. Magkagayunman nakahanda ang binata sa mangyayari.

Isang pahapyaw at mabining halik sa bumbunan ni Ysabelle ang iginawad ni Emer. Dahan-dahan itinaas ng dalaga ang mukha, sa isang iglap tuluyang nagkatagpo ang kanilang mga mata.

Unti-unting napapikit si Ysabelle, kasabay ng pagdampi ng labi ni Emer sa labi ng dalaga. Hinayaan ni Ysabelle na matangay sa luwalhating hatid ng halik at banayad na haplos ng katipan sa kanyang hubad na katawan.

Tuluyan na silang tinangay ng makamundong pagnanasa, hanggang sa dalhin na sina Emer at Ysabelle sa isang mundong natatanging sila lamang ang magkasama sa mga sandaling iyon.

Mga impit ng pagnanasa ang tanging maririnig sa malamig na silid. Halinghing na nakakakiliti at tunog ng salpukan ng katawan nila ang pumupuno sa buong silid.

Sa isang iglap, narating ng dalawa ang kasukdulan sa piling ng isa' t isa. Habang magkayakap ang hubo't hubad nilang katawan sa puting kumot.

Maluwang na ngiti ang nakapaskil sa mga labi nila, habang ang mga mata'y kumikislap sa katuwaan...

Dumaan ang ilang oras, tuluyan nag-ayang umuwi si Ysabelle. Bagamat nanakit ang buong katawan niya'y nanatili pa rin ang hapdi't kirot sa ibabang bahagi ng pagkababae nito. Hindi pa rin naampat ang kasiyahan bumabalong sa kanya ng mga sandaling iyon sa nangyari sa kanila ni Emer.

Sakay ng taxi'y agad  bumaba ang dalawa, malayo-layo pa ang gate nila ng tuluyang huminto ang dalaga sa paglalakad. Bagamat naibigay na ni Ysabelle ang lahat-lahat rito'y hindi pa rin maitatwa ng dalaga na hindi pa ito handa na ipakilala sa Mommy at Daddy niya si Emer.

Isang mapang-unawang tingin at pagdampi ng palad ni Emer sa mukha ni Ysabelle ang ginawa nito. Naiintindihan naman niya ang nobya lalo pa' t mas pinatunayan pa nito na mahal na mahal rin siya nito sa pamamagitan ng pagbibigay nito ng sarili sa kanya.

Isang maalab at maiksing halik muna ang pinagsaluhan nila, bago tuluyang pumasok si Ysabelle sa malaking gate ng mga ito.

Bagamat noong nanliligaw palang siya ng mga panahon na nag-aaral palang sila aminado na siyang alangan siya sa dalaga. Dahil na rin sa estado nito sa buhay, mayaman ito habang siya'y sa isang mahirap lamang. Isang kahig isang tuka kumbaga.

Ngunit magkagayunman hindi naging hadlang sa dalawa ang magmahalan.

Tatalikod na sana siya ng maalala niyang hindi pa pala niya naibibigay ang singsing na matagal na niyang binalak ibigay sa sinisinta.

EN/AF ONE SHOT STORIES & DAGLIWhere stories live. Discover now