THE ANCESTRAL HOUSE (Dagli)

0 0 0
                                    


Pamanang hindi para sa iyo, ngunit iyong inari. Mag-ingat ka lamang, baka ikaw ay balikan!

The Ancestral House (DAGLI)
Written by:Babz07aziole
Genre:HORROR

Maririnig sa bawat sulok ng mansiyon, ang bawat tapak ng kaniyang sapatos. Lumang mansiyon ito, pamana sa kapatid niya sa ina na si Menandro. Pero dahil sa patay na ito, sa kaniya mapupunta ang lumang mansiyon.

Labis siyang natuwa dahil napasakaniya rin sa wakas, ang mansiyon na matagal niyang inaasam. Pinagmulan pa ito ng hindi nila pagkakaunawaang magkapatid, hindi niya matanggap na nagmana ito ng ganoon kalaking kayamanan sa ama nito. Habang siya walang pamana, sabagay sino ba siya? Isa lamang siyang hamak na anak sa labas ng ina nila.

Sa labis na panibugho, hindi sinasadyang naitulak niya ito sa matarik na hagdan. Sanhi upang mamatay ito kaagad.

Nagpatuloy siya sa paglalakad, hanggang natunton niya ang pinakasentro ng ancestral house ang main bed room. Kahit napakatagal na itong napatayo ng mga panahon pa ng mga kastila, tila'y nanatili pa rin ang angkin nitong kagandahan. Nakakapagtaka, dahil wala siyang nakikitang naglilinis. Pero kung titignan tila parati itong nalilinisan.

Naagaw ang atensiyon niya sa isang parehabang kahon, lalong nag-umigting ang kakaibang damdamin na namamahay sa kaniyang dib-dib. Hanggang sa tuluyan niyang nabuksan iyon.

Nanlaki ang mga mata niyang inisa-isa niyang pinagkukuha ang mga nagkikislapan bato at alahas na purong gawa sa ginto at diyamante.

"Mayaman na ako! Sabi ko na nga tama ang hinala kong may nakatagong kayamanan sa mansiyon na ito!"Puno ng kagalakan niyang sabi.

Muli isang bagay ang pumukaw sa kaniyang pansin ang painting na nakasabit sa malaking silid. Bagamat hindi siya mahilig sa ganito ay labis pa rin siyang natutuwa, dahil isa ito sa maibebenta niya ng malaki.

Marahang pinasadaan niya ang naturang painting. Isa iyon imahe ng tao na may tatlong sungay. Kahit na nakakakilabot, hindi iyon nagbigay sa kaniya ng takot. Pinasingkit niya ang mata, may nakasulat na salitang espanyol sa painting. Dahan-dahan niyang binasa iyon.

"Sangre 'y carne de la inmortalidad, para mantener viva la casa del diablo..." na ang ibig sabihin sa tagalog ay "Dugo at laman galing sa imortal, upang manatiling buhay ang bahay ng diyablo..."

Mayamaya, bigla nalang umihip ng pagkalakas-lakas. Lahat ng kagamitan sa loob ay nagsibagsakan at nagsipalaran. Maski ang mga kabinet ay tuluyang nagsitumba. Unti-unting nayanig ang buong paligid.

Takot na takot si Emmanuel sa mga sandaling iyon. Mabilis siyang napadapa, habang patuloy siyang gumapang sa malamig na marmol. Ngunit natigilan siya sa ginagawa, sa mismong harap niya ay lumitaw ang lalaking may tatlong sungay.

Pulang-pula ang mga mata, maski ang balat ay ganoon din. Ang labi at mga kuko nitong mahahaba ay itim na itim.

Ngumisi ito sa kaniya na tila siya'y isang napakaespyal na pagkain dito. "...gracias por tu llamada, ¡ahora sangre y carne frescas pueden pagar mi casa!" Na ang ibig sabihin sa tagalog ay, "...salamat sa iyong pagtawag, ngayon masasayaran muli ng sariwang dugo at laman ang aking bahay!"

Isang nakakakilabot na sigaw ng pagmamakaawa ang bumalot sa mansiyon.

Makaraan ang ilang minuto, unti-unting bumalik sa dati ang lahat ng kagamitan sa ayos na tila walang naganap. Ang lalaki na may tatlong sungay ay bumalik sa dating puwesto, may bahid ng tagumpay ang labi...

END.

(Nasa youtube na po eto. Panuoren nio nalang po ang videolink sa taas salamat 😊)

December 29, 2019✔️

EN/AF ONE SHOT STORIES & DAGLIWhere stories live. Discover now