Immortal Sin

0 0 0
                                    

Imortal Sin
Babz07aziole
Mystery/Thriller

"Wala siyang pagpipilian kung 'di ang kumapit sa imposible, dahil mananatili siyang nakakulong sa isang mundong siya mismo ang lumikha at ginawang posible ang lahat."

MAAGA pa ay agad ng gumayak si Drake papunta ito sa kaniyang trabaho, mabilis ang bawat galaw niya. Hindi niya alintana ang bawat pagsunod ng isang maitim na anino mismo sa loob ng apartment na kaniyang tinutuluyan.

Mahaba ang lumipas na oras, ngunit para kay Drake  mas mahaba ang oras na kaniyang ipinaghihintay sa takdang-panahon na masasayaran muli ng sariwang dugo ang kaniyang mga kamay.

Sumapit ang takip-silim, katulad ng pagsapit ng takdang-oras. Naroroon lamang siya sa kinahihigaan, nanatiling nakatingin sa itaas ng kisame. Tila nakikiramdam sa bawat pagpatak ng sandali, nagdesisyon na siya. Pipiliin niya ang madilim na landas upang mabuhay niyang muli ang babaeng pinakamamahal.

Muli, nanariwa sa kaniyang balintataw ang mga tagpong senaryo na akala niya'y  hindi na muling dadalaw sa kaniya...

~~~~
"Malalim na naman ang iniisip mo mahal, ang mabuti pa'y magkita tayo. Hihintayin kita sa ating tagpuan."magiliw na sabi ng nobya niyang si Russ sa telepono na nagbigay ng excitement sa kaniya.

Mabilis ang kaniyang paggalaw, tila may hinahabol sa mga sandaling iyon. Agad niyang pinaandar ang kaniyang motor, kasabay ng pagpapaharurot niya.

Agad siyang bumaba sa abondanadong bahay, kung saan sila nagtatagpo ng minamahal. Lumang bahay iyon na mala-kastila ang disenyo, sa tingin niya'y noong mga panahon pa ng kastila ito naipatayo. Ngunit sa pagtataka niya--- nanatili pa rin itong malinis na tila kahapon lamang naipatayo.

Marahan niyang binuksan ang malaking gate na nagbibigay seguridad sa bahay. Umingit ito matapos niyang makalag ang pagkakatali ng lubid mula roon.

Imbes na mangilabot ay tila kumportable pa siya kapag naroroon, kasama ang babaing minamahal.

Itinulak niya paloob ang motorsiklo at agad iyon itinabi mula sa gilid. Tuloy-tuloy na siyang pumasok, bungad palang ay mahihinuha na ang mga sinaunang kagamitan. Mula sa furniture hanggang sa kaliit-liitan na gamit mula sa loob.

Napadako ang sulyap niya sa lumang piano, narinig niya ang malamyos na musika na nanggagaling rito. Kitang-kita niya mula sa malayo si Russ, ang maamo nitong mukha habang nakapikit. Tila ninanamnam ang tugtugin na binibigyan buhay nito sa pamamagitan ng lumang piano.

Hindi na niya pinagkaabalahang isturbohin ito, marahan siyang lumapit at umupo sa tabi niyo. Nagmulat ito ng mata kasabay ng pagngiti nito sa kaniya ng ubod tamis. Kaya lalo niya itong minahal, dahil ibang-iba ito sa mga babaing nakilala niya.

Araw-araw nagtatagpo sila, hanggang isang gabi habang pumapatak ang ulan na may kasamang pagkidlat at kulog buhat sa madilim na langit. Nagmadali siyang pumaroon sa kanilang tagpuan ni Russ, hindi niya alintana ang patak ng ulan na bumabasa sa kaniya. Ang nais lamang niya ay mapuntahan ang nobya, pabarag niyang binuksan ang gate gamit ang paa. Malakas niya itong sinipa upang bumukas ito, nagbigay iyon ng malakas na ingay na sumasabay sa tunog ng kulog.

Agad niyang binuksan ang pinto ng lumang bahay upang manlumo lamang sa nadatnan, naroon si Russ--- nakahandusay sa lapag habang naliligo sa sariling dugo. Dilat ang mata at awang ang bibig habang dinadaluyan ng pulang dugo ang labi nito. Punit-punit ang damit, maski ang katawan nito'y nagtamo ng napakaraming sugat.

Nanginginig at nanlalambot siyang lumapit sa katipan na lakip ang puso niyang nagdadalamhati.

"Russ mahal, sino ang gumawa sa iyo nito? S-sabihin mo!"Puno ng galit ang puso na sambit ni Drake. Habang patuloy ang pagragasa ng mainit na likido sa kaniyang magkabilang mga mata.

Nanatili siya ng matagal sa ganoong pwesto habang yakap pa rin ang nobya. Hindi na niya napansin ang paglitaw ng anino mula sa kaniyang likuran.

"Magbabayad ang lahat ng taong gumawa sa iyo nito, pagbabayarin ko sila ng malaki sa ginawang pangbababoy sa iyo!"mariin nitong sigaw mula sa dilim, habang lumakas na ng tuluyan ang ulan sa labas.

Sa gabing iyon biglang nabuhay ang isang nilalang na magbibigay ng katuparan sa hinahangad niyang hustisya, ngunit hindi sa inaakala niyang paraan...

~~~~
"Señyorito saan ba ang lakad mo?"usisang tanong ng mayordomo nito sa kaniya.

Marahan lang niyang tinapunan ito, hindi siya umimik nagdiretso-diretso siya sa paglabas ng bahay. Muli silang magkikita ng babaeng minamahal sa dating tagpuan, ngunit katulad ng nangyari sa kasalukuyan ay namatay din ang babaeng minamahal nito. Namuo sa puso nito ang galit, hanggang sa kamatayan nito.

~~~~~~

Napakurap siya kasabay ng pagsakop ng halimaw sa kaniya, nangitim ang kaniyang mga mata. Kailangan niya muling maghanap ng bagong buhay na ihahandog sa Diyablo upang mabuhay niyang muli ang pinakamamahal niyang si Russ.

Tuluyan siyang lumabas ng aparment, naglakad lang siya ng naglakad. Hanggang sa natunton niya ang pakay, tila siya mabangis na hayop sa mga sandaling iyon. Handang manila at makatikim ng sariwang laman at dugo ng tao.

Nanatili siyang nakatayo sa madilim na bahagi ng kalsada, lalo siyang naglaway ng tumapat sa kaniya ang bago niyang biktima.

Agad niya itong hinila, kasabay ng malakas na paghatak nito sa paa. Napahiga ang lalaki kaya upang maipalo ang ulo nito sa sementadong daan, kaya upang agad itong nawalan ng malay.

Mabilis niya itong hinila hanggang sa kasukulan, kasalukuyan niyang nilalantakan ang mga laman loob nito ng magmulat ng mga mata ang lalaki, sindak ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya. Nagsuka ito ng dugo hanggang sa tuluyan na itong mangisay bago pa niya hablutin ang puso nitong tumitibok pa.

Tuluyan niyang tinaggal mula sa kinaroroonan ng puso nitong tumigil na sa pagpintig, dinilaan niya ito saka tuluyan itong ipinasok sa kaniyang bunganga na punong-puno ng naglalakihang mga pangil.

Halos hindi na makilala ang lalaki matapos niya itong iwanan...

Mula sa dilim napangisi ang isang nilalang, unti-unti na nitong nakakamit ang lahat.

MULI siyang nagmulat ng mga mata, hindi aakalain ni Drake na kahit sa maka-bagong panahon ay sinusundan pa rin siya ng mga alaala ng nakaraan.

Sa isang kisap-mata'y muli siyang idinala sa nakaraan, tila umulit ang senaryo. Kung saan kitang-kita niya ang pagmamakaawa ni Russ sa kaniya habang patuloy siya sa pambubogbog dito. Malakas niya itong itinulak, tuluyan itong bumagsak sa marmol na sahig. Dumaloy ang dugo sa lapag galing sa wala ng buhay na si Russ. Nanlilisik ang matang inilibot niya ang mga mata. Nang bigla itong natahimik, mabilis na napatakbo palapit sa dalaga si Drake.

Hindi niya sinasadyang mapatay ito, hindi siya ang pumatay rito. Kundi ang halimaw sa loob niya na matagal ng namamahay sa mahabang panahon.

Dahil sa hinagpis nakipagkasundo siya sa diyablo, kasabay ng pakikipagsundo nito ay ang paggamit nito sa kaniya.

Hanggang sa naging bahagi na nga niya ito, napailalim siya sa kapangyarihan nito hanggang naging ganap na ang lahat ng pag-akin sa kaniya nito ng tuluyan. Nabuhay siya mahabang panahon, umaasa na sa pamamagitan ng pagkakaloob niya ng sarili sa Diyablo'y muli niyang makakasama ang minamahal niyang si Russ.

Pero papaano...

Kung ang matagal ng wala sa mundo na si Russ ay hindi na niya makakasama, dahil tuluyan na itong nawala magmula ng ito'y bawian niya ng buhay sa sariling mga kamay...

WAKAS

September 27, 2019✔️

EN/AF ONE SHOT STORIES & DAGLIWhere stories live. Discover now