NGAYON ANG KAHAPON

0 0 0
                                    


Title: Ngayon Ng Kahapon
By: Babz07aziole
Genre: Horror

R

ealidad ay pawang kathang-isip lamang mabubunyag sa muling pagbabalik sa piling ng bawat isa...

MATAGAL nang nagtatrabaho sa Korea si Dionne. Doon na siya nagtrabaho magmula nang makatapos siya ng vocational course niyang caregiver may anim na taon na rin ang nakararaan.

Ulilang lubos na rin siya dahil maagang nawala ang kaniyang mga magulang. Tanging lola na lamang niya ang nagpalaki sa kaniya.

Kasama naman ng kaniyang lola sa Pilipinas ang kakambal na si Dianne na kasalukuyang nasa hospital nang mga nakaraang buwan. Sa maikling panahon ng kaniyang buhay ay iilang beses lamang ang mga tagpong hindi ito nako-confine sa hospital. Mahina ang katawan ni Dianne kaya hindi na ito nagkaroon ng normal na buhay. Hindi katulad niyang lumaking malusog.

Si Dionne lamang ang bukod tanging naging malapit kay Dianne.

Naaawa si Dionne sa kakambal dahil nagmistula siyang ama at ina rito hanggang sa sila'y magkaedad. Kahit magkalayo sila'y hindi niya hinahayahang maramdaman ng kakambal na malayo siya. Kaya kapag may libre siyang oras . . . imbes na ipahinga ang natitirang oras ay ibinibigay pa niya iyon kay Dianne. Wala silang lihiman ng kakambal at lahat ay sinasabi nila sa isa't isa. Ganito niya kamahal ang kakambal. Para kay Dionne, mawawalan ng saysay ang buhay niya kapag nawala pa ang pinakaimportanteng tao sa kaniyasi Dianne.

Habang inaalalayan niya sa pagkakaupo ang matandang lalaki na isang Koreano ay bigla itong umimik sa tabi kaya nabaling muli ang atensyon niya rito.

“Uija jom gajda jullae?” hiling nito sa lenguwaheng Korean na ang ibig sabihin sa tagalog ay ‘Dionne, maari mo ba akong ilipat ng upuan?

Agad siyang tumayo ngunit sa pagtayo niya ay nakaramdam siya ng kakaiba sa paligid.

Napaatras siya kasabay ng panginginig ng kaniyang katawan. Bigla siyang nanlamig at naestatwa sa nakita.

Kitang-kita niya sa tabi ng matandang inaalagaan ang isang babae. Nakatakip ang mahabang buhok sa mukha nitong lagpas hanggang beywang. Ang balat ay tila sunog at nangingitim na habang nakasuot ito ng damit na gula-gulanit.

Napaatras siya kasabay ng pagtumba ng upuan mula sa kaniyang likuran. Nag-umpisa siyang umatras habang nakaupo. Nanatiling nakatutok ang mga mata niyang walang kakurap-kurap sa babae. Nagpatay-sindi ang ilaw kaya lalong nanginig sa labis na takot si Dionne.

Bahagya pa siyang napasinghap. Dinig niya ang malutong na paglagatok ng buto nito sa katawan habang papalapit sa kaniyang kinaroroonan. Lalong nanindig ang buhok sa buong katawan niya nang unti-unti itong lumapit sa kaniya. Pinagpawisan siya nang malapot sa mga oras na iyon.

Halos lumuwa ang mata niya sa sobrang kaba at takot ng mga sandaling iyon. Tila lalabas ano mang sandali ang kaniyang puso mula sa kinalalagyan dahil sa lakas ng pagtibok niyon.

“D-Dio. . . D-Dionne!” Tila galing sa hukay ang tinig nito matapos nitong banggitin nang marahan ang pangalan niya.

Kasabay ng paghawak nito sa kaniyang mukha ay nasilip niya sa nakatakip nitong buhok ang namuti nitong mga mata na nagbigay sa kaniya ng matinding takot.

Isang malakas na tili na lamang ang namutawi sa bibig ni Dionne bago siya tuluyang mawalan ng ulirat.

MABILIS siyang napabalikwas ng bangon mula sa kamang kaniyang kinahihigaan ngunit muli rin siyang bumalik sa pagkakahiga nang maramdaman niya ang pananakit sa kaniyang leeg.  Wala sa sariling kinapa niya iyon at may nakapa siyang bandage mula roon.

EN/AF ONE SHOT STORIES & DAGLIWhere stories live. Discover now