LUMANG SIMBAHAN (Dagli)

1 0 0
                                    

Si Padre Xander ay naglingkod sa Diyos ng mahabang panahon, sa sagradong lumang simbahan siya nadestino. Akala niya ang paglilingkod sa nakatataas ang siyang magpapalaya sa kaniyang nagawang kasalanan. Ngunit, linilitis pa rin siya ng kaniyang konsensiya...

Lumang Simbahan(DAGLI)
Mula Sa Panulat Ni Babz07aziole
Horror

Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang balat, habang nakaibabaw siya sa akin. Nilalamas ko ang maumbok niyang dib-dib, patuloy siya sa ginagawang paggalaw sa ibabaw ko. Binalot na ako ng maka-mundong pagnanasa.

Nang walang ano-ano'y bigla kong naramdaman ang sakit at hapdi sa aking dib-dib. Nanlaki ang mata ko, habang pinaglipat-lipat sa kaniyang magandang mukha at sa hawak nitong punyal na may bahid ng dugo.

Unti-unti akong pinangapusan ng hininga, hanggang sa hindi na ako makasagap ng hangin. Kitang-kita ko ang dahan-dahan niyang pagtayo, may bahid ng malademonyong ngiti ang kaniyang mapupulang labi.

"Ang katulad mo'y hindi maaring magsilbi sa kaniya, lalo sa aming sagradong lumang simbahan!"huling panambitan niya, bago ako panawan ng ulirat.

ISANG yugyog ang tuluyang nagpagising sa akin, dahan-dahan kong iminulat ang aking mata. Si Marcopollo pala ang kasalukuyang gumigising sa akin.

"Padre Xander, nanaginip na naman ba kayo ng masama?"puno ng pag-aalala ang nasa tinig nito. Minabuti ko nalang hindi siya sagutin, sinabihan kong ihanda na niya ang mga gagamitin namin para sa misa. Napatango nalang ito, habang nasa mukha pa rin niya ang labis na pagtataka.

Nakabihis na ako ng muli akong kinatok ni Marcopollo, agad na akong nagpatiuna. Para umpisahan na ang unang misa ngayong Agosto. Masama ang pakiramdam ko, pero binalewala ko lamang iyon.

Gusto ko siyang paglingkuran, hangga't kaya ko pa, hanggang may oras pa akong nalalabi.

Patapos na ang misa ng bigla nalang kumalembang ang kampana ng simbahan. Ang tunog nitong nililikha ay malakas at mabagal, katulad ng tunog, kapag mayroon misa ng patay.

Laking gulat at pagkagimbal ko, nang biglang bumukas ng malakas ang mga bintana at pintuan. Sa panggilalas ko, kitang-kita ko ang isang ataul na itim na dahan-dahang pumapasok. Madilim sa labas, ngunit sa pagkakaalam ko. Katanghalian-tapat pa lamang.

Lalo akong nagimbal ng makita ko ang mga pugot na ulo ng pare, na isa-isang pumapasok. Labis akong natakot ng sumigaw ang lahat ng taong naroroon, "Hindi ka karapat-dapat maglingkod sa kaniya, lalo na sa sagrado at lumang simbahan namin!"

Itim na itim na ang mga mata nila at ang mga anyo nila 'y tila galing sa hukay. Gusto kong tumakbo, ngunit tuluyan akong nanigas mula sa aking kinatatayuan.

Napatutok ang pansin ko sa bumubukas na ataul, nanghilakbot ako ng makita kong ako mismo ang nakaratay roon habang may punyal na nakasaksak sa aking dibdib. Na tinutuluan na ngayon ng masaganang dugo. Bigla akong nawalan ng balanse at agad akong napahiga, mula sa ibaba ng ataul... kitang-kita ko siya.

Ang babaeng nasa aking panaginip, dahan-dahan siyang gumapang palapit sa akin. Nang maabot niya ako'y ilan beses niyang pinagsasaksak sa akin ang hawak niyang punyal. Bago ako malagutan ng hininga, naiusal ko muna ang ang salitang patawad dito. Linilitis ako ng sarili kong kunsensya.

Kahit ano palang gawin kong paglilingkod sa kaniya, hindi pa rin mababayaran ang ginawa kong kasalanan noon.

Sapagkat may ginahasa at may inilibing akong buhay na batang babae sa likod ng aming  lumang simbahan.

Wakas.

August 27, 2019✔️

EN/AF ONE SHOT STORIES & DAGLIWhere stories live. Discover now