KABANATA 15

550 48 4
                                    

"Anong ginagawa mo rito?" pabulong na wika ni Chelsea, sabay hila nito kay Enzo sa mas tagong bahagi ng maliit na hardin ng dormitoryo.

"Sinusundo ka."

"Pero bakit?" nagpalinga-linga si Chelsea; naninigurong walang sinuman ang nakakakita sa kanila.

"Anong bakit? Hindi ba't ikaw na rin ang may sabi na kung ikaw nga ang tinutukoy nina Freddie, maaaring ikaw na ang sususunod na—"

"I can take care of myself, thank you!"

"Are you sure about that?"

Napabuntong-hininga muna si Chelsea bago nito sinabing, "I'm sure. I need to go." Nag-umpisa na itong maglakad paalis. Papasunod na sana sa kanya si Enzo nang bigla nito itong nilingon para lang sabihing, "alone."

***

Nag-abot-abot ang kaba sa dibdib ni Chelsea habang pumapasok ito ng classroom. It's her Psych class. Agad n'yang idinako ang paningin sa usual na inuupuan ni Ochie Murillo. Dahil sa nasaksihan n'yang insidente, hindi na ito magtataka kung sakali mang makita n'yang bakante ang silya nito. Sa kanyang isipan, hindi imposibleng may nangyari na ritong masama, at alam n'ya kung sino ang may kagagawan nito kung sakali man. Nagulat naman ang dalaga nang makita nito ito.

"Murillo!" Pagtawag ng professor sa kaklaseng tinititigan ni Chelsea. Nasa kalagitnaan pa ang dalaga sa paglalakad kaya nagmamadali na nitong tinungo ang sariling pwesto. "Nasa'n si Suarez at Ilagan?"

No'n lang din napansin ni Chelsea na ang dalawang kaibigan ni Ochie Murillo ang wala. Agad naman n'yang sinulyapan si Dorothy na ngayon pa lang din dumarating. Umupo ito sa dating puwesto; sa tabi ng pintuan. Sandali silang nagkatitigan hanggang sa Chelsea na mismo ang umiwas ng tingin.

"Eh Ma'am," tugon ni Ochie sa professor nila, "hindi ko po alam eh." Kakamot-kamot ito.

"Kayong tatlo ang parati kong nakikitang magkakasama, hindi mo alam?" kumento ng professor kay Ochie.

"Sorry po Ma'am. Hindi ko po kasi sila kasama simula pa kahapon ng hapon. Hinahanap ko rin nga po eh. Tinekst ko nga po sila pareho, pero hindi naman sila nagre-reply. Tumawag na rin po ako sa dorm nila kanina, pero wala pong makapagsabi sa akin kung nasaan sila."

Sunod na umalingaw-ngaw ang sabay-sabay na pagbubulungan ng kanilang mga kaklase.

Nagsalubong ang kilay ng professor. "Well, I guess I have to mark them absent for the very first time." Yumuko ito at may isinulat sa notebook.

Copyright 2018 ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"Ma'am!" Nagtaas ng kamay ang isa sa kanilang mga kaklaseng lalake. Nakaupo ito sa bandang unahan. "Si Jill Ilagan po, pinsan ng girlfriend ko. Umuwi raw po ito sa province because of family emergency."

"Ganun ba? Eh si Suarez?" Muling dumako ang mga mata ng professor kay Ochie. Nagkibit-balikat lang naman ito.

"Ma'am!" Nagtaas naman ang kamay ang isa sa mga babae sa kabilang dako ng silid-aralan, "parang nakita ko po s'ya sa library kahapon lang ng hapon, bandang alas-sais. May kausap po s'yang babae."

"S-sinong babae?" pagsabat ni Ochie.

Sumulyap lang ito kay Ochie, bago muling tumingin sa professor. "Si Carrie Sandoval po. Kaklase ko po sa Chem."

Muling nakaramdam si Chelsea ng matinding kaba. Muli itong napasulyap kay Dorothy na mas lalo namang nagpatindi ng kanyang nararamdaman nang makita n'yang nakapako ang tingin nito sa kanya.

"O well." Isinara na ng professor ang kuwadernong kanyang sinulatan. "Let's just begin our lesson without them." Tumayo na ito at nagsulat sa white board.

***

Kahit anong hilot ni Chelsea as sintindo n'ya, tila umiikot pa rin ang kanyang paningin. Hindi ito dahil sa literal na hilo, kundi sa gulo ng mga bagay-bagay na tumatakbo sa kanyang isipan. Bagaman nakatutulong ang sariwang hangin sa bago n'ya tambayan—ang matandang punong pinagtaguan nila ni Enzo sa likod ng eskwelahan, hindi pa rin maisaayos nito ang pinaghalo-halong mga bagay na kumakalabit sa kanyang kamalayan.

Umupo ito sa isa sa malalaking ugat. Sumandal sa puno at ipinikit ang mga mata...

***

"Takbo! Tumakbo ka na Denise!" Sigaw ng duguang babae sa kanya. "Takbo! Bilisan mo!" Itinutulak s'ya nito.

"Hindi ako aalis kung hindi kita kasama!" Sagot n'ya sa babae.

"Parating na sila! Umalis ka na sabi!" Itinulak s'ya nito nang mas malakas kaya napalugmok s'ya sa maruming sahig.

"Denise!" Pagtawag sa kanya ng isa pang babaeng naghihintay sa kanya sa tabi ng isang pintuan. Halos hindi na rin ito makilala sa dami ng mga sugat, dugo at dumi nito sa mukha, "tayo na, bilis!"

"Ayoko..." umiiyak na wika ni Chelsea. Bagaman nagtataka ito sa sarili kung bakit tumutugon s'ya sa pangalang Denise. Muli s'yang lumingon sa babaeng tumulak sa kanya. "Sumama ka na sa 'min, please!"

Umiiling-iling na umiyak ang babae. "Gustuhin ko man pero hindi na p'wede..."

Nanlaki ang mga mata ni Chelsea nang biglang nalaglag sa sahig ang mga daliri at magkabilang braso ng babae.

"Wala na akong pag-asa..."

Sunod na nalaglag ang mga ngipin at dila nito.

"Pakisabi na lang kay Mommy na mahal na mahal ko s'ya..."

Sunod na nalaglag ang isang mata nito.

"Pero pasensya na kamo s'ya dahil hindi na ako makakauwi..."


Magkasabay na naputol ang mga binti nito kaya lumagpak ang katawan nito sa semento, bumarog ang ulo, nabasag ang bungo at tumalsik ang utak sa harapan mismo ni Chelsea.

"Ate Avaaaaa!" Umiiyak na hiyaw ni Chelsea. "Ate koooooo!"

"Denise, halika na!" Ayaw pa ring kumilos ni Chelsea sa pagkakalupagi sa sahig. "Halika na sabi!" Kaya kinaladkad na s'ya nito palabas ng madilim at maruming katayan.

***

"Chelsea!" Tinig ito ni Enzo. Agad naman itong nakumpirma ng dalaga matapos nitong imulat ang kanyang mga mata. "Dito lang pala kita makikita. Are you ok?" umuupo ang binata sa kanyang tabi.

Pilit itinago ni Chelsea ang epekto sa kanya ng masamang panaginip. Pasimpleng pinahid nito ang malamig na pawis sa sariling noo at palibot ng leeg.

"Anong ginagawa mo rito?" anya kay Enzo.

"I just want to talk to you."

"About what?" nagsimula nang ayusin ni Chelsea ang kanyang mga gamit.

"About what's going on...tsss...are you trying to avoid me again?"

Tumayo na si Chelsea, bitbit ang kanyang bag.

"Not really." Malumanay na sagot nito sa binata. "I just need some time alone."

Tumayo na rin si Enzo, "and you know that this time is not a perfect time for you to be alone, right? Kung tutuusin, you should be worried at the very least. Wala ka ba talagang balak umalis sa dorm mo? Pa'no kung balikan ka nila ro'n."

Tinitigan ng dalaga ang binata. "So be it." Nagsimula na itong maglakad paalis.

"What?!"

Hindi ito pinansin ni Chelsea; mas binilisan ng dalaga ang paglalakad.

"Sandali nga!" Hinila ni Enzo ang braso nito. "Ano bang nangyayari sa 'yo? What's all this resistance all about? Anong 'so be it'? Ano 'yun? Wala ka na lang gagawin? Hihintayin mo na lang ba na mapahamak ka? C'mon Chelsea. I told you. May isa pa kaming apartment malapit dito na p'wede mong lipatan. Bakit ba ayaw mo? Bakit tila sinasadya mo pang isuong 'yang sarili mo sa kapahamakan?"

"Kung 'yun lang ang paraan para mapasok kong muli ang kuta ng mga demonyo..." Napakahinang bulong ni Chelsea sa sarili na alam n'yang imposibleng marining ni Enzo.

"Anong sabi mo?"

"Wala." Binawi ni Chelsea ang kanyang braso. "Ang sabi ko, late na ako sa susunod na klase ko. Bye."

[ITUTULOY]

MHST 1:  Ang LihimWhere stories live. Discover now