KABANATA 11

526 40 2
                                    

Biglang bumagal ang paglalakad ni Chelsea sa paghantong nito ng gate ng dorm. Nagkalat ang mga boarders na may kani-kanyang grupo sa garden. May natanaw rin s'yang pulis na may kausap na isang grupo ng mga nangangasera.

"Hayan! Narito na po si Chelsea!" Bulalas ni Olive sa pagpasok pa lang n'ya sa lobby. Katabi nito si Maricel. Kaumpukan nila ang kanilang landlady na si Mrs. Quizon, isang pulis na babaeng naka-uniporme at isang lalaking imbestigador na naka-civilian. "S'ya po ang huling nakakita kay Rosen." Sumalubong ito kay Chelsea upang hilahin ito sa kinaroroonan ng mga kausap.

"Ikaw ba si Chelsea?" tanong ng babaeng pulis.

Pinasadahan muna ng tingin ni Chelsea ang buong paligid. Bigla itong kinabahan nang mapansing may mga boarders na—bagaman nasa malayo'y nakatingin naman sa kanilang grupo. "Opo. Ako nga po." Kasabay ng pagbaling n'ya ng tingin sa pulis; tumango rin ito sa mga ito.

"Ako si SPO2 Valdez." Kinamyan nito si Chelsea, "ito naman si Detective Laxamana," inginuso nito ang kasamang lalaki. "Maaari ka ba naming makausap?"

"P-po? T-tungkol po saan?" kahit na medyo alam na n'ya kung tungkol saan ang itatanong ng mga ito.

"Ah excuse me," pagsingit ni Mrs. Quizon. "Sir, Ma'am." Nakatingin ito sa mga alagad ng batas. "Maaari n'yo pong gamiting ang opisina ko kung nais n'yo s'yang makausap nang pribado. Eh kasi..." sumulyap ito saglit sa palibot, "marami po kasing tao rito."

"Sige." Pagsang-ayon ng Detective. "Salamat."

***

Hindi tulad ng paglilihim n'ya sa mga ka-dormmates, walang inilihim si Chelsea sa mga pulis. Sinabi nito lahat ang mga nalalaman n'yang ginagawa ni Rosen hanggang sa huling gabing nakita n'ya ito. Sinabi rin n'ya ang kanyang saloobin at kung bakit wala s'yang pinagsabihan tungkol dito. Hindi rin naman n'ya inilihim ang pagbabanta ni Rosen, kung sakali mang may mapagsabihan man lang s'yang ibang tao tungkol dito.

"Sigurado ka bang hindi mo man lang nakita, kahit isang sulyap man lang, 'yung huling lalaking kasama n'ya sa k'warto n'yo?" tanong ng SPO2.

"Hindi po eh," sagot ni Chelsea, "nakatalikod po kasi ako."

"Eh narinig? Kahit anong salita..." follow-up ng Detective.

Sandaling nag-isip si Chelsea. Pilit nitong hinalukay sa isipan. "Ahm...b-bukod po sa impit nilang pag-ungol, p-parang may narinig po akong pangalan pero hindi ko po sigurado kung tama ang pagkakarinig ko, o kung 'yun ang pangalan ng kasama n'ya. Napakahina po kasi nito."

Inihanda ng Detective ang notepad nito, "ano sa pagkaintindi mo, ang pangalang narinig mo?"

Ngumibit si Chelsea, "p-parang R-Reggie po or maybe Eddie, p'wede ring Ely. Basta po parang may 'ie' sa dulo or 'y'."

Tumatango ang Detective; nakatitig ito sa kanya. "Naaalala mo pa ba kung pa'no n'ya binigkas ang pangalan? Ginamit ba itong pantawag sa kasama n'ya...o naaalala mo pa ba kung anong ginagawa nila o 'yung sa tingin mo'y narinig mong ginagawa o pinagkukuwentuhan nila?"

Biglang namula ang mukha ni Chelsea. Yumuko ito saglit na tila nahihiyang tumingin sa lalaking Detective. Mukhang bata pa kasi ito—nasa trenta anyos, sa kanyang tantya. "A-ano po kasi..."

"Ano?"

"Binanggit po ni Rosen 'yung pangalang 'yun habang nasa dulo po sila ng pag-aano po..." muli itong yumuko. Hindi talaga nito magawang masabi.

"Dulo ng pagtatalik?" pagsingit ng SPO2. Nakangisi ito. "Sa ibang salita, sa climax?"

"O-opo. Ganun na nga po."

Nagkatinginan ang Detective at SPO2.

"Maaaring 'yun nga ang pangalan nung huling kasama." Mahinang wika ng SPO2 sa Detective; tumatango-tango ito sa pagsang-ayon. "Pagkatapos ba ng ginawa nila, umalis ba sila agad?" muling pagbaling nito kay Chelsea.

"Hmmm." Muling hinalukay ng dalaga ang alaala, "hindi po. Parang nagpahinga po muna sila sandali."

"Ga'no katagal?" tanong ng Detective.

"Mga five minutes lang po siguro 'yun, tapos..." pumikit si Chelsea, "nakaamoy po ako ng sigarilyo. Hindi ko po alam kung sino sa kanila ang nanigarilyo. And then..." muling iminulat ni Chelsea ang mga mata.

"And then?" pagsegunda ng SPO2.

"And then parang narinig ko po si Rosen na sinabing, 'tara na?' sinundan po agad 'yun ng mga kaluskos na tila nagbibihis sila. Tapos, 'yun na po. Lumabas na po sila ng kuwarto."

"Nakasisiguro ka ba na si Rosen ang nagyaya?" tanong ng Detective.

Umiling si Chelsea, "hindi ko po sigurado kung s'ya, pero s'ya po 'yung bumulong ng 'tara na,' bago sila nagbihis."

Napakunot ang SPO2, "hindi ba pagyaya na rin ang tawag do'n?"

"Eh...'yung pagkasabi n'ya po kasi parang patanong... 'tara na?'" pagdadahilan ni Chelsea. "Hindi ko po masabi kung siya nga ang nagyaya. Posible po kasing sumenyas lang 'yung lalaki na sisibat na sila, kaya patanong 'yung pagkakasabi ni Rosen ng 'tara na?' If that slight detail even matter to your investigation."

Napangiti ang Detective. "Every little detail matters in this investigation." Kumibit-balikat ito sa nakangising SPO2. Bakas sa mga mukha nila ang pagsang-ayon sa dalaga. "May gusto ka pa bang idagdag? Kahit anong bagay na alam mo na hindi namin naitanong sa 'yo."

Napakamot si Chelsea, "'yun lang po ang naalala ko. Though hindi ko po sigurado kung naaalala ko nga lahat."

Nangunot-noo ang Detective, "anong ibig mong sabihin?"

"Ano po kasi...medyo hindi pa po ako fully recovered from my accident last year. Dahil po ro'n, naapektuhan po ang memory at attention span ko."

"Anong aksidente? Ano bang nangyari sa 'yo?" pag-usisa ng SPO2.

"Nakaro'n po ako ng serious head trauma. Na-coma po ako for many months." Sagot ng dalaga, "hindi ko po masyadong maalala kung anong nangyari sa akin, pero ayon po sa father ko, nalaglag daw po ako sa hagdanan sa dati ko pong school."

Copyright 2018 ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"So, your knowledge of your accident is only based on your father's testimony, but you can't really confirm anything about your accident for yourself?" paglilinaw ng Detective.

Tumango si Chelsea. "Ganon na nga po."

Muling nagkatinginan ang dalawang alagad ng batas.

"Well then," tumayo na ang Detective sa pagkakaupo nito. Tumayo na rin naman si Chelsea kasabay nito, "kung sakaling may maalala ka pa," dumukot ito ng call card sa inner pocket ng khaki coat nito, "'wag kang mag-aatubiling tawagan ako sa mga numerong ito." Ibinigay nito ang card kay Chelsea. "P'wede mo rin akong i-text sa cell phone number ko. Nariyan din ang email address ko kaya p'wede ring email."

Tumango ang dalaga, "sige po."

"Sige."

Akmang aalis na ang dalawang alagad ng batas ng...

"Ah eh, Sir, Ma'am..." pagtawag ni Chelsea sa dalawa. Lumingon naman agad ang mga ito sa kanya. "P'wede ko po bang malaman kung may iba po kayong balita sa pagkawala ni Rosen?"

Kapwa nakakunot-noo na nagkatinginan muna ang dalawang alagad ng batas.

"Nawawala?" wika ng SPO2, "sinong nagsabi sa 'yo na nawawala si Rosen?"

"Po? W-wala naman po. Hindi pa po kasi s'ya umuuwi kaninang umaga nang umalis ako. Nakita na po ba s'ya?"

Muling nakatinginan muna ang dalawang alagad ng batas.

"Oo, kaninang tanghali." Sagot ng Detective.

Si Chelsea naman ngayon ang nangunot-noo, "kung nakita n'yo na po s'ya, bakit n'yo pa po ako kinausap?"

"I'm sorry," muling humarap sa kanya ang Detective, "hindi ko akalain na hindi mo pa pala alam ang isang bagay na alam na ng halos lahat ng nakatira sa gusaling ito. Hindi s'ya nawawala. Natagpuan ng isa sa mga Janitress ang bangkay nito sa basement kaninang tanghali."

"P-po?!" nabalot ng matinding pagkasindak si Chelsea.

"Though, technically speaking," pagpapatuloy ng Detective, "a significant part of her is still missing kaya, p'wede pa rin nating sabihin na, nawawala nga s'ya."

"Ano pong ibig n'yong sabihin?"

"Katawan lang ang natagpuan sa basement," pagsabat ng SPO2. "Pero nawawala ang buong ulo n'ya at mga internal organs tulad ng puso, kidney at atay."

[ITUTULOY]

MHST 1:  Ang LihimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon