KABANATA 2

897 51 3
                                    

"W-wala akong maramdaman!" Hindi makagalaw si Chelsea. Tila may nakagapos na lubid mula sa kanyang balikat hanggang sa binti. "Bakit wala akong maramdaman?!" Bagaman naipapaling-paling naman n'ya ang kanyang ulo; sapat na para umuga ang bunker bed na kinahihigaan n'ya.

Sinilip ito ng dorm mate na nakahiga sa itaas ng bunker bed na kinahihigaan n'ya, "Chelsea?"

"D-dugo...h-hindi..." pikit na pikit pa rin si Chelsea.

"Olive!" Pagtawag ng nakahiga sa ibaba ng bunker bed sa tapat sa babaeng nasa itaas ng kinahihigaan ni Chelsea, "binabangungot na naman yata."

"T-tulungan n'yo ako! T-tulong!"

"Chelsea?" muling pagtawag ni Olive habang nakasilip ito kay Chelsea. Pilit nito itong inaabot pero hindi sapat ang kanyang kalis upang makalabit man lang ang ka-dorm mate na binabangungot.

"Ano ka ba naman Maricel!" Pagsingit ng nakahiga sa itaas ng kabilang bunker bed. "Puntahan mo na nga at gisingin mo, kita mo nang hindi maabot ni Olive eh!"

Sinibat ng tingin ni Maricel ang nasa itaas ng double deck na kinahihigaan n'ya kahit na alam n'yang hindi naman s'ya nakikita nito. Alam n'ya na nakahiga lang ito sa itaas at nagbabasa ng pocketbook.

"Ako na naman?" pabulong na pagmamaktol ni Maricel, bagaman bumangon naman ito upang lapitan ang katapat na bunker bed. "Chelsea..." mahinang wika nito.

"T-tulong...tulungan n'yo ako!" Walang naging epekto ito kay Chelsea, "w-wala akong maramdaman!"

"Chelsea..." kinalabit na ito ni Maricel. Pero wala pa rin itong naging epekto. Nilingon na nito ang ka-share sa double deck, "Rosen!" Tumingin naman ito sa kanya, "ayaw magising eh!"

"Hay nakoh!" Biglang bumangon si Rosen at saka padabog na binitawan ang hawak na pocketbook. "Pa'no mo ba kasi magigising 'yan, eh daig mo pa ng pusa sa kalamyaan!" Lumundag ito pababa at mabilis na tinungo ang kinaroroonan ni Maricel at Chelsea. "Tumabi ka nga r'yan!" Binatukan nito si Maricel. Wala namang nagawa ang huli kundi ang sumunod, "hoy Chelsea!" Inalog nito si Chelsea sa magkabilang balikat. "Hoy gising!" Tinampal-tampal nito ito. "Gising sabi!" Sinampal na nito nang napakalakas ang binabangungot.

"Dugo!" Sigaw ni Chelsea; kasabay ito ng kanyang biglang pagbangon.

Umirap si Rosen dito, "whatever..." Nakaismid na bumalik ito sa pinanggalingan. "Talagang dudugo 'yang mukha mo kung hindi ka pa nagising." Bulong nito sa sarili.

Copyright 2018 ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"Sandali, ikukuha kita ng tubig." Agad na humangos si Maricel palabas ng k'warto.

"Hey." Nakasilip nang patiwarik si Olive mula sa itaas na deck. "Ok ka lang ba?"

Hinihingal pa si Chelsea, pero sumulyap naman ito kay Olive bago tumango.

"Napapadalas na yata ang pananaginip mo nang masama ah. Ano bang napapanaginipan mo?"

"H-hindi ko rin alam." Namataan na nito si Maricel. Pumapasok na ito bitbit ang isang basong tubig na agad naman nitong ibinigay sa kanya. "Magulo pero...paulit-ulit."

"Anong ibig mong sabihin sa paulit-ulit?" tanong ni Maricel.

"'Yun lagi ang napapanaginipan ko, paulit-ulit pero magulo."

"Magpatingin ka na kaya." Pagsabat ni Rosen, nakatutok pa rin ang mga mata nito sa binabasa. "Baka nababaliw ka na hindi mo lang alam."

"Rosen!" Pagsuway ni Olive.

Sumulyap nang matalim si Rosen kay Olive, "what?!" Muli itong bumalik sa pagbabasa.

Napapailing na nagkatinginan si Olive at Maricel. They know Rosen well enough, and they both agree that she's a natural bitch.

***

"Alam mo, Chelsea, baka kulang ka lang sa dasal bago matulog." Bulong sa kanya ni Olive habang magkasalo sila sa pagkain ng agahan. Nasa tapat lang kasi ng dormitoryo nila ang tapsilugan sa kanilang kalye. "Ganyan din 'yung pinsan ko eh. It turns out, sinasapian na pala ito ng demonyo."

"Hindi ako sinasapian ng demonyo." Malumanay ang pagsasalita ni Chelsea. "Hindi nga ako naniniwala sa demonyo eh."

Natigilan si Olive, "Really?!" Nakakunot-noo ito. "Pero sa Diyos, naniniwala ka?"

Umiling si Chelsea, "hindi rin."

Nanlaki ang mga mata ni Olive, "Atheist ka?!"

"Why, is that a bad thing?"

Napanganga si Olive. Hindi ito makahanap ng tamang salita sa pangambang alanganin ang masambit n'ya.

"You don't have to say anything." Nakangisi si Chelsea. "It's all over your face anyway."

"W-what's all over my face?"

"The shock. The dismay. The spontaneous question, 'what the f*ck is wrong with this girl?' and the ready-mixed suspicion that I can even be the devil incarnate."

Umiwas ng tingin si Olive; ipinagpatuloy nito ang pagkain, "sobra ka naman." Kinakabahan ito, "w-wala akong iniisip na ganun about you ha." she fibbed.

Napatawa si Chelsea, "really? Why not? You barely know me. Isang buwan pa lang naman tayong magkakilala 'di ba? Malay mo, tama nga ang hinala mo." Nakabungisngis ito.

"Ano ka ba?" hindi makatingin si Olive kay Chelsea. "Tumigil ka nga r'yan. Wala sabi akong iniisip na gano'n."

Pinagmasdan ni Chelsea is Olive. Nataranta naman si Olive sa naging asal ng kasama. "A-ah!" Nagmamadaling tinipon nito ang kanyang mga gamit. "Teka...may klase nga pala ako." Tumayo itong umiiwas pa rin ng tingin kay Chelsea, "S-sige, aalis na ako. K-kita na lang tayo mamaya." Umalis na ito bago pa man nakasagot si Chelsea.

***

It's a fresh new start for Chelsea. New school. New environment. New crowd kaya daig pa n'ya ang namamasyal sa park habang ninanamnam ang preskong hanging nagmumula sa mga puno sa loob ng malawak na eskwelahan. She considers being transferred to a bigger and more exclusive Colegio de San Lucas a significant upgrade. Bukod kasi sa pampubliko at hindi prestihiyoso ang pinanggalingan n'yang eskwelahan, nagkaroon pa ito ng masamang reputasyon kamakailan lang. Napakarami kasing fraternities, gangs at secret organizations doon. Halos araw-araw ring may kaguluhan, eskandalo at karahasan. Kilala kasing tapunan ito ng mga naki-kickout sa ibang eskwelahan. Kaya nga kung hindi siguro s'ya ang pinakamatalino sa mga ka-batch n'ya; at kung hindi n'ya na-perfect ang napakahirap na entrance exam ng Colegio de San Lucas, she probably won't make it to get in.

The school she came from was never safe; neither it is an ideal place for any eighteen-year old young lady like her.

"Are you waiting for someone?"

Nakaupo sa isa sa mga benches si Chelsea nang may nagsalita sa bandang likuran n'ya. Nilingon n'ya ito agad. It was a very comely tall guy, fair skinned, fit and ripped. He looked too stunning for her kaya tila sandaling huminto ang oras habang pinagmamasdan n'ya ito.

"Hello...anybody home?" nakabungisngis na kumaway ang lalaki. Lumapit na ito at umupo sa tabi n'ya. "I'm sorry kung naabala kita. Ito kasi ang tambayan namin ng mga kabarkada ko kapag ganitong oras."

"Oh!" Biglang natauhan si Chelsea, "I'm sorry, hindi ko alam." Tumayo na ito, bitbit ang bag. "B-bago lang kasi ako rito. S-sige...a-aalis na ako."

"Hey wait." Tumayo na rin ulit ang lalaki. "I don't mean to sound na inaangkin ko ang bench na 'to. You can stay here if you want. My friends won't mind...I don't mind. Gusto ko lang sana humingi ng permission na makiupo since you got here first today."

"Ha? A, eh...h-hindi na." Awkwardly. She's usually like that in the presence of any guy. "Mag-uumpisa na rin naman ang first class ko within fifteen minutes."

That's actually one of her weakness; she can't stand being around men. Her heart rate involuntarily goes up as she begin to sweat and look really flustered. And that's practically one of the reasons why she never had a boyfriend kahit na marami naman ang nagtatangkang manligaw sa kanya.

"Ganun ba?"

"O-Oo...sige bye--" akmang tatalikod na s'ya.

"Wait..."

Napalingon si Chelsea. "W-what?"

"Ako nga pala si Enzo." Inilahad nito ang kanang kamay nito. "Lorenzo Montecillo. Ikaw? P'wede ko bang malaman ang name mo?"

"R-Rosen." She lied.

"Rosen? Rosen ano? Any last name?"

"Rosen lang. Sige. I have to go."

[ITUTULOY]

MHST 1:  Ang LihimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon