UMPISA

3.8K 126 7
                                    

"Cheers!" Itinaas na Monica ang hawak na beer. Sunod-sunod na nakipag-umpugan naman ng kani-kanilang mga bote ang tatlo sa kanyang apat na kabarkada. "Grace!" Pagpuna nito sa isang kabarkadang hindi kumikibo. Sumulyap naman ito nang paismid sa kanya. "Hello?! I said cheers!" Inilapit nito ang hawak na bote pero umiwas lang ulit ng tingin ang kaibigan nitong si Grace.

Nakantiywanan naman si Monica ng tatlo pa nitong mga kabarkada.

"Sinabi ko nang hindi ako umiinom!" Pagmamaktol ni Grace, sabay taob ng hawak na bote ng beer sa labas ng bintana ng kinalalagyan nilang kotse ni Monica. Itinapon nito lahat ang laman nito. "And hello! We are not even legal to drink yet! We're only sixteen, remember? At itong kotseng dala natin, nagpaalam ka man lang ba sa Daddy mo?"

Napamura nang pabulong si Monica sa ginawa ng kaibigan; napapailing at napapakibit-balikat naman ang tatlo. "You know what, bitch?" Lumabas ito mula sa driver's seat para puntahan si Grace sa kaliwang bahagi ng passenger's seat. "Get out!" Bulyaw nito kay Grace matapos nitong buksan ang pinto ng kotse sa side nito.

"What?!" Nakasimangot na reaksyon ni Grace, "Eh ikaw ang nagpumilit na isama ako sa liblib na lugar na 'to tapos iiwanan mo ako rito?!"

"I don't care!" Sapilitang hinahatak ni Monica ang kaliwang braso si Grace palabas ng kotse.

Nanlaban si Grace. Hindi ito natinag sa kinauupuan. "No! You take me home! Malay ko ba kung anong lugar 'tong pinagdalhan mo sa 'min!"

"F*ck!" Bulyaw ni Monica sabay salya sa pinto ng kotse. Nagdali-dali itong sumakay sa driver's seat. Pasalya rin nitong isinara ang pinto. Hinihingal ito sa panggigigil bagaman pinakalma naman muna nito ang sarili habang nakahawak ito sa manibela. "Bakit ba napaka-killjoy mo?" nakatitig ito kay Grace sa rearview mirror. "Bakit ba panira ka lagi sa mood?! Dapat talaga hindi ka na kasali sa barkadang 'to! Wala ka namang pakinabang eh. Puro ka lang kabuwisitan. Madalas pa kaming napapahamak dahil napakasumbungera mo!"

Copyright 2018 ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"Oh e 'di 'wag n'yo na akong isali from now on! Sino bang may sabi na gusto ko kayong maging kaibigan? For your information, kayo ang lumapit sa akin, hindi ako! Kayo 'tong nagpumilit na isali ako sa barkada n'yo, hindi ako!"

"Aba..." reaksyon ng nakaupo sa front passenger's seat. "Eh bitch naman pala talaga 'to eh!"

Biglang sinuntok si Grace sa sikmura ng nakaupo sa kanyang kanan. Napayuko naman ito sa sakit. Hindi pa man ito nakakabawi'y pinukpok naman ito sa ulo ng bote ng beer ng kabarkada nitong nakaupo sa may bintana sa kanan. At bagaman masakit ang pagkakapukpok sa kanya, ang sumunod na ginawa nito ang tunay na labis na nakasakit kanya. Isinaksak kasi nito ang kalahati ng basag na bote ng beer na hawak nito, diretso sa kanang pisngi ni Grace.

Napasigaw si Grace sa sakit. Akala nito'y 'yun na ang pinakamalala sa lahat. Laking gulat n'ya nang bigla na lang s'yang kinuyog ng tatlo. Pinagsusuntok s'ya ng mga ito sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. Kahit anong mahagip ng mga ito--sa kabila ng maliit na espasyo'y, hindi pinatawad.

"M-Monica..." Impit ang pagtawag ni Grace sa kaibigang hindi kumikibo sa pagkakaupo nito sa driver's seat. "I-I'm sorry...ugh! I'm..." may sumuntok diretso sa kanyang bibig. Agad namang pumutok at nagdugo ang kanyang mga labi.

"Tama na 'yan..." Kalamadong utos ni Monica sa mga kakampi. Nagsisunod naman ang tatlo kanya. "Magtatanda na siguro 'yan."

Nagsibalik sa kinauupuan ang tatlo. Inayos ang mga sarili. Kanya-kanyang pinunasan ang mga tilamsik ng dugo sa kanilang mga kamao, katawan at kasuotan.

"Pa'no ba 'yan?" ani Monica kay Grace. Tinititigan muli nito ang duguang dalaga sa rearview mirror. "Sira na ang mukha mo. Hindi ka na talaga maaaring sumama sa 'min. Bawal ang pangit sa barkadang 'to." Nagtawanan naman ang tatlong kasama nito.

"Anong plano mo sa babaeng 'to?" tanong ng nakaupo sa front passenger's side, kay Monica. "'Wag mong sabihing pakakawalan natin 'yan? Kung magsumbong 'yan sa mga pulis o kaya sa mga magulang n'yan? Tiyak malalagot tayo!"

Sumigunda ang dalawa pa. Naglikha ng panandaliang ingay sa loob ng sasakyan ang kanilang pagbabalitaktakan.

"Dating gawi!" Malumanay na wika ni Monica. Biglang nagsitahimik ang lahat. "Katulad ng kay Ava. Tutal, magkaugali naman sila at pareho lang sila ng atraso sa 'kin."

"Alright!" Pinamunuan ng katabi ni Grace ang pagha-highfive ng tatlong sipsip kay Monica. "Mukhang may paglalaruan tayo ngayong gabi ah!" Naghiyawan ang mga ito na tila excited at tuwang-tuwa pa.

"A-Ava?" nanghihinang sambit ni Grace sa ilalim ng duguang mukha. "S-sino si Ava? A-anong ginawa n'yo sa kanya."

Natahimik ang lahat.

"Hindi mo kilala si Ava?" Marahang wika ni Monica. "Ahhh...transferee ka nga lang pala this school year kaya hindi mo kilala si Ava. Si Ava...tulad mo rin. Maganda. Nag-iisang anak. Mayaman. Matalino. Tulad mo, nasa kanya na ang lahat. Maraming humahanga. Maraming nagkakagustong mga lalaki. Okey lang naman 'yun. Wala naman akong pakialam kung magkagusto sa inyo ang lahat ng mga lalaki sa school, basta wag lang si Enzo. Sa akin kasi si Enzo eh. Akin lang. Walang p'wedeng umagaw kay Enzo sa 'kin. Walang maaaring umangkin sa kanya bukod sa 'kin! Akin lang s'ya..."

Nahihirapan mang ikibo ang mukha'y nagawa pa ring umiyak ni Grace, "K-kaya mo ba ako kinaibigan? D-dahil kay Enzo? D-dahil sa boyfriend k--!"

"Hindi mo s'ya boyfriend!" Biglang sigaw ni Monica. Sinundan ito nang panginginig sa tindi ng galit. "Akin s'ya..." nagsimula na itong tumangis at nagsalita nang paulit-ulit na animo'y baliw, "Akin s'ya...Akin lang s'ya! Akin s'ya...hindi sa 'yo..."

Napatawa si Grace sa kabila ng kalagayan, "Akala ko noon, nagbibiro lang si Enzo nang sinabi n'ya sa 'kin na baliw ka. Ang tanga ko lang talaga dahil hindi ako nakinig sa kanya na iwasan ka. You're so pathetic Monica. Naghahabol ka pa rin sa isang lalaking ayaw na sa--"

Biglang bumalikwas si Monica para suntukin si Grace sa mukha; halos matanggal na ang ngipin ni Grace sa sobrang lakas nito. "Putang ina mo!" Sinundan ito ni Monica ng nakabibinging pagpalahaw na maging ang tatlong iba pa'y napatakip ng kani-kanilang mga tenga. "Magsama kayo ni Ava sa impiyerno!" Dinukwang ni Monica ng kaliwang kamay ang leeg ni Grace at sinakal ito nang mahigpit. Nagpumiglas si Grace at pilit na nanlaban. Nasa bingit na ito ng huling hininga nang bigla itong binitawan ni Monica upang agad na bumalik sa pagkakaupo sa driver's seat. "Kayo na ang bahala sa babaeng 'yan!" Sabi ni Monica sa tatlong kaibigan. Nagmamadali ito sa pagsaksak ng susi at pag-start ng makina ng kotse.

"Sa dating lugar?" tanong ng nasa front passenger's seat.

"Oo. Sa dating lugar." Sagot ni Monica sa mababang tinig, bago nito pinaandar at pinaharurot ang kotse papalayo.


[ITUTULOY]

MHST 1:  Ang LihimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon