KABANATA 14

545 38 3
                                    

Napasubsob si Paula sa paanan ni Monica matapos itong itulak ni Freddie. "M-Monica?" gulat na gulat na wika ni Paula. "A-Akala ko ba nasa Amerika ka?" tinilungan nito ang sarili sa pagtayo. "K-Kailan ka pa dumating?" pilit na pilit ang ngiti nito. "A-At nasa'n tayo?" Pinasadahan ni Paula ng tingin ang madilim na silid na kanilang kinaroroonan. "B-Bakit tayo naririto?"

Hindi sumagot si Monica. Matalim ang tingin nito kay Paula. Agad namang nanoot ang mga titig na 'yun sa pagkatao ng huli.

Marahang gumuhit sa mga labi ni Monica ang nakakikilabot na ngisi habang dinudukot nito ang isang hunter's knife mula sa bulsa sa likuran ng suot n'yang pantalon.

"M-Monica?" nang makita ni Paula ang patalim.

"Tsk. Tsk." Marahang umabante si Monica upang lapitan ang nanginginig na si Paula. "Ano bang dapat kong unahin sa 'yo. Hmmm." Marahang inilapat nito ang patalim sa pisngi ni Paula. "Ito ba?"

Walang magawa si Paula kundi ang manigas sa kinatatayuan nito. Nagsimula na ring dumaloy ang mga luha sa kanyang magkabilang pisngi.

"Ano kaya kung..." biglang iniangat ni Monica ang patalim upang pabiglang umambang sasaksakin nito ang bibig ni Paula. Gahibla lang ang naging layo ng dulo ng patalim at ang pag-itan ng mga labi ni Paula.

Napaihi si Paula sa sariling salawal. Napahalakhak naman si Monica—maging si Danny at si Freddie, nang makita nila ito.

Umiiling-iling na muling iginuhit ni Monica ang dulo ng hawak na patalim mula sa bibig ni Paula—dahan-dahan papunta sa bandang baba. Mas lalo itong naging marahan habang bumababa ito sa bandang leeg. "Tsk. Tsk. Sinasabi ko na nga ba. Kayo talaga ni Mara ang magiging problema ko." Mas ibinaba pa nito ang pagdaus-os ng patalim sa bandang gitna ng dibdib ni Paula. "Sayang nga lang at may nakauna sa akin kay Mara. Pero dapat talaga, ako na lang ang tumapos sa ahas na 'yun eh. Masyado kasing simple ang nangyari sa kanya. Kung ako 'yun, dudurugin ko rin ang pagmumukha no'n eh. Sino kayang pumatay ro'n?" iniangat na nito ang patalim palayo kay Paula at pinaglaruan ang talim nito sa nagkabilang kamay. "Ikaw Paula, kilala mo ba?"

Halos mamilipit si Paula sa kinatatayuan. Hindi nakapagsalita sa labis na panginginig.

"Kinakausap kita! Sasagot ka ba o lalaslasin ko na lang ang leeg mo!" Bulyaw ni Monica sa mukha ni Paula. Halos mabuwal naman ang huli sa pagkagitla.

"H-hindi ko rin alam, M-Monica. Pero si G-Grace lang ang—"

"Si Grace lang ang ano?!" Sabay sampal sa kaliwang pisngi ni Paula.

"S-Si Grace lang ang n-naisip kong maaaring gumawa sa kanya ng—"

Muli itong sinampal ni Monica nang mas malakas pa sa una. Naging kapansin-pansin na rin ang panginginig nito. "Grace is dead! You were also there when we chopped her off to pieces!"

Saglit na dumapo sa alaala ni Monica ang tunog ng meat cutting machine kung saan nila isinalang isa-isa ang mga kamay at mga braso ni Grace. Humihiyaw ito sa sakit habang pinagtatawanan nila ang pagtilamsik ng mga dugo nito sa kanila.

"Pero buhay pa s'ya nang sinambit n'ya ang sumpa! I told you she was a witch at sumumpa s'ya na babalikan n'ya tayong lahat!"

"Shut up!" Muling sinampal ni Monica si Paula. "If she was indeed a witch, then why didn't she stop us!"

"I don't know. Pero pa'no mo ipaliliwanag ang pagkamatay ni Mara? There was a video and a witness. An unseen force killed her! Kung hindi ang witch na si Grace ang may kagagawan no'n, eh sino?"

Hindi nakasagot si Monica. Dumapo na naman saglit sa alaala n'ya ang isinisigaw ni Grace bago ito nalagutan ng hininga...'Babalik ako! Babalikan ko kayo! Pagsisihan n'yo ang lahat ng ito. Isinusumpa ko. Babalik ako. Babalikan ko kayong lahat!'

Copyright 2018 ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

Inalog ni Monica ang kanyang ulo upang iwaksi ang hindi kanais-nais na alaala. "Stop speaking bullshit!" Singhal nito kay Paula.

"Pero Monica!"

"Alisin n'yo na nga 'to sa harapan ko!" Utos ni Monica kay Danny at Freddie.

"Ano bang gusto mong gawin namin sa kanya?" tanong ni Danny.

Nagbuntong-hininga si Monica, "bahala na kayo. Inyo na. Ibenta n'yo na ang mga piyesa n'yan kung gusto n'yo. Huwag n'yo lang kalilimutan ang porsyento ko."

"Alright!" Nakabungisngis na nakipag-high five si Danny kay Freddie.

"'Wag! 'Wag!" Hinila na ng dalawang kalalakihan ang magkabilang braso ni Paula. "Parang awa mo na Monica, 'wag!" Nag-uumalpas ito. "Pakawalan n'yo ako!"

"Patahimikin n'yo nga muna 'yan! Nakakarindi eh!" Reklamo ni Monica.

"Ok." Nakangising wika ni Freddie bago nito sinuntok nang pagkalakas-lakas si Paula sa kaliwang panga; sapat na ito upang mawalan ito nang malay. "There." Kumindat pa ito kay Monica.

Nginitian naman ito ni Monica. "Thank you."

"Basta ikaw." Nakabungisngis na sagot ni Freddie.

"'Yung pinababantayan ko sa inyo, kumusta na?"

"Si Enzo?" pagsingit ni Danny. "Pagkatapos kay Mara, may bagong kinahumalingan. Rosen ang pangalan. Pero 'wag kang mag-alala. Inayos na ni Freddie ang problema."

"Anong ginawa mo?" nakatingin ang dalaga kay Freddie.

"May sakit kaya walang gustong bumili ng karne at mga piyesa kaya nagpa-subscribe na lang ako sa Red Room (1)." Sagot ni Freddie. "It was live torture baby! Bawat hiwa, five hundred dollars. Mas mahal kapag total mutilation! Mas lalong mahal kapag pugot-ulo kaya hayun!" Humalakhak ito. "Pinalakol ko ang leeg on live streaming. Tuwang-tuwa ang mga subscribers ko!"

Napangiwi si Monica sa narinig. "Alam na ba ni Enzo?"

"Malamang." Sagot ni Freddie. Balitang-balita na 'yun sa campus kanina eh. Isinauli ko naman kasi 'yung katawan sa dormitoryo eh. 'Yun nga lang, wala na 'yung ulo. Ipina-ship kasi nung subscriber kong Taxidermist (2). Collection n'ya yata."

"Ok." Tumatango-tango si Monica.

"Kailan ka ba ulit papasok?" muling pagsingit ni Danny, "hinahanap ka na ng mga professor mo eh."

"Bukas." Sagot n'ya. "I'm coming back tomorrow."

***

Footnotes

(1) Red Room: is the website in the dark net/deep web where the subscriber is shown video on demand. It generally contains explicit violence, unspeakable abuse and torture on live streaming. It is usually interactive. Each subscriber(s) can actually request what kind of live mutilation they want to see.

(2) Taxidermist is a person who practices taxidermy. Taxidermy is the art of preparing, stuffing, and mounting the skins of animals with lifelike effect.

[ITUTULOY]

MHST 1:  Ang LihimWhere stories live. Discover now