KABANATA 9

543 43 2
                                    

"Damn it!" Pabulong na pagmamaktol ni Chelsea. Kasabay ito ng pagpisil n'ya sa sariling ilong. "Gross..." Ito ang downside ng pagtambay n'ya sa public women's bathroom, lahat ng maaari n'yang maamoy at marining, maaamoy at maririnig n'ya. Tulad na lang ng masamang hangin at tunog nito sa paglabas ng katawan ng tao, pati na rin ang pag-alingasaw ng kasunod na bulto ng malaputo-bumbong na resulta ng mga kinain kanina—kahapon o higit pa.

Mukhang matindi-tindi ang amoy ng nasa kabilang cubicle ngayon. Sari-sari siguro ang mga duming lumabas mula sa tiyan nito. Kaysa tuluyang masuka'y nagmadali na lamang sa paglabas si Chelsea sa cubicle upang humangos palabas.

"Ouch!"

Tumilapon si Chelsea. Gayun din ang nakabanggan nitong papasok naman sana.

"Ano ka ba?!" Bulyaw ng babaeng nakasalpukan ni Chelsea sa may pintuan. "Ouch..." Hinahaplos nito ang kaliwang brasong bumangga sa kaliwa ni Chelsea. Kapwa na silang bumabangon. "Na-detach yata ang braso ko." Sabi nito sa kasamang nasa likod lamang nito at tinutulungan itong makatayo.

"Ang O.A. mo Paula ha. Patingin nga..." inumpisahan nang lislisin ng kasama nito ang bandang balikat ng pang-itaas ng nakabangga ni Chelsea. "Oh my gosh!" Na may kasamang pandidilat ng mga mata. "I think we really need to go to the clinic!"

"Shit!" Pagdaing ng babaeng tinawag na Paula. "Carrie, ang sakit." She wasn't lying after all. Na-dislocate nga ang hugpungan ng balikat at braso nito.

"Ikaw?" pagbaling ng babaeng tinawag na Carrie kay Chelsea, "nasaktan ka ba?"

Hinawakan ni Chelsea ang kaliwang braso. May nararamdaman naman s'ya, pero hindi naman ito masakit. "N-no."

"P'wede bang samahan mo akong dalhin 'tong kaibigan ko sa clinic?"

Nag-aalinlangan man—dahil malapit na ang oras ng huli n'yang klase—mas minabuti na n'yang samahan ang mga ito.

***

Umalingaw-ngaw ang pagsigaw ni Paula sa loob pinuntahan nilang clinic. Muli kasing in-align ng first aid nurse ang na-dislocate nitong mga buto.

"First aid lang 'to hija, ha?" sabi ng nurse kay Paula. "Kailangan nating ipa-check 'to sa isang espesiyalista d'yan sa pinakamalapit na general hospital. Baka kakailanganin mong magpa-x-ray para makasiguro na walang naging problema r'yan sa balikat mo."

"Bakit ako lang ang nagkaganito, s'ya hindi?!" Pagmamaktol ni Paula sa nurse. Itinuturo nito si Chelsea na nananahimik naman sa isang sulok.

Nagkibit-balikat lang ang nurse, bago nito tinungo ang kinaroroonan ng telepono para tumawag.

Copyright 2018 ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

Pinagtawanan ni Carrie ang kaibigan, "I can't wait to tell Monica about this." Bulong nito kay Paula bagaman naririnig pa rin naman ito ni Chelsea.

"About what, aber?!"

"About being such a hysterical cry baby. Isusumbong ko rin kung pa'no ka nag-aastang baliw simula nang mamatay si Mara. Jeeze, girl! Kumalma ka nga!"

"Will you shut up?! Hindi ka ba natatakot sa nangyari kay Mara, ha?! Pa'no kung tayo na ang sumunod?!"

Biglang naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Carrie. "Tumahimik ka nga!" Sumusulyap-sulyap ito kay Chelsea. "Nasisiraan ka na nga yata ng ulo. Wait lang kapag dumating na si Monica mula sa Amerika next week. Natitiyak kong mabubulyawan ka no'n sa mga kagagahan mo."

"Kagagahan?!" Still trying to suppress the volume of her voice. "Mara is f*cking dead, you bitch! And she died exactly the way Grace said how! Mara ruined her face. And the two of us ruined her whole face. What if naghihiganti na siy—ummmmh!"

Biglang tinakpan ni Carrie ang bibig ni Paula. Muli itong napapasulyap kay Chelsea. Nagkunwari naman ang huli na wala itong naririnig. Pabuklat-buklat ng magazines, habang may nakapasak na earphones sa magkabilang tenga. Lingid sa kaalaman ni Paula at Carrie, naka-off naman ang mp3 player ni Chelsea.

"Shut the f*ck up o dodoblehin ko 'yang injury mo!" Binitawan na nito ang bibig ng kaibigan. "Grace is dea—! You are just being paranoid!"

Nag-iisa man ang gumaganang kamay, nagawa pa ring itulak ni Paula si Carrie palayo sa kanya, "no, you shut up, bitch!" Hinablot na nito ang sariling bag. "You better stay away from me from now on!" tuluyan na itong nag-walkout

***

Chelsea did not make it on time for her next class. Pero kaysa makaagaw ng pansin sa pagpasok ng klase nang late, nagpagdedisyunan nitong 'wag na lang pumasok.

On her way palabas ng campus, muli n'yang pinisil ang kaliwang balikat. Sa lakas ng impact ng pagbabanggan nila ni Paula, dapat sana, nanakit man lang sa kanyang kalamnan. She can only feel the pressure, pero hindi naman ito masakit. Kinurot n'ya ang kanyang forearm "Aww!" Nasaktan naman ito sa kanyang ginawa. "Weird."

She feels weird, indeed. Dahil marami ang pagkakataong pansamantalang namamanhid ang partikular na parte ng kanyang katawan, na nagkakaroon din namang muli ng pakiramdam sa ibang araw. Tila may selective anesthesia na hindi naman n'ya matantiya kung saan, kailan at aling parte ang susunod na mamanhid. Hindi man n'ya alam kung ano ang eksaktong nangyayari sa kanya, isa lang ang nasisiguro n'ya...

Hindi s'ya gano'n dati. Nagsimula lang itong mangyari sa kanya simula nang magising ito mula sa coma, dahil sa isang natatanging aksidente o pangyayari sa buhay n'ya na hindi naman n'ya maalala.

[ITUTULOY]

MHST 1:  Ang LihimWhere stories live. Discover now