KABANATA 5

875 61 2
                                    

Laman na nga sa bawat sulok ng paaralan ni Chelsea ang balita tungkol sa natagpuang bangkay, hindi pa natatapos ang araw, laman na rin ito ng balita sa radyo at telebisyon. Kaya hindi na nagtataka si Chelsea nang inabutan n'ya sa main living area ng dormitoryo n'ya, ang halos lahat ng mga nangangasera mula sa iba't ibang silid sa iisang gusali. Nakatutok ang atensyon ng mga ito sa malaking flat screen T.V. na naka-mount sa dingding. Wala namang pumansin sa kanya nang tumayo s'ya sa pinakalikod upang makinood.

Ang unang bahagi ng balitang naabutan ni Chelsea ay ang mga pangyayaring alam na n'ya. Pinaka-una 'yung may natagpuang Pre-Dent student sa fourth floor ng Science Building ng isang prestigious school. Ipinakita rin ang bangkay sa screen—bagaman may blurr filter na ito. Alam na rin n'ya na bakli ang kaliwang braso nito at mga daliri, maging ang pagkakabunot sa lahat ng mga ngipin nitong tinipon muna sa isang supot bago ito ipanasak sa bibig. Ang bago sa kanyang pandinig ay ang tunay na pagkakakilanlan ng biktima. Kung sino-sino ang huli nitong kasama at kung ano ang nakita sa edited footage ng CCTV ukol sa nangyari.

"Maranatha Quijano?" wika ng isa sa mga border na nanonood. "Kilala ko 'yan ah!" Tinuturo-turo nito ang screen habang nililingon ang iba pang borders na nakapaligid sa kanya. "'Yan ang campus beauty queen ng school na 'yan last year. 'Yan 'yung representative ng Colegio de San Lucas sa interschool beauty pageant last school year."

"Sino naman kaya ang gagawa ng ganyan sa kanya?" wika ng isa rin sa mga nanonood na border. "Ano 'yun inggit lang dahil maganda s'y—?"

Naputol ang pagsasalita nito nang biglang ipinakita ng isa sa mga borders ang tablet n'ya sa lahat. Viral na raw kasi sa social media ang unedited CCTV footage na kuha sa loob mismo ng silid-aralan kaninang umaga lang.

"Girls, watch this!" Sabi ng may-ari ng tablet. "Hindi ito ipinakita sa news eh. This, will blow your minds!"

Napakunot-noo si Chelsea nang makita n'ya sa timestamp na buhay pa pala ito kaninang umaga. Kasama ito sa mga nagklase ro'n bagaman nagpaiwan ito sa loob ng classroom para mag-aral.

Napasinghap sa gulat ang iba pang mga borders nang dumako na ang footage sa biglaang pangingisay ni Maranatha sa kinauupuan nito. Wala naman itong kasama kaya napatili rin sila nang bigla na lang may hindi nakikitang puwersa ang sumuntok sa bibig nito. Sinundan agad ito ng pag-angat ng mga natanggal na ngipin nito sa ere—kung saan naka-suspend ang mga ito for a few seconds bago sabay-sabay na nagsipagbagsakan sa sahig. Tuluyan nang tinakpan ng halos lahat ng mga borders ang kanilang napapangangang mga bibig nang bigla na lang may 'di pa rin nakikitang puwersa ang humatak sa kaliwang balikat ni Maranatha na s'ya ring ipinaghatawan ang katawan nito sa pader na malapit sa may bintana. Naghihingalo na si Maranatha nang lumagpak ito sa sahig, kaya kahit bakas man ang matinding sakit, hindi na ito nakasigaw pa nang animo'y sangang isa-isang nabakli ang hugpungan ng balikat at braso nito, siko at mga daliri.

Halos panawan ng ulirat ang mga katabi si Chelsea sa kanilang nasaksihan. Samantalang napapangibit naman s'ya sa kumpirmasyong buhay pa nga ang biktima nang mabakli ang kaliwang braso at mga daliri nito.

Hindi lang isa ang nagkumentong, "ang sakit siguro no'n..." sa mga borders.

"So anong pumatay sa kanya, multo?" tanong ng isa.

"It looks like it." Sagot ng may-ari ng tablet. "But it's so weird and unbelievable kaya no wonder, pinutol ang part na 'yun sa mainstream news."

Copyright 2018 ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

Napakiskis sa braso si Chelsea. She hates to admit it—dahil hindi s'ya expressive na tao, pero kinilabutan s'ya. Bigla ring nanlamig ang buong katawan n'ya. The leaked video clip is evidently raw. No part of it seems edited and spliced. And the fact Marantha's killer is invisible, instantly made her question her stand against the existence of the unseen for a little bit.

"Obviously," wika ng may-ari ng tablet, "the mainstream media is skeptical to release the whole footage. Paano nga ba naman nila maipapaliwanag 'yung totoong nangyari without delving into a topic na their cynical audience won't take. I guess they are just being careful of being accused of spreading fake news."

"How do you think mainstream media and the authorities are going to settle this case without ruminating the possibility of the supernatural intervension?" pagsali ng isa sa mga mukhang ismarteng kasera.

"Don't ask me." Taas-kamay na sagot ng may-ari ng tablet. "I have no idea."

"Di kaya, digitally retouched 'yung video?" Nagulat din si Chelsea sa biglaang pagsabat n'ya—yet with immediate self refute, na it's her way of resisting to give-up her non-belief and cynicism. Napalingon ang lahat sa kanya kaya bigla rin s'yang ninerbyos, "I-I mean, s-sa sobrang advance na ng technology ng video editing these days, nothing seems impossible to depict na." Nakakuha rin naman ito ng instant confidence nang may natanaw s'yang tumatango at sumasang-ayon sa mga sinasabi n'ya. "We are living in the age of artificial intelligence and of unlimited possibilities. Malay ba natin kung binura lang ng totoong killer ang imahe n'ya sa video to make it appear na supernatural ang pagkamatay nung biktima. May mga Retouch™ apps na naman ngayon 'di ba? It's no longer impossible to neatly delete an object on a photo or video. Dito na nga lang sa phone ko..." ipinakita ni Chelsea ang smartphone n'ya, I have Photoshop™ and other image editing tools na may capability to neatly remove unwanted objects within the image."

"Kunsabagay." Tumatangong reaksyon ng may-ari ng tablet. "May punto ka. Pero...pa'no kaya naman n'ya nagawa 'yun nang ganun kabilis? At saka, kahit baguhin n'ya ang isang kopya, pa'no naman 'yung original? Di ba 'yun naman ang nakasumite sa mga kinauukulan?"

"What if the killer has planned all these things from the very beginning?" sagot dito ni Chelsea, "hindi na rin naman ganun kahirap palitan ang mga orihinal na kopya sa mga panahon na 'to 'di ba. If the killer was able to get and edit the video that fast, isn't it possible to think na ganun din n'ya kabilis na pinakailaman at pinlantsa ang original copy?"

"N-no..." Biglang pagsabat ng isa sa mga borders. Napalingon ang lahat dito. Isa itong dalagang payat at maputla. Nakasuot ito ng salamin at may hawak na libro. Nakayuko ito nang bahagya at tila nanginginig-nginig pa. "Subukan n'yong i-playback ang video. Tingnan n'yo ang reflection sa salamin ng bintanang katapat ng pintuang hindi sakop ng camera."

Sinunod ng may-ari ng tablet ang tinuran ng dalaga. Nagsipaglapitan naman ang lahat upang pagmasdan sa playback ang tinutukoy ng dalaga.

"O my G--" bulalas ng isa sa mga nakasipat sa reflection sa salamin ng bintana. "Who the eff is that?" Itinuro nito ang silhouette ng isang babae. Nakatayo ito sa may pintuan.

"A-ako 'yan." Biglang sabi ng dalagang mas lalo nang namutla at nanginig. "M-magkaklase kami ni Mara. K-kinausap na ako ng mga pulis kanina tungkol d'yan. Kitang-kita ng mga mata ko..."nagbabadya na ito sa pag-iyak. "Kitang-kita ko k-kung pa'no pinatay ng 'di nakikitang force si Mara. H-hindi edited ang video na 'yan. 'Yan mismo ang nangyari!" Tuluyan na itong napaiyak. "Hindi ko alam kung pa'no pero 'yan talaga mismo ang nasaksihan ko!"

[ITUTULOY]

MHST 1:  Ang LihimDonde viven las historias. Descúbrelo ahora