Chapter Seventeen

Start from the beginning
                                    

Okay. Nagalit na yung babae sa gilid. Nagsisimula na kasi eh. Tumingin ako sa paligid. All seats are already taken except sa babang parte. Pero di parin ako umalis sa kinatatayuan ko kasi naghahanap ako ng available seats. Nakakalula kaya pag nasa front.

"Mukhang wala na talagang bakante." 

Bababa na sana si Kenji pero pinigilan ko.

"Meron yan, maghanap ka lang."
"We're missing some of the scenes already. Dun nalang tayo sa baba."
"Yada! Maduduling ako diyan kawawa naman mata ko." (No way!) Natawa sya.
"O, ayun! Tingnan mo na. May bakante pa naman pala eh kaso..."

Parang nakakahiya naman dumaan sa harap ng maraming tao? Ano ba naman to! Ba't ba naman kasi na-late kami eeeehhhh :(

"O, tara na."
"Wait nakakahiya." 

Hindi po namin nilalakasan ang boses namin ha. Nagbubulungan lang kami.

"Wala kang mararating sa hiya-hiya mong yan. Di ka magiging successful. Tara na nga."
At ayun na naman po. Hinawakan niya na naman po ang kamay ko then dragged me.

"Excuse."
"Excuse us, po."
"Makikiraan."

Ilang ulit namin 'yang sinabi ha. Juice ko.

"Yoshi~ Nakaupo rin. Wooohoooo!" (Alright!)
I stretched my arms in relief.

"Ano ba, miss ang ingay mo naman." Sabi nung babae sa harap ko.

"Gome~ gomen." (Sorry, sorry~)
At sinimangutan pa 'ko ng unggoy na 'to ha. Sarap gilitin ng leeg eh. Aish!

"Ayan kasi." Napatingin ako kay Kenji na nakangiti.
"Hoy, para kang baliw jan. Wala tayong popcorn and soda! Kainis!"
"Hala. Grabe. Kakakain pa nga lang natin eh."
"Ah basta. Ampangit manood ng movie pag walang popcorn noh."
"Mamaya nalang pagkatapos."

Pabiro ko siyang hinampas sa kamay.

"Aba! Anong sense ng pagititinda ng popcorn sa labas kung after the movie lang rin naman pala bibili?"

"Fine. Save my seat."

Tumayo siya at... binilihan ako ng pop corn. 

Yehey!

(Few hours later...)

"Kenji, tara na ayoko na dito..." 

Parang di niya ko narinig kasi naka-concentrate lang siya sa panonuod. Ayoko na talaga dito, sobrang takot na takot na ako! Bukod sa natatakot ako nang sobra sa sound effects eh nadadamay rin ako sa mga taong sumisigaw. Parang ihing-ihi na nga ko eh.

Inaalog ko na ang braso niya pero waley parin.

"Kenji..."

"Aaaaahhhhh! Aaaahh!" 

Shuta climax na!

Napapikit nalang ako at di napigilan ang sariling itago ang mukha sa bandang dibdib ni Kenji.

Holy--- ang bango niya... Yung pabango niya ang bango... (Malamang, Mika pabango eh! Natural babango ka!)

"Hoy, hoy ano ka ba. Acting lang yan, di yan totoo." Natatawang sabi sakin ni Kenji. Nagulat ako nang hinawakan niya ang ulo ko at niyakap ako. 

OMG... 

WAIT...

ANO NA, MIKA???

"A-ayoko na talaga... ayoko nang manuod."

Siguro napagkakamalan na kaming mag-jowa dito kasi nakayakap ako sa kanya. Hindi naman yung yakap na sobrang yakap talaga. Yung nakakapit ako sa kanya habang nakatago mukha ko sa dibdib niya. 

Feeling ko ang sexy ko ngayon!

"What... Akala ko pa naman mag-kapatid lang sila. Seryoso? Girlfriend niya 'yan?!"

Narinig ko mula sa likod. Ako ba tinutukoy ng babaeng 'to? Wait, wag ka na munang mag-react Mika at baka naman hindi tungkol sayo 'yan.

"Tingnan mo, friend. Grabe kung kumapit eh parang linta. Di sila bagay, ha. Mukha silang mag-ina."
"Love is blind nga, friend. Sana naman makahanap din ako ng super cutie tulad niyan."
"Nakaka-bother naman. Mas bagay kami ng boyfriend ni ateng. Joke." 

At nagsitawanan sila.

Aba! Feeling ko talaga kami pinag-uusapan ng mga to eh. Feeling ko talaga ha. May instincts naman kasi tayo.

"Tsk. Sayang naman si Kuya. Sa kanya  lang napunta."

Napatingin ako kay Kenji at kumawala sa yakap niya. 

"Naririnig mo ba usapan nila sa likuran, Kenj?" Tanong ko sa kanya.
"Malay ko? Pero hayaan mo na nga. We're here to watch this movie, remember." 
He rubbed my head.
"Nagiging conscious ka na naman sa paligid mo, Mika. Pinagsabihan na kita diba?"
Nanuod ulit siya.

Lumingon ako sa mga babaeng nag-uusap sa likod namin. Jusko, parang mga clown sa kapal ng make-up ha! May pa red lips-red lips pa silang nalalaman! Mukha naman silang mga butiki!

"Problema mo?" Mataray na tanong ni butiki 1.
"Excuse me?" Mataray na sabi ko naman.
"May problema ka samin?" -Butiki 2.

"Oo. Yang kakapalan ng make-up mo pero mas makapal mukha mo. How dare you judge someone you don't know at rinig na rinig ko pa. Alam mo bang pwede kitang i-post online para naman sumali ka sa mga napapahiya sa internet. Bet mo?" 

"Are you sure na ikaw ang pinag-uusapan namin, ha? Feelingera ka teh? Sino ka ba?" 

"SSSSHHHH!"

May naiingayan na samin pero naiinis talaga ako, sobra. Pumunta ako dito to unwind tapos makakasalamuha pa 'ko ng mga toxic na tao sa buhay ko. Mga basura!

"Ako yung bubura ng makakapal niyong make-up after ng movie. Oh, wait. This isn't a children's party, right? So why are there clowns here?" 

Nagsitawanan yung mga tao na nakarinig samin. Uh-oh. Did I make a big commotion na naman ba? Mas masaya kung nandito si Melody. Sayang. Hehe!

"You fat bitch!" 

Tumayo yung babae at akmang sasabunutan ako---

"Back off."

Napatingin ako kay Kenji na hinawakan ang braso ni Butiki 2. 

...

Parang sa movies at stories na nabasa ko, yung pinagtanggol ng boy si girl mula sa mga nang-aapi sa kanya...

Nanahimik ang dalawang butiki. Di ata makaimik.

"Don't you dare touch my girlfriend."

At hinawakan nya ang kamay ko at hinatak paalis.

"Wait yung popcor--"

"Baliw. Bilhan nalang kita ulit."

Okaaaay? 

Di ko maintindihan ang mga pinaggagawa at pinagsasabi ng Kenji'ng to sakin.

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Where stories live. Discover now