Chapter Forty Six

30 1 1
                                    

"Tsk." Lumapit si Hiro sa kanila. Naka-casual lang siya na porma para 'di ganon kahalatang siya ang bodyguard ng magiina. "Kung 'di lang talaga mataas sweldo ko, kanina ko pa kayo iniwan dito."

"Nagrereklamo ka?"

"Hindi po."

"'Buti naman." Hinagis sa kanya ni Shane yung bag niya. "Buhatin mo 'yan. Ingatan mo."

Umirap si Hiro bago sinuot yung Kate Spade na handbag ni Shane. Nagpaalam na rin si Lim at iniwan na sila doon.

Naging mahigpit ang seguridad ng pamilya ni Shane gawa ng mga sunod-sunod niyang pagpapatumba sa mga ka-aliyansa ni Divine. Simula noong nakausap niya si Mayor Sandoval, dumami ang gustong makuha siya o kaya ng law firm niya bilang abogado ng nila.

Lalo na't inaresto na rin si Sandoval sa allegation ng money laundering na may kaugnay sa Bangko Sentral. Nahalungkat din ng NBI ang kakurapan nito noong warden pa siya ng New Bilibid Prison. Napag-alamang tinulungan siya ng mga De Vera noong paunlarin yung drug trade business niya sa loob ng NBP kapalit ng pag-kontrol sa local police station upang ipasara yung kidnapping allegations ni Natasha.

Isa-isang nagsilitaw mga pangalan ng iba't ibang opisyales ng gobyerno na may kaugnayan sa mga De Vera at lalo na sa Stanley Case. Lahat sila ay nakatikim ng pera matapos ipasa-walang bahala na may nawawalang private chef sa lungsod.

Inungkat lahat ng iyon ng Medusa Law.

Shane worked overtime with her law associates to gather more evidence to strengthen the case. It's not just about Natasha Stanley versus the De Vera's now. It's clear that she's about to fight against the corrupted government.

Everyone knows her name by now. With that recognition, everyone is terrified whenever she appears out of nowhere.

Habang papalapit nang papalapit ang Agosto kung kailan gaganapin ang trial, mas marami pa siyang nakukang mga matitibay na ebidensya laban kay Divine. Sinisiguro niyang walang malulusutang butas ang defense pagdating sa korte.

She's even more determined to win this case now that she found out she's having a son. Divine will never touch her son once she's in prison. Shane will be able to relax once she's dealt with that cunning woman.

Nang mapansin ni Shane na may kinausap si Hiro sa earpiece niya, inakbayan niya si Dylan saka luminga-linga sa paligid nila. Hiro talking to his co-bodyguards could mean anything. Paparazzis, a stalker, or even people who wanted Anastasia Shane dead to save themselves. It could also mean the perimeter is clear.

"Do you want some cotton candy?" Matamis na ngumiti si Shane kay Dylan, tinatago niya ang pagiging alerto nito para 'di matakot mga anak niya.

"That'll be nice po. I'll go buy some for us." Kinuha ni Dylan yung binigay na pera ni Shane bago masayang dumako sa cotton candy booth.

"What's the situation?" Tanong ni Shane sa security personnel niya through her earpiece.

[Clear po, Mrs. Shane.]

Huminga nang maluwag ang babae't bahagyang tumango sa direksyon ni Hiro na nakaaligid lang sa kanila.

This is exactly why Kieran wanted his family to stay home. It's too dangerous for them to go outside while the trial hasn't started. A lot of politicians and Divine will be gunning for Anastasia Shane. Power and money are too precious for them. More valuable than her life.

"What about you, my little man?" Pinisil-pisil ni Shane pisngi ni Max. "Where do you want to go next?"

Tinuro ni Max yung carousel sa loob ng mall.

"Howsey!" Tumatalon-talon pa si Max sa upuan niya. "Mommy, howseeey!"

"You wanna go on the horsey? Okay, let's go ride the horsey." Binuhat niya si Max, placing him on her hip just below her baby bump, at saka dumako doon sa carousel.

THE BAD BITCH AND THE DOCTORNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ