Chapter Thirteen

51 2 0
                                    

A/n: This chapter is dedicated to babe Julia for letting me borrow her lovely name. Reader's discretion is advised.

CHAPTER THIRTEEN - Good Things Take Time

Julia's PoV

How did I end up here?

Alam ko naman sa sarili ko na matalino akong tao pero...bakit ako nasa pintuan niya ngayon? Tinapos na namin ito noon pa pero eto ako ngayon. Nagpapakatanga na naman. Could you even blame me for falling hard for him?

So...how did I end up here?

EIGHT YEARS AGO

The intern job wasn't that horrible. Truthfully, I expected worse. Mabait ang turing sa akin ng management team at nahuhusayan sila sa trabaho ko bilang social media strategist ng kumpanya. Kahit na kadalasan inuutusan nila akong gumawa ng errands, nagagawa pa rin nila akong i-train para hopefully makakuha ng entry level associate na position.

"Julia," tawag sa'kin nung boss ko. Tinapos ko munang mag-type sa computer bago tumingala. "May ipapaasikaso lang sana ako sa iyo kung tapos mo na gawin 'yang report."

May pinakita siyang litrato ng bata na nakasuot ng mamahaling mga damit.

"Hindi ba ito yung rising child star ngayon?" Takang tanong ko at binasa yung pangalan sa baba.

Dylan Christelle Ramos

"Kinuha tayong in-charge sa promotions niya. Kaya kung tapos ka na diyan, puntahan mo itong address at interviewhin mo yung magulang niya para makuha natin information niya." Utos ng boss ko't may iniabot na contact number. "Tatay nung bata 'yan."

Agad ko naman tinawagan yung number na 'yon. Binabasa ko pangalan niya habang inaantay na may sumagot sa kabilang linya.

[Hello?]

"Ikaw po ba si Mr. Kieran Ramos?"

[Yes, who's calling?]

Mukhang masungit itong lalaking ito sa pananalita pa lang.

"Ah." Ipinakilala kong nire-represent ko ang kumpanya namin. "Ask ko lang po if free kayo ngayon for an interview kasama po si Miss Dylan?"

Tumahimik siya bigla.

[Will it take long? May gagawin pa ako.]

"Ah eh...saglit lang po. Kaunti lang naman po yung questions ko para kay Miss Dylan." Tanging static lang ng telepono naririnig ko. "Hello po, Mr. Ramos?"

[Nasa abroad kami ngayon. Kailangan bang pareho kaming nandiyan?]

"Mas preferable po ang in-person na interview kasi po kukuhanan pa namin ng litrato yung bata." Mabuti na lang mahaba-haba ang pasensya ko at baka mamura ko ng 'di oras ang supladong ito. "Makakauwi po ba kayo ng Pilipinas within this month?"

[May pasok ako sa susunod na linggo. Saka na lang.]

"P-pero, sir!" Kinuyom ko kamao ko sa inis. "Fine. Ako na lang po ang pupunta diyan."

Lahat gagawin at gagawin ko para ma-promote ako. Kahit saang lupalop pa ako ng mundo dalhin basta ba maging parte na talaga ako ng kumpanya ayos lang sa akin. Kinakatakot ko lang na baka may masapak akong magulang ng client. Sungit-sungit, 'kala mo kung sino.

-

"May iba po bang lugar na pwede nating puntahan?" Tanong ko't napapatingin sa mga ibang tao na umiinom ng alak. "Ba't kailangan pang sa bar tayo magkita?"

"For security purposes, I can't take you, a journalist, to my apartment where my daughter is. If you have questions about her, ask me." Tinungga ni Mr. Kieran yung baso ng alak. "Andy, one more."

THE BAD BITCH AND THE DOCTORDonde viven las historias. Descúbrelo ahora