Chapter Thirty Eight

37 1 0
                                    

A/n: Reader discretion is advised (contains self-harm).

CHAPTER THIRTY EIGHT - Insane (Part 2)

Kieran's PoV

TEN YEARS AGO (Cont'd)

Kahit na andiyan na siya, sampung hakbang ang layo, hindi ko siya malapitan. Liningon ko kung saan naglaho yung imaginary Shane. Wala na talaga siya. Hindi kaya't siya rin lang yung babaeng kakapasok lang? Umabot na ako sa puntong hindi ko na alam kung sino yung tunay at sino yung hindi.

Pinanood ko lang siyang may hinahanap-hanap dito sa loob ng bar. Yumuko ako para 'di niya ako mahagilap. Hindi ba't ito ang hinihiling ko noon pa? Ang makausap ko siya't mahawakan at mayakap? Bakit hindi ko magawa-gawa ngayon? Bakit 'di ko maidala mga paa ko patungo sa kanya para man lang tanungin kung bakit niya ako iniwan?

Iisa lang ang in-order niyang inumin ngunit nag-stay siya rito ng isang oras. At nang dumilim na sa labas, bumuntong hininga siya't tumayo na sa upuan. Bumilis ang tibok ng puso ko't binalak na puntahan siya.

Nanatili lang akong nakaupo sa pwesto ko. Pinanood ko lang siyang naglakad papunta sa pintuan at lumabas.

Natulala ako. Did I just let her leave? Why the fuck did I let her leave? Should she have seen me?

"Ba't 'di mo nilapitan?" Napalingon ako kay Andy. "Kanina mo pa siya tinititigan. Ba't 'di ka naglakas loob na lapitan siya?"

"Hindi ko alam." Tanging sagot ko. "Fuck, I'm stupid." Hinabol ko si Shane palabas ng bar baka sakaling maabutan ko pa siya.

Malungkot siyang sumakay ng taxi. Pumara rin ako ng taxi at binayaran yung driver na sundan yung taxi niya. Alam kong mali ang ginagawa ko. It never was my intention to stalk her. Somehow I have to know where she's going. I have to talk to her and ask why she chose Vincent over me.

Tangina. Sa dinami-daming lalaking pwede niyang pakasalan, bakit kay Vincent pa? All he cared about is himself. Her life revolved around his. Why would she choose stay in that?

Bumaba si Shane sa harap ng isang condominium complex kaya binayaran ko na yung driver ulit at bumaba na rin. Sinundan ko siya paloob. 'Di ko na pinansin yung pagnginig ng palad ko. I'm so close. So fucking close.

Kaso nagtago ako sa likod ng pader nung sumalubong sa kanya si Vincent sa may lobby. Pinikit ko nang mariin mga mata ko't nagpigil ng galit. Bakit ko nga ba siya sinundan hanggang dito? Of course she'd be with the man she married.

"Vincent," rinig kong tawag ni Shane sa kaniya sa nangbabantang boses, "would you care explaining to me as to why Divine hired your mother as her personal attorney?"

"What? I didn't know that? Are you sure?"

"Do you think I'm in the mood for jokes right now? Vincent, your mother was a court judge. It does not make sense for her work as Divine's personal attorney when she already has a big career."

"When was this?"

"Twenty five years ago."

Sumilip ako nung natahimik sila. Nakatalikod sa akin si Shane ngunit kitang-kita ko kung paano siya manginig. Kumirot dibdib ko nang mapagtantong humihikbi siya.

Gusto ko siyang lapitan at yakapin. Wala akong pakialam kung sa harapan pa ni Vincent ko gagawin 'yon.

Humakbang ako palapit, pero huminto agad.

Anong karapatan ko?

Si Vincent ang pinili, hindi ako. Anong karapatan kong punasan mga luha niya? Anong karapatan kong yakapin siya ulit at sabihin sa kanyang magiging ayos din ang lahat?

THE BAD BITCH AND THE DOCTORWhere stories live. Discover now