Chapter Eighteen

29 1 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN - Meet the Ramos Family Part 2

Third Person's PoV

Good thing Kieran rented out the resort for two days otherwise he'd be glaring at every male drooling over his girlfriend's body. But of course, there are neighbouring resorts around them and some people on boats passing by. He knew that no matter what, there will be people ogling over Anastasia Shane's gorgeous body.

Kieran couldn't really blame them for staring. She is hot. He couldn't care less about how revealing her outfit is too. What matters most was her comfort and her confidence.

"Puntahan natin siya, 'nak." Pinatong ni Kieran kamay niya sa balikat ni Dylan.

"I can't believe it. It is her." 'Di pa rin nagsi-sink in sa kanya na makakausap niya na ulit yung babaeng napapaniginipan niya noon.

Naaalala niyang tinatawag niya itong Auntie Shane pero hindi niya masyadong maalala yung mukha. Ang tanging distinct feature na tumatak sa isip niya ay kung paano ngumisi yung babae.

The notorious signature devilish smirk.

Madaming katanungang pumapasok sa isip din ni Dylan simula noon. Nagawa niya na lang manahimik dahil kahit pilitin niya tatay niyang sagutin mga iyon, hindi niya sinasabi yung buong pangyayari. Masyadong masakit para kay Kieran na ipaliwanag kung bakit hindi na nila nakikita si Shane.

And now here she is. She's back.

"Kieran!" Lumingon ang mag-ama sa direksyon ni Kaye na pumapalapit. "Akala ko ba rinentahan mo itong resort? E' sino 'yon?" Tinuro ng ale kung nasaan si Shane pero wala na siya doon. "May babae doon kanina. Kilala mo ba 'yon?"

Sasagot na sana si Kieran pero lumapit din yung isa niya pang tiyahin kasama anak niyang si Ira. Mas bata si Ira kay Kieran ng ilang taon.

"Nawala na siya." Hingal na sabi ni Irene habang hinahanap-hanap saan nagpunta si Shane. "Nakita mo ba 'yon? Grabe, ang ganda! Baka artista kaya 'yon?"

"Mapapa-sana all na lang talaga ako. Ang ganda at ang sexy niya. Morena nga lang." Kumento naman ni Ira saka ngumiwi.

"Ano naman kung morena?" Takang tanong ni Kieran.

"Mas maganda pa sana siya kung maputi lang kutis niya." Sagot ni Ira at natawa. "Sayang lang. Magpaputi pa siya, promise, mas gaganda siya lalo."

"'Di niya na kailangan 'yon. She already looks amazing." Depensa ni Kieran na halatang medyo naiirita. Hindi napansin ng mga kamaganak niya 'yon. Pero kitang-kita ni Dylan reaction niya. Wala rin siyang maisagot.

"Nasan na ba 'yon? Tingin mo naligaw lang talaga 'yon dito? Private property na nga nakalagay do'n sa gate." Sabi ni Irene saka ipinagkrus mga braso.

"Baka ine-entertain na siya nila Roland. Kilala mo naman mga gagong 'yon." Sagot ni Ira.

Naalerto si Kieran, "Andito rin sila Roland?"

Kilala niya na ugali ng mga pinsan niya kahit na hindi niya sila masyadong nakasama sa paglaki. Babaero ng pamilya si Roland. Kung sinu-sino mga pinatulan niyang mga babae noong highschool sila. Kadalasan inuuwi niya mga magagandang babae sa kanila at kinakama agad. Inaamin niyang may hitsura pinsan niya kaya naman andaming nahuhulog dito.

"Oo, pati sila Makmak. Magsisidatingan mamaya yung iba niyong pinsan. Kilala mo pa ba sina Harold? Yung anak nung Tita Jenny mo?"

"Opo." Malamig na sagot naman ni Kieran. "So the whole family is coming for Christmas?"

I don't like what's going on right now.

Puro bachelors mga pinsan ni Kieran at marangal na nakapagtapos din ng kolehiyo. Yung iba sa kanila ay may jowa o asawa't anak na pero halos lahat ay ine-enjoy pa rin hanggang ngayon ang kabataan. Ayos lang naman sana 'yon pero ewan din ni Kieran kung bakit puro babaero mga 'yon.

THE BAD BITCH AND THE DOCTORWhere stories live. Discover now