Chapter Three

2.9K 130 4
                                    

Habang nagsasabon sa mukha may biglang nagbukas ng pinto ng CR.

WTF? hindi ko ba nalock yun? I'm so naked pa naman.

Pero sino pa bang magbubukas nun e si Gian lang naman nasa loob ng kwarto?

Oh no mga beks baka may binabalak siyang gawin sakin.

Sana nga meron—charot!

"Uhmmm Gian?" Ani ko habang nakapikit—kase nga napatigil ako sa kasasabon sa mukha.

Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina. Niloloko siguro ako nito. Teka nga

"Bakit 'di mo nilock?" Narinig kong tanong niya na parang natatawa.

E bakit ba kase binuksan pa niya alam naman niyang naliligo ako?! Buti nalang may glass wall na tinted blue na medyo opaque yung texture yung shower area ng CR niya. Sosyalin talaga itong lalakeng to. Ganda ganda ng CR parang yung mga nasa hotel.

"Ha? ah e yaan mo na. Hindi mo naman siguro ako sisilipan." Confident kong sagot.

Natawa naman siya.

"Hindi kita sisilipan. Ilalagay ko lang dito yung damit na isusuot mo. Dito sa side table. Makikita mo naman pagtapos ka na." Paliwanag niya.

"Ah sige sige. Lagay mo nalang dyan." Ani ko.

"Labas na ako ha?" Paalam niya naman.

Paalam pa siya. E kung sabihin kong sabayan niya nalang ako maligo? Papayag ba siya?

Ano kaya feeling nun mga beks no? Natry niyo na ba yun? Yung sabay kayo ni crush magshower?

Shocks! Baka ano magawa ko sa kaniya kapag humarap siya sakin ng nakahubad, especially na ang laki pa ng katawan niya. Shereeep!

Kakagatin ko talaga lahat ng parts ng katawan niya subukan niya lang.

.

Agad ko namang kinuha yung damit at shorts na nilapag niya sa side table katabi ng door—isang white na tshirt na medyo maluwang at isang shorts na sakto lang pero medyo maikli sakin kase before knee siya—nang matapos ako magshower.

Agad ako nagbihis mga beks kase ang awkward kapag nakikita ang katawan kong hubad. May nakaharap kaseng malapad na salamin sa labas ng shower area e. Inobserbahan ko maigi katawan ko, hindi talaga ako pwede sa modelling o kaya porn vids. LOL.

I mean, all these soft fats na makikita sa katawan ko—sa tiyan, sa braso, sa thighs, etc—everytime gumagalaw ako ang laswa tingnan.

Hindi naman ako mataba mga beks, siguro average lang. Pero feeling ko tataba na talaga ako pag ipagpapatuloy ko lang katamaran at katakawan ko, though hindi naman ako masyado matakaw but still.

Binuksan ko na yung pintuan nang matapos ako magbihis. Nakita ko si Gian na masarap na nakahiga sa kama niya pero yung ulo nakarest sa kaliwang kamay niya at yung isa naman may hawak na remote, nanonood siguro siya.

Lumingon naman siya agad sa direction ko nang mapansing natapos na ako sa kadramahan ko.

Bigla siyang ngumiti. Nakita ko ngipin niya na ang kikinis, ang puputi, at ang kikintab. Para siyang model ng close up—may paspark effect e—ang perfect!

Shocks mga beks! Bigla namang tumigil yung mundo—feeling ko lang—nang magkatitigan kami. Totoo rin pala yun? Akala ko sa mga cheap movies ko lang nakikita yun.

Baka naman kase magiging cheap din love story namin?

Charot! As if naman may pag-asa ako rito kay Gian. He's too perfect for someone like me—hampas lupa, tanga, bakla, at marami pang iba na pwedeng ilait sa akin.

Bakit Bestfriend Ko Pa? [GayxStraight]Where stories live. Discover now