Chapter Five

2.8K 119 5
                                    

Mag fa-five na nung nagpasya na kaming umuwi ni Gian. Hindi naman masyado nakakapagod ang pabalik mula Tarangban Falls kaya medyo naging mabilis na ang paglalakad namin.

Pero habang naglalakad ay parang napansin kong parang may mga maliliit na pasa sa leeg ni Gian.

"Gian? Ano yang nasa leeg mo?" Tanong ko at napalingon naman ito sakin. Hinawakan ang leeg niya at nagkibit balikat lang.

"Allergy."

"Allergy? Saan ka naman allergic?" Confused kong tanong.

"M-may binili kase kaninang cake si Tita. Hindi niya alam na peanut pala ang flavor sa ilalim. Eh allergic ako sa peanut." Explain niya.

Bigla akong napaisip sa sagot niya. May allergy ba siya sa mani? Parang never ko narinig yun sa kanya noong bata pa kami ah. At wala rin yan kanina. Well, siguro hindi ko lang napansin.

"Ano ka ba wala tooo." Aniya sabay akbay sakin. Siguro napansin niyang bigla akong tumahimik at parang malalim ang iniisip.

Edi allergy kung allergy. Kunsabagay, ang tagal na naming hindi nagkita. May mga bagay na siguro na tungkol sa kanya ang hindi ko na alam. Siguro nga may asawa ito doon sa America. O kaya may anak na? Sakit naman siguro pag ganun mga besh.

Pero syempre dapat ready ako sa mga ganyan. Imposible namang wala siyang jowa sa America sa gwapo niyang yan. For sure, maganda at sexy pa girlfriend nito.

Haaaay naku bakit ko naman pinag-aaksayahan ng panahong isipin ang mga ganoong bagay sa buhay niya eh kaibigan lang niya naman ako. At wala akompake! Kahit isama pa niya dito at ipagyabang sa buong syudad ng Calbayog.

Napansin ko na naman ang bracelet sa kanang kamay niya at muli na naman akong napaisip kung bakit familiar sakin iyon. Saan ko nga ba ito nakita? At bakit parang big deal sa akin. Pwede ko namang itanong kung saan niya to nakuha o binili. Di ba?

Hanggang sa nakabalik na nga kami sa Bangon Falls ay doon ko na naalala ang bracelet.

Ang bracelet niya sa kanang kamay niya na gawa lamang sa pinagbuhol-buhol na mga tali na kulay blue at red na nilagyan ng kaunting beads ay walang iba kun di ang bracelet na ginawa ko noong grade 6 kami.

Naaalala ko na. Kinuha niya yun sa bag ko ng palihim (in other words ninakaw niya), kaya noong nakita ko itong suotsuot niya ay pilit ko itong binawi sa kanya ngunit ayaw naman niyang ibalik sakin. Kaya sinabi kong palitan niya na lang ng ibang bracelet kung ayaw niyang ibalik yung akin.

Nagulat na lamang ako kinabukasan nang may ginawa na pala itong bracelet at tinapon pa sa harap ko. "Ayan. Sayo na yan. Ginawa ko yan kagabi lang. Basta akin na itong bracelet mo." Natatandaan kong wika niya noong grade 6 pa kami.

Simpleng bagay pinag-aawayan. Mga bata nga kase mga besh. Pero this time, parang palaisipan sakin kung bakit hanggang ngayon ay suot niya pa rin? Wow ha? Ang tibay. Sana all!

*

"Naku ghurl! Isa lang ibig sabihin niyan, crush ka niya!" Kilig na kilig na wika ni Nica sa kabilang linya.

Bigla naman akong nabilaukan sa kinakain kong pancit canton at napatawa ng palihim kase medyo nakakakilig naman talaga ang sinabi niya.

"Duh Nica? Okay ka lang? As far as I know, straight na straight si Gian. Hindi yun magkakagusto sa'kin and ano ka ba? Magbestfriend kami noong mga bata pa kami like hello? Siguro wala lang sa kanya yung mga ginagawa niya." Sagot ko naman kay Nica.

Agad ko kaseng kinuwento pagkauwi yung mga nangyari sa amin ni Gian at lahat ng mga ginagawa niya para umasa na naman ako. Like DUH? As if naman aasa pa ako. Dalang dala na ako sa mga ganyan kase buong College ko rin ay umasa rin ako sa isang lalaki. But nevermind.

Bakit Bestfriend Ko Pa? [GayxStraight]Where stories live. Discover now