Chapter Nine

3.2K 113 2
                                    

Naningkit ang mga mata ko. Gusto ko siyang sigawan ng 'fuck you! gago ka!' pero pinigilan ko na lamang ang sarili ko dahil alam kong magmumukha na naman akong tanga.

Hindi niya ba alam na hinalikan na niya ako? Pucha! First kiss ko yun eh! First kiss ko siya! Ang unfair lang naman kase kapag wala pala siya sa sarili niya nang hinalikan niya ako.

Ang tanga ko rin naman kase. Dapat sana tinulak ko na siya kaagad bago ba magdikit ang lips namin.

I gasped and walked out. OA na kung OA pero hindi ko deserve to. Importante pa rin sa akin ang first kiss. So ano? Ganun lang ang first kiss ko? Dahil lasing lang si Gian kaya niya ako nahalikan? Pucha! I still believe in true love's kiss. Pang Disney princess kaya itong lips ko.

Nagtungo ako kaagad sa counter area nang makapasok ako sa resort.

Ngumiti ako sa babaeng nagbabantay at tinanong agad ako kung may reservation ba ako today.

"Nica Cui." Sagot ko lang at ngumiti ulit.

Tinaasan naman ako ng kilay ni ate. Confused siguro dahil akala niya pangalan ko ito. Napailing na lamang ako at nagsalita ulit. "She's a friend of mine. Magkasama kami. Nauna lang ako ngayon dahil andun pa sila inaasikaso ang mga dala."

Tumango lang si ate girl at agad na tiningnan sa computer ang reservation namin. Ngumiti naman ito kaagad sakin nang mahanap niya.

"Sir, you have reserved three rooms. Kukunin mo na ba lahat ng keys for these rooms?"

Napa-isip ako. Diba room 3 yung sabi ni Gian? Edi room 3! "Yung sa room 3 lang. Magchecheck-in naman mamaya yung mga kasama ko kaya sila nalang kukuha ng keys nila. Okay lang ba?"

"Okay sir. Do you have valid ID?"

Valid ID? Agad ko namang hinanap ang card holder ko. My gosh. Buti na lang at nadala ko kung hindi baka magmukha akong tanga kay ate.

"Ito po." Ani ko nang iabot ang school ID. Hindi naman siguro alam ni ate na graduate na ako at valid pa ito until next year.

Ni-photocopy niya ito agad at ni-staple sa reservation receipt na niprint niya.

"Wait? Bayad na ba yung rooms?" Tanong ko nang marealize na baka pay via check-in ang nabook ni Nica.

Pero tumango lang si ate. Haay salamat.

Nang makuha ko ang susi ay agad na akong nagtungo sa room 3.

Letse. Roommate ko pa ang unggoy na Gian. Sa sahig siya matutulog mamaya. Bahala siya.

Narating ko na ang room 3 at agad itong binuksan. Napabuntong hininga ako nang makita ang napakalinis na silid at makapal na kama na kulay puti ang bedsheet.

Agad kong tinungo ang air-conditioner at binuksan ito. Nang masigurado kong okay na ay agad akong tumalon pahiga sa kama. Sheeeet. This is all I want after that long drive.

Napahinga ako ng malalim. Haaaaay.


"Ang cool dito. Mas maganda pa sa Boracay. I swear. How I wish andito ka rin."

Napadilat ako ng mga mata sa narinig ko. Shit. Nakatulog na naman ako! I rubbed my eyes at sinubukang hanapin ang nagsalita pero wala naman.

Lumingon ako sa likod at pucha si Gian pala. Nakahiga ito sa tabi ko at naka topless. Napaupo naman ako mula sa pagkakahiga, kinuha ang malapit na unan at binato sa kanya.

"Bakit andito ka?" Galit kong tanong.

Naguguluhan at nanlalaki ang mga mata nito. "What? Isn't this our room?"

Bakit Bestfriend Ko Pa? [GayxStraight]Where stories live. Discover now