Chapter Eight

2.9K 122 10
                                    

Oh God. No. This can't be happening. I should not be taking advantage of him being drunk.

I pushed Gian away, hard enough to make our lips part. We stared at each for a second and reflexively, I slapped him.

"Dane.." wika pa nito habang sinusubukan pa akong hawakan.

Tinaboy ko ang mga kamay niya at kaagad na lumabas sa kwarto niya.

What in the hell was he doing?

***

"Magaling ba siya? Ano lasa ng lips niya? Matamis ba?"

Bahagya kong binatukan ng di kalakasan si Nica. Napaaray naman ito at nag pout. Kinuwento ko kase sa kanya ang buong nangyari kagabi.

"Halikan mo rin kaya nang malaman mo."

"Ito naman, naiinis kaagad. Pero 'di nga?"

"Mukha ba akong nagsisinungaling, Nica?"

"Hindi naman sa ganun gurl, dapat kase nagpicture kayo habang naghahalikan para evidence."

"Alam mo ikaw, manyakis ka talaga no. Ginagawa niyo ba yan ni Rio?"

"Ay hindi ah... so napunta sa amin ang usapan ngayon?" Umirap ito at agad din namang tumingin sakin ng seryoso "So ano na plano mo ngayon?"

"Plano?" Confused kong tanong.

"Yes! Plano. Don't tell me papalagpasin mo lang ang nangyari sa inyo?"

Nagkunot noo akong tumitig sa kanya. "Eh ano naman dapat na gawin ko?"

"Hoy bakla! Nagkiss kayo. Hindi ba yan big deal sa'yo? O pokpok ka lang talaga na normal na lang sayo ang halikan ka?" Malakas nitong wika.

Andito kami ngayon sa Bo's Coffee and of course dinig ng mga tao dito ang bunganga ng babaeng to.

Pasimple akong napalingon sa paligid "Hoy wag ka ngang maingay." Bulong ko.

"Ay sorry..." Humigop ito sa frappe niya bago nagsalita ulit "So ano nga?"

"Anong ano?.. Haay naku. Wag na nga natin pag-usapan ang nangyari."

Napatawa ito. "I can't believe you. Akala ko matalino ka. Kung gaano kataas ang IQ mo, ganun naman kababa ang EQ mo."

I rolled my eyes "Sana hindi ko nalang chinika sa'yo kase for sure, magiging big deal na naman."

"Tanga! Big deal talaga." Malutong at malakas na sabi ni Nica. "...hinalikan ka niya, at sa lips pa ha? Buti sana kung sa cheeks, sa leeg, o sa kamay lang. Sa lips te. Sa lips!"

"Ok sige na. Let's say it's a big deal. Pero ayoko lang kase mapahiya. Baka hindi niya maalala. Or let's say, he knew what he was doing pero we can't guarantee kung aamin ba siya. Like Duh. He has the perfect alibi: he was drunk that time it happened. Oh 'di ba? Sinong kawawa? Edi ako na naman."

Napaisip ito "Hmmmm. Madali lang naman yan eh."

"Madali? How?"

"I-confront mo siya. Itanong mo lang sa kanya kung bakit ka niya hinalikan."

"Ha? No way! Hindi ka ba nakikinig? Ayokong mapahiya."

Napakamot ito ng ulo. "Gurl, wag ka magpadala sa hiya! Kesa naman you live your life forever wondering about that kiss just because you slipped it away. Ganito yan, if he remembers and explains why he kissed you, edi ang bongga! At least you know na and malay natin te, maging kayo pa. But if he denies, edi gago siya. Murahin mo nalang. Pahiya kung pahiya at least alam na natin kung gaano siya kagago."

Bakit Bestfriend Ko Pa? [GayxStraight]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon