Prologue

4K 140 0
                                    

Habang nagsusulat at kinokopya ng buong grade 6 section FL ang mga nakasulat sa pisara ni Mrs. Rodriguez, biglang sumulpot ang School Guidance Councilor sa classroom nila.

"Good Morning, children." Masigla nitong wika sa buong klase.

"Is this Grade 6 section FL?" Tanong naman nito kay Mrs. Rodriguez, ang adviser ng klase.

"Yes, Ms. Antivo. Why?" Sagot ni Mrs. Rodriguez na tila ba ay confused kung bakit pumarito ang School Guidance Councilor.

"Is Gian Baldomaro here?" Napalingon na lamang ang buong klase kaagad kay Gian na mukhang may alam na kung bakit siya nito hinahanap.

"Gian? Ano na naman ang ginawa mo?" Tanong kaagad ni Mrs. Rodriguez na nakakunot ang noo kay Gian.

Kung bakit ba naman kase pinatulan pa ni Gian ang mga lalaking mga taga section 3 na nang-away kay Dane kaninang recess. Hindi maiwasan ni Dane ang mangamba para kay Gian dahil alam niyang siya ang dahilan kung bakit ito hinahanap ng School Guidance Councilor nila.

"Gian Baldomaro?" Wika pa ng School Guidance Councilor dahilan para mapatayo na si Gian sa kinuupuan niya at lumapit dito.

Magalang naman ang bata na sumunod sa School Guidance Councilor nang makalabas sila sa classroom.

"Ang yabang naman din kase." Mahinang wika na lamang ni Dane sa sarili sapagkat hindi rin niya maiwasan ang mainis sa kaibigan niya.

*

Hindi na bumalik si Gian sa classroom nila kahit pa ay tapos na silang kinausap ni Ms. Antivo, ang kanilang School Guidance Councilor. Kinuha na lamang ni Dane ang bag ng kaibigan at siya na lamang mag-uuwi nito sa kanila kapag hindi niya ito nakita sa labas.

Papalabas pa lang ng gate ng school si Dane nang matanaw na nito kaagad ang kaibigan niyang si Gian na nakapamulsa pang nakatayo sa gilid ng gate at tila ba'y hinihintay siya.

"Oh yung bag mo!" Wika ni Dane sabay hagis ng bag ni Gian sa tiyan niya.

"Aray."

"Ang bigat bigat naman niyan. Dinadala mo ba lahat ng libro mo?"

"Hindi naman ah. Maarte ka lang." Sagot ni Gian at nag-umpisang maglakad na kaagad namang sinundan ni Dane.

"Anong ginawa niyo sa guidance office?" Confused na tanong ni Dane sa kaibigan.

"Wag kang mag-alala. Kinuwento ko lahat ng mga ginawa ng mga unggoy na yun sa'yo."

"Yun lang?"

"Oo. At pinapatawag lang naman yung parents namin."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Dane sa pagkagulat dahil sa sinabi ng kaibigan niya "Ha? Eh pano yan? Edi papagalitan ka na naman ng daddy mo? Ikaw naman kase! Dapat hinayaan mo nalang yung mga yun. Wala lang magawa ang mga mokong na yun sa buhay nila kaya ganun sila. At tsaka okay lang nama-"

Napatigil naman si Dane sa pagsasalita nang biglang takpan ng kaibigan niya ang bibig niya gamit ang kanang kamay nito. "Oops tama na. Okay na diba? Tapos na. Pasalamat ka pa nga sa'kin kase ang pogi ng super hero mo." Wika pa ni Gian sabay pacute.

Palihim namang napangiti si Dane sa narinig at kaagad na yumuko upang hindi mahalata ng kaibigan. May malalim na paghanga ito sa kaibigan niya kaya naman todo ingat siya sa mga reaksyon niya upang hindi mahalata.

"Yabang mo." Wika ni Dane na may pagtataray.

Umakbay si Gian dahilan para mapalingon si Dane sa mukha nito. Pero nang lumingon ito ay bahagyang nagulat na lamang siya dahil nakatutok na pala ang mukha ng kaibigan sa mukha niya at pangiti-ngiti pa. Ilang pulgada na lamang ay magdidikit na ang kanilang mga mukha.

"Hoy tigilan mo ako sa pagpapacute mo."

"Ako nagpapacute? Hindi na kailangan. Cute na ako since birth at pogi pa." Mayabang na wika ni Gian na may pataas-taas pa ng kilay niya.

"Ewan ko sa'yo. Basta sa susunod wag kanang mang-away." Sagot naman Dane.

"Hindi naman ako ang nang-away."

"Ah basta."

"Ayoko lang kase na pinagkakatuwaan ka at tinatawag ka pang bakla." Wika naman ni Gian na ikinagulat ni Dane.

"Ayaw mong tawagin akong bakla?" Natatawang tanong ni Dane. "Eh ikaw nga dyan ang tawag ng tawag sakin ng bakla. Dahil nga siguro sa'yo kung bakit ang dami nang tumatawag sakin ng ganun."

Napakamot na lamang ng ulo ang makulit na si Gian at nag-isip ng pwedeng ikatwiran sa kaibigan.

"Ibig kong sabihin, ayokong may ibang tumatawag sayo ng bakla." Paglilinaw ni Gian na hindi rin naman naintindihan ng kaibigan.

Umakbay muli ito ng mahigpit kay Dane na tila ba ay sinasakal niya ito. "Ako lang ang may karapatan sayong tawagin kang baklaaaa!" Malakas nitong wika.

"At bakit naman?" Tanong ni Dane sa kaibigan habang pilit na kumakawala sa bisig nito.

"Bakit?? Kase bestfriend mo ako, 'di ba?" Sagot na lamang ni Gian sa itinuturing nitong matalik na kaibigan. Nakatutok na naman ang mukha nito sa mukha ng kaibigan, nanlalaki ang mga matang nakatitig, at may pataas-taas pa ng kilay.

Ilang pulgada lang ang pagitan ng kanilang mga mukha kaya naman hindi maiwasan ng musmus na puso ni Dane ang kumalembang.

Haaay. Ang gwapo talaga. Ani Dane sa isipan niya.

Bakit Bestfriend Ko Pa? [GayxStraight]Where stories live. Discover now