CHAPTER 25: Deciphering Trustworthy Souls

7 0 0
                                    

Aza.

Una naming tiningnan yung file na LAUV at ang nakita lang namin ay mga picture naming lima pero karamihan dito ay picture ni Paris. Sunod naming tiningnan ay ang file na TRUSTNOONE at hindi kami makapaniwala sa aming nakita.

“Ang mama at papa...” naiiyak na usal ni Gabriel. Muntikan niya ng mabitawan ang laptop na hawak niya mabuti na lamang at mabilis ko itong nasalo. Sa file na 'yon ay may video kaming pinanood kung saan makikita kung paano pinapahirapan ang mga magulang ni Gabriel ng nag-iisang Solene na pinsan niya. Nakaupo ang mga ito sabay binuhusan ng tubig, may inilabas si Ms. Solene na bagay pero hindi ito masyadong aninag dahil malayo ang video, inilapit niya ang bagay na 'yon sa mga magulang ni Gabriel at dun na nagsimulang mukhang manginig ang mga ito na para bang nakukuryente. No, mukhang nakukuryente nga sila.

Nakarinig ako ng paghikbi, hindi ito mula sa mga magulang ni Gabriel pero mula ito sa taong nasa likod ng video. “Ate Solene...” parinig ko at kung hindi ako nagkakamali, that's Mazekeiah. After nun ay nakarinig ako ng putok ng baril kasabay ng pagkatapos ng video.

“That's Maze' voice.” sabi ko kay Gabriel na nagpupunas ngayon ng luha. “Mukha bang wala akong tainga?” galit na tanong niya. Kung hindi ka lang umiyak baka nabatukan na kita. Masama bang sabihin ko 'yon, malay ko bang nakikinig siya habang umiiyak.

“Play the other video.” sabi niya, dalawang video nga pala ang nasa file na TRUSTNOONE. Pagka-play ko ay nakita kong nagkakabit si Maze ng CCTV sa kwarto niya siguro 'to. Well, itong video na naka-play ngayon sa laptop ay record ng CCTV.

Pagkatapos niyang ikabit 'yon ay umupo lang siya. I clicked the fast forward button kasi wala namang nangyayari hanggang sa pumasok si Ms. Solene. Hindi namin parinig ang usapan nila pero napansin ko na parang galit na galit si Maze habang nagsasalita. Kinuha niya pa nga ang phone niya sa bulsa sabay may ipinakita kay Ms. Solene. Nakita kong gusto itong kunin sa kaniya pero mabilis niya itong tinago. Pero pinilit pa rin itong kunin Ms. Solene hanggang sa maitulak niya si Maze, matagal din na hindi bumangon si Maze at dun ko lang napansin na dumudugo na pala ang ulo nito.

“Did Ms. Solene killed Maze?” tanong ko. “Huwag ka ngang maingay, just watch it.” sabat ni Gabriel.

Nataranta si Ms. Solene, lumabas siya sa kwarto ni Maze. Makalipas ang ilang minuto ay pumasok ulit siya, dala-dala ang isang timbang may tubig at mop. Nilinis niya ang dugo ni Maze sabay marahang iniupo, at pinunasan ang dumudugong ulo nito gamit ang isang tela. Pagkatapos ay lumabas ulit siya sa kwarto, pagkabalik ay may dala na itong lubid. Itinali niya ito sa ceiling at ang pagkakatali nito ay parang magsusuicide, kumuha siya ng upuan sabay binuhat si Maze. Makalipas ang ilang oras ay nagawa niyang isuot ang ulo ni Maze dun sa taling ginawa niya.
Bumaba siya sa upuan sabay hinila 'yon, dahilan upang humigpit ang tali sa leeg ni Maze at magmukha itong suicide. Makaraan ang ilang oras ay pumasok si Mazeghiel at dun na nagdrama si Ms. Solene, telling to him siguro na nagsuicide ang kapatid niya.

Fuck! May foul play nga.

“Tang ina!” sabi ko. Paano na lang kung hindi ko nalaman ang password ni Maze? Edi hindi namin mabibigyang hustisya ang pagkamatay niya.

“Now I get it.” sabi naman ni Gabriel na mababakas ang pagkadismaya sa mukha. Nakita kong may kausap siya sa phone niya, pinatay niya 'yon at tumingin sa'kin. “Your sister said that Mazeghiel has border personality disorder. Pumunta sila sa ospital para i-check siya. Siguro nagkaroon siya ng ganun dahil sa hindi inaasahang pagkawala ng kapatid niya, at sa inyo napunta ang galit niya dahil nga sinabi ni Solene na kayo ang naging dahilan kung bakit nagpakamatay si Mazekeiah pero ang totoo siya ang pumatay dito.” paliwanag nito.

Trust No One Место, где живут истории. Откройте их для себя