PROLOGUE

9 1 0
                                    

In Ethereal Highschool University, Right conduct and good manners are included in their top priorities that need to be performed by the students. Well, you can tell them by reading their handbook.

Yet, section serenity did not obey some rules of their school and believes in saying, 'Enjoy-in ang highschool life dahil hindi mo na magagawa kapag college ka na'. 

They know their limitations but they want to feel ecstatic too. Marami sa kanila ang may reklamo sa rules ng school dahil sobra na raw 'yon at hindi na mai-enjoy ang highschool life. That is why, despite of being a section one, a role model for lower section or year they tend to violate some rules.

Strong bond. Best section. Family.
That is how they describe their bond. Kahit may sari-sarili silang circle of friends hindi pa rin mawawala ang pagiging buo ng kanilang samahan. Gayunpaman, hindi maiikaila ang pagiging sikat nila sa teacher's office o faculty dahil sa mga rule violations nila pero naniniwala pa rin sila na mas better sila sa best.

“I CAN'T BELIEVE THAT THIS IS SECTION 1!” sigaw ng kanilang adviser na nakakuha sa atensyon nilang lahat na sobrang ingay. Inilapag nito nang malakas ang dalang libro sa mesa. Lumalakad pa lang ako papuntang room niyo, and I'm so disappointed kasi rinig na rinig agad ang boses niyo sa labas!” Pumunta ang mga estudyante sa kani-kanilang upuan pero panay pa rin sila sa bulungan.

Bulong dito. Bulong doon. Meron pang nagpipigil nang tawa sa likod na mga babae.

“I expected from you guys that you are all going to change. To change as a better version of yourself.” Sabi ng kanilang adviser na kunot-noong pinagsasabihan sila.

Tumaas ng kamay ang isang estudyante at nabaling doon ang atensyon ng lahat. “Ms. Joy naman e akala ko po ba kakampi namin kayo. Baka mamaya tawagin na po namin kayong Ms. Sad niyan.” Biro ng isang estudyante kaya naman nagtawanan ang lahat kasama na rito si Miss Joy, ang kanilang pinakamamahal na adviser.

Si Ms. Joy ay tumanda na nang dalaga pero makikita pa rin ang ganda at aliwalas ng kanyang mukha. Magaling siyang makisama sa mga estudyante kaya nga mahal na mahal siya ng section serenity.

Ganyan kasaya sa seksyon nila, pati adviser ay napapasama at napapahamak dahil sa mga kalokohan. Pero hindi sila bastos sa kanilang adviser kasi alam nila ang kanilang limitasyon. Besides, Ms. Joy always lecture them kapag may issue o rule violation silang nagagawa pero hindi maiitangi na masayang maging adviser si Miss Joy, coming from her name.

-

Lunch time. Ang iba ay pumunta sa labas para bumili. Merong nanatili lamang sa loob ng room because they have packed lunch.

“Tara bibili ng ice cream sa labas.”

“Tanga! Bawal lumabas sa gate. Patay ka kay Ka-Anton”

“Hoy! May sagot na kayo sa math? Nakakabwisit talaga si Sir lagi na lang ipinapasa sa hapon yung seat work niya!”

“Guys, ipasa niyo na yung pinagawang essay kanina sa english hanggang lunch na lang 'yon!”

“Hoy, wag niyong burahin yung sulat sa board hindi pa nga tapos kopyahin e!”

Yan ang mga reklamo ng ilan sa kanila. First day nila ngayon matapos ang christmas break pero puno agad ng daing, ingay, at kalokohan.

Pero sila na 'yan, ang section serenity. Who believes that they're better than best.

Moreover.

Serenity means peacefulness, tranquility, or absence of mental stress. Will this definition be change or stay the same until the end of the school year? Can they still trust each other?

;

Trust No One Where stories live. Discover now