CHAPTER 18: End Of Comradeship

7 0 0
                                    

Jaxx.

Hindi ko alam kung kaya pa ba akong mapatawad nina Jeya at Paris. I made a big mistake and I can't bring the time back para maayos 'to.

"Ano na ang gagawin natin ngayon?" tanong ni Maze sa'kin. Nakaupo pa rin ako ngayon sa room nina Paris katabi siya.

"Hindi ko na alam." sagot ko.

"Hindi si Luna ang talagang nag suggest nun diba? Sinabi mo yung idea na 'yon sa kanya?" mahinang tanong niya.

Great. Alam niya pala na ako ang nagsabi kay Luna ng idea na i-interrogate yung dalawa. Lalo ko tuloy naiisip kung gaano ako kawalang kwentang kaibigan. I should've thought the consequence before I made a decision.

"Yes, I did that pero akala ko malilinis nina Paris ang pangalan nila kaso nagkamali ako." paliwanag ko, hininaan ko rin ang aking boses na sapat na para si Maze lang ang makarinig.

"Paano? Idiniin mo sila kanina kahit wala kang matibay na proof."
malakas na sabi ni Maze kaya napatingin sa amin yung ibang nasa room.

Tumayo ako sa aking pagkakaupo at sinenyasan si Maze na sumunod sa akin.

"Pasaan kayo?" hindi pa kami nakakaalis ay tinanong kami ni Emerald.

"Babalik na sa room." sagot ko.

"Hindi niyo na iintayin sina Paris? Akala niyo ba mapapatawad agad kayo ng mga 'yon sa isa o dalawang sorry lang?" sabi ni Galle.

I'm not really expecting it coming from Galle's mouth. A character development, huh?

"Well, choice na nila kung pipiliin nilang mag-inarte basta I did say sorry to them." sagot ko. Alam kong hindi tama ang mga sinabi ko pero kailangan naming makalabas ng buhay dito and the best way to do it ay isantabi muna namin ito at unahin ang mas importanteng bagay.

"Okay." bigla namang may nagsalita sa likod ko at paglingon ko ay nakita ko ang dalawang bulto ng tao. It's Jeya and Paris.

"Sorry kung sa ganitong sitwasyon pa kami nag-iinarte." sabi ni Paris with a hint of sarcasm.

Umiling na lamang ako at tuluyang umalis. Hinabol naman ako ni Maze at ngayon ay kasabay ko na sa paglalakad.

"Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan? Dapat inintindi mo pa rin yung nararamdaman nila, afterall they're still a human. May nararamdaman at alam mo 'yan." sabi niya kaya napabuga na lang ako ng hangin.

"But I want them to get out of here alive." sagot ko.

"Then why are you being bad to them? Makakatulong ba 'yan?" tanong ni Maze.

Hindi mo kasi naiintindihan pero sana kapag nalaman mo na lahat, magawa mo na akong intindihin.

"I just need to." sagot ko. Binilisan ko na ang lakad ko hanggang sa makaabot sa harapan ng pinto ng room namin. Pumasok kaagad ako at ramdam ko naman ang pagsunod ni Maze.

"I have something to tell you." panimula ko at umupo.

"Spill." sabi niya.

"Alam mo ba kung bakit ko sila diniin kanina?" tanong ko at umiling lang siya.

"Kasi iniintay ko na sabihin nilang may nag-utos sa kanila. And that way, baka malinis nila ang pangalan nila." sabi ko.

"Wait? So, sinasabi mong sila talaga ang gumawa nun at may nag-utos sa kanila?" tanong niya.

Trust No One Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin