CHAPTER 11: Mind Of The Game

4 0 0
                                    

Mind.

It's been 3 days pero mukhang pasaya na nang pasaya ang laro. Marami na kaming napapatay kaso nga lang nabawasan kami ng isa. So sad.

No, kung naging matalino lang sana siya at hindi kinitil ang sarili niya sana buhay pa siya ngayon. I mean she had choices yet she chose to die. I can't deny the fact that she's dumb and boring person. Hindi man lang niya pinagulo ang laro.

But still our game is not boring at all, thanks to F9.

F9 means follower number 9. 'Yan ang tawag ko sa mga sumusunod sa akin. They all have their own number. They're the followers and I'm the mindmaster, what a perfect combination right?

Anyways F9 suggested kung paano kami papatay, the creative way of killing. Ginamit namin yung mga sinulat sa dare. However, since I'm the mindmaster of this game. I didn't tell them how the whole game works. I add the Fibonacci sequence but I'm sure na may nakakaalam na nito.

Marami akong follower and I'm sure they will always obey my order unless hindi na nila ako pinagkakatiwalaan at balewalain na lang nila yung pangako ko, kasama na dun yung makalabas sila nang buhay. I didn't randomly chose the person who became my follower in my own game syempre I have reason why I chose them.

Actually, hindi pa nga ako nakakapatay pero malapit na once na maubos ang mga inuutusan ko sa pagpatay. No one can get out here alive except me and my followers na hindi ako tatraydurin o hindi gagaya sa ginawa ni F5, Gianna.

Nandito ako ngayon sa second floor ng SHS building at nagpapahangin. "Mind." tawag sa akin ng isang kong follower. Lumingon ako sa kanya at nakita ko si F6.

Mind. 'Yan ang tawag nila sa akin. No one knows that codename 'Mind', except sa mga followers ko kaya once na may tumawag sa'kin ng Mind for sure it's my follower.

"What are you doing here, F6?" malamig na tanong ko.

"Can I have a favor?" sabi niya. Lumapit siya sa akin at napabuntong hininga.

"What's with the sigh?" tanong ko habang nakatingin sa makulimlim na langit. "Pwede bang 'wag mong ipapatay ang mga kaibigan ko?" sabi niya pero umiling lang ako.

"Sequence is a sequence. Alam mo naman na siguro kung anong sequence ang sinusunod ko." sabi ko and a smirk formed in my lips sabay tingin sa kanya.

"Anong sequence?" tanong niya. So, hindi niya pa alam? Akala ko ba matalino siya.

"Nevermind. Pero hindi ko magagawa ang pabor mo." sabi ko. Inalis ko na ulit ang tingin sa kanya at tumingin na ulit sa makulimlim na langit na ngayon ay sinasabayan ng kulog at pailan-ilan na kidlat.

Mukhang maganda ngayong pumatay nakikisabay ang panahon. Madali lang naman pumatay. Ibibigay ko lang sa isa kong follower ang isang papel kung saan nakasulat ang pangalan ng target and the allotted time for him or her to kill the target. Then BOOM! Patay!

"May kailangan ka pa ba?" tanong ko dahil hindi pa rin siya umaalis sa tabi ko. "Makakalabas ba talaga kami ng buhay dito?" napatawa naman ako sa tanong niya.

Natatakot ba siya na baka sa huli patayin ko rin siya? I'm not that kind of person na hindi tumutupad sa mga pangako maliban na lang kung gumawa siya-sila ng hindi ko gusto.

"Don't you trust me?" sabi ko at hinawakan ang kanyang balikat. Nakita ko ang nanginginig niyang tuhod kaya mas lalo akong natawa.

Tumigil ako sa pagtawa at naging seryoso."Don't be scared. Hindi kita papatayin." sabi ko at tumango naman siya.

Trust No One Where stories live. Discover now