CHAPTER 17: Endless Regrets

6 0 0
                                    

Jeya.

Hindi ko na alam kung paano namin maiibalik ang tiwala ng mga kaklase ko sa amin, even our close friends. Ang sakit sa pakiramdam na bigla na lang mawala yung tiwala nila sa isang deduction lang.

Bumalik na kami sa room at ramdam ko ang hindi magandang atmosphere pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ni Paris. Tiningnan nila kaming dalawa pero hindi ko inaasahan na kakausapin nila kami.

"Sorry sa inyong dalawa dahil hinusgahan agad namin kayo kahit walang matibay na proof." sabi ni Claire at hinawakan ang kamay namin. Nginitian ko lang siya at tumango.

"I promise hindi talaga ako ang nagsulat nung letter at hindi ko kayang pumatay ng tao." paliwanag ni Paris.

"Naiintindihan ka namin, nadala lang ako ng emosyon." sabi naman ni Maeve.

Hindi ko agad napansin na nandito rin pala si Jaxx. "Sorry din." sabi niya. Nakita ko naman ang pagkurba ng ngiti sa labi ni Paris.

"Bakit nandito ka?" tanong ko. Nagtinginan silang lahat na ikinakunot ng noo ko. Pero agad rin namang nagsalita si Jaxx.

"Pumunta ako dito para sabihin sa inyo na kakain na tayo ng umagahan." sagot ni Jaxx.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin nung nabangga kita?" tanong ni Paris.

"Sa totoo niyan nagtanim din ako ng galit sa'yo kaya hindi ko na nasabi." paliwanag ni Jaxx. "Pero thank you kay na Maeve kasi iminulat nila yung mga mata ko sa katotohanan. I promise, I will trust you no matter what." dagdag ni Jaxx at tumingin ito kay Paris.

Kinikilig na naman ako dito kasi layag na naman ang aking ship. Sana talaga makita ni Jaxx yung halaga ni Paris kaso hindi naman ako isang cupid para panain sila.

"Ano? Hindi pa ba kayo gutom, tara na!" sabi ni Jaxx at nagtawanan naman kami sabay sumunod na palabas.

"Akala ko talaga hindi na sila maniniwala sa akin." bulong ni Paris habang naka-angkla ang kanyang braso sa braso ko.

"Sus! Ang sabihin mo akala mo hindi na siya maniniwala sa'yo." sabi ko, emphasizing the word siya.

"Medyo." sabi niya at mahinang tumawa.

"Mahal mo pa rin?" tanong ko at tumango naman siya. Nakadating na kami sa tapat ng teacher's office at nung pumasok kami ay lumapit si Luna sa amin.

"Sorry sa inyong dalawa lalo na sa'yo Paris." sabi niya. Tinanguan lang namin siya at pumunta na sa bakanteng upuan para kumain.

Makalipas ang ilang oras ay natapos na rin kaming kumain. Bumalik na kami sa aming room at may ilan namang sumama sa amin kahit hindi nila room 'yon.

"Guys, naparinig ko kay na Ms. Joy na anim raw ang namatay." panimula ni Jem.

"Anim?" tanong ko.

"Bingi na ba yang mga mata mo anteh nasabi ng anim." sagot ni Jem kaya naman inirapan ko siya.

"Biro lang!" sabi niya at nagpeace sign.

Nasa suspect list pa rin ba namin siya? Mukhang natigil na yata 'yon.

"Sino raw yung anim?" tanong ni Mica.

"Si Akiesha, Aizykiel, Aeron, Arthur, Athena, at Adriana." walang-emosyong sagot ni Jaxx.

"Naparinig mo rin?" tanong ni Jem at tumango naman si Jaxx.

"Ibig sabihin wala ng sequence?" tanong ni Maze.

"There is. Napansin ko na ang mga pangalan ng mga namatay ay nagsisimula sa letter A." sagot ni Jaxx.

Trust No One Where stories live. Discover now