CHAPTER 3: Camping

8 0 0
                                    

Aza.

“Si Ms. Joy nakitang patay sa gym!”
Pagkasabi ni Joshua ay dali-dali kaming lumabas sa room. Tumakbo kaming lahat papunta sa gym maliban na lang dun sa mga nasa canteen na walang kaalam-alam.

Habang papalapit ako nang papalapit ay biglang bumibigat ang aking pakiramdam. Pagdating namin ay walang nagkukumpulang tao kaya naman nagtaka ako. Pagpasok namin ay nakita namin si Ms. Joy. Buhay at nakatayo. Ngumiti siya sa amin labas ang ngipin kaya naman mabilis kaming lumapit sa kanya at niyakap siya.

She's wearing her teacher uniform. Nakalugay ang kanyang buhok at mapapansin mo ang light make-up sa kanyang mukha.

Niyakap niya rin kami. “It's a prank! Ayos ba ang prank namin ni Joshua?” sabi niya sabay tumawa nang malakas. “Ms. Joy, pinakaba mo kami dun ah!” ani Chase.

“Sorry, anyways it's finally our camping on Monday. That's why I prepare a small gift to all of you.” binuksan niya sa amin yung kahon na nasa likod niya. “So, this is a pajama na pwede niyong isuot sa camping. Bale bibigyan ko kayong lahat ng tig-iisang pares ng pajama.” itinaas niya yung nakaplastik na pajama at ipinakita sa amin. Nagpalakpakan at nagsigawan naman kaming lahat.

“Lahat ba ay kasama sa camping, Ms. Secretary?” tanong ni Ms. Joy, tumaas ng kamay si Paris at sinabing kasama kaming lahat. “Buti na lang at forty-seven pajamas ang binili ko. Pink ang sa girls at blue naman sa boys. Makikitawag naman yung ibang wala dito.” ani Ms. Joy at sinagot lang namin siya ng simpleng 'okay po'.

Nagpaalam na muna si Ms.Joy dahil may gagawin pa raw siya at sinabihan na lang si Jaxx na ipamigay nang ayos yung pajama. Ang ibang boys naman ay umalis din para tawagin yung iba naming kaklase.

“Grabe naman si Ms. Joy, talagang kinabahan ako sa prank niya.” ani Jem.

“Mas kabahan ka kung kakasya ba sayo yung pajama.” sabi ni Vyn. Nagtawanan kaming lahat habang kumukuha ng tig-iisang pajama at umakto naman si Jem na parang susuntukin si Vyn. Lahat kasi medium yung pajama kaso nga  lang medyo may kalakihan si Jem.

“'Wag kang magworry, Jem. It's nababanat kaya.” ani ng conyong si Jane na kakukuha lang ng pajama.

“It's nababanat ba? Hindi ko knows na it's like that pala.” panggaya ni Seb kay Jane kaya nakatanggap siya ng isang batok mula dito. They're friends kaya alam kong magbabati rin ang mga 'yan. And confirmed, may tinatago talagang kalokohan ang mga tahimik.

Nagsasalita ka pa pala Sebastian.” ani Precious na minsan lang din magsalita. Kabilang si Precious sa listahan ng magaganda sa amin kaso hindi sa mga matatalak. Mahinhin siyang babae pero matalino. Nahiya naman ako sa'yo Precious na minsan din magsalita.” sabat ni Seb.

“Atleast nakakasagot ako sa recitation.” ani Precious. Foul yan, minsan kasi hindi nakakasagot si Seb sa recitation dahil kinakabahan siya.

“New ship is sailing. PreTian lang sakalam!”

“Pangit naman ng ship name mo dapat SeCious!”

SeCious for the win!”

Rinig kong asar ng mga kaklase ko. Natahimik naman ang dalawa.

Lumipas ang ilang minuto.Ang ilan ay nakakuha na ng pajama samantalang ang iba ay nakapila pa.

Nakarinig kami ng mga nagtatakbuhan kaya sign na nandito na yung mga nahuli sa balita. Pagpasok nila ay dali-dali silang lumapit sa amin. “Hoy, anong nangyari kay Jem?!” malakas na tanong ni Claire. Maganda, matalino, at matalak siyang babae lalo na kapag usapang mga green flags na fictional character. Mahilig kasi siyang magbasa ng wattpad like me.

Trust No One Where stories live. Discover now