CHAPTER 21: Bidding Adieu

7 0 0
                                    

Jeya.

Nakapikit lamang ang aking mga mata at pilit na ibinabalik ang aking sarili sa pagtulog ngunit bigla na namang pumasok sa aking isipan ang mga sinabi ng aking mga kaibigan.

"Then let's kill her."

"We don't need a plan, we just have to kill someone. We just have to kill Ms. Joy who brought pain to us."

"If you can do both, then do whatever the fuck you want, and I will do everything just to kill her."

"Maybe."

"Sino ka ba?!" bigla akong napabalikwas nang marinig ko ang boses ng kung sino. Nakita kong nagsasalita si Paris habang tulog ngunit hindi lamang 'yon ang nakapukaw ng aking atensyon.

"Sunog!" sigaw ko dahil unti-unti ng pinapasok ng usok ang aming room, at nakikita ko rin ang pagliyab ng apoy sa labas ng bintana.

"Gising! Gumising kayo!" sigaw ko ngunit ang iba ay nanatili pa ring tulog-mantika.

Inalog-alog ko ang katawan ni Paris hanggang siya ay magising. "Anong nangyayari?" tanong niya sa akin sabay mabilis na tumayo. "May sunog! Kailangan nating gisingin ang mga kaklase natin!" tarantang sabi ko.

Nagising na rin ang iba. Tinangka naming gisingin yung mga nanatiling tulog ngunit bigla silang nabagsakan nung nasusunog na wooden cabinet na naging dahilan nang malakas na pagsigaw namin.

"Paris! Jeya!" tumingin kami sa likod namin kung nasaan ang pinto nitong room. "Jaxx." 'yon na lamang ang lumabas sa bibig namin dahil sa nangyari.

"Lumabas na kayo diyan!" sigaw niya ngunit umiling lamang ako. Hindi ako nakakibo dahil sa aking nasasaksihan ngayon. Unti-unting nasusunog ang katawan ng iba kong kaklase, at saka pa lamang sila dun nagising. Rinig ko ang pagsigaw nila dahil siguro sa sakit na kanilang nararamdaman ngayon ngunit tuluyan na akong hinila ni Paris palabas sa SHS building.

"Tanga ka ba? Gusto mo na bang mamatay?!" galit na sabi sa'kin ni Paris.

"Oo! Sana nga namatay na lang ako para hindi ko na masaksihan kung paano magdusa ang mga estudyanteng kagaya ko!" sigaw ko sa kaniya. "Kaya pa natin silang iligtas pero bakit puro sarili niyo lang ang iniisip niyo?!" dagdag ko pa.

Nasa labas na kami ng building at mapapansin na kakaunti na talaga ang natira sa amin. Ako, si Paris, Jaxx, Galle, Lia, Jane, Mica, Claire, Maeve, Precious, Luna, Chase, Joshua, Euan, Seb, Jem, Vyn, Jeanne, Emerald, Mind or Ms. Joy, at Sir Quira.

"Kung iniligtas mo sila baka ngayon abo ka na rin." sabi ni Paris. Gusto ko pa sana siyang sagutin pero dahil sa halo-halong emosyon na aking nararamdaman ngayon ay umupo na lamang ako sa may damuhan.

"Pasensya na kayo. Hindi ko talaga ginustong mangyari 'to pero alam kong kasalanan ko ang lahat." rinig kong sabi ni Ms. Joy kaya naman napatawa na lang ako sa kaniyang tinuran.

"Putang ina, buti naman at inamin mong kasalanan mo ang lahat!" sigaw ko. Susugudin ko na sana siya pero pinigilan ako ni Paris. "Jeya, kumalma ka." bulong niya.

"Paano ako kakalma kung una pa lang alam ko na ang katotohanang siya ang may kagagawan ng lahat?! Kung araw-araw pinagtataksilan ko ang seksyon natin nang dahil sa kaniya!" galit na sabi ko habang dinuduro si Mind.

"Ang tanga tanga ko kasi mas pinili kong itago ang katotohanan para sa sarili kong kaligtasan kahit pa ang kabayaran nito ay mga buhay niyo!" dagdag ko. "Sana pala sinabi ko na lang na siya ang utak ng kagimbal-gimbal na pangyayaring ito." malungkot na sabi ko, hindi ko na napigilan pa ang mga luha na tumulo sa aking mga mata.

Trust No One Where stories live. Discover now