CHAPTER 24: Connecting Dots

Start from the beginning
                                    

Hindi pa ako nakakalayo ng paglalakad ay may biglang sumipol. Tiningnan ko kung saan iyon nanggaling at laking gulat ko ng makita si Gabriel. “Bakit parang gul—” hindi ko siya pinatapos ng pagsasalita. “Narinig mo ba yung usapan namin?” tanong ko. “A little.” sagot niya sabay malakas na tumawa.

“Tang ina, mukha bang may nakakatawa?!” galit na usal ko. Hindi niya ako sinagot at basta na lamang ako hinila. Mahigpit niyang hinawakan ang pulsuhan ko, gusto kong kumawala pero hindi ko na 'yon nagawa hanggang sa dalhin niya ako malapit sa bakod ng aming school.

Sa wakas ay binitawan niya na ako. “Ano ba?!” naiinis na sabi ko. “Sumama ka sa'kin, and I swear hindi ka na maguguluhan.” sabi niya, umakyat siya sa bakod at inabot niya yung isa niyang kamay sa'kin. “No way, ayokong magcutting class.” sabi ko.

“Sige, ayaw mo bang malaman kung sangkot nga ba ang ate mo sa nangyari sa inyo?” tanong niya. Wait! Paano niya nalaman? “Ha?” 'yan na lamang ang naisagot ko sa kaniya. “Hatdog, este halika na. Ngayon ka lang naman magka-cutting class, ayaw mo nun new achievement.” sabi niya at nabuo sa kaniyang mga labi ang isang malaking ngiti.

Dahil sa sa pagiging mausisa ay sumama rin ako sa kaniya. Nakita kami ni Ms. Camero pero parang wala lang sa kaniya ang pagliban namin sa bakod. So weird.

Sumakay kami sa tricycle hanggang sa makadating kami sa isang bahay na medyo may kaliitan. I think, it's not his house. Pumasok kami pero hindi ko inaasahang makita sa loob si ate. Gumagamit siya ng computer at seryoso siyang nakatingin sa screen nito. Nakita ko rin ang ate ni Paris na panay buklat sa mga papel na hawak niya. Hindi lang 'yan ang ikinagulat ko, dahil may malaking board na nakakabit sa dingding at may nakalagay ditong red string na magkakaconnect, parang sa mga detective. Nasa gitna ang picture ni Ms. Solene at naka-connect dito ang picture ni Maze, Mazeghiel, at isang matandang babae at lalaki. Marami pang naka-connect na picture na nakapagpagulo sa isip ko.

“Anong meron? Bakit nandito ka ate? Totoo bang may kinalaman ka sa nangyari sa'min?” sunod-sunod na tanong ko. “I told you so many times Gab na 'wag mo muna siyang dadalhin dito!” sabi ni ate.

“Ayoko nang pahabain pa, I'm a private detective. And we're solving Gab's case.” paliwanag niya. “Anong kinalaman niya sa nangyari sa'min? Bakit hindi mo masagot yung tanong kong, sangkot ka ba sa pagpapatay sa mga kaklase at kaibigan ko?!” galit na tanong ko. Ayoko ng ganito, yung pagdudahan siya pero hindi ko na kaya pang magtiwala kaagad.

“No. Hayaan mong i-explain ni Gab ang lahat sa'yo. I know we don't have enough proof but please believe us. We just need to do something.” sagot niya. Lumabas siya at sinama yung ate ni Paris na dala-dala pa rin yung mga papel na hawak niya.

“Let's start.” sabi niya sabay huminga nang malalim. “I'm Gabriel Cyrus Merillo Fernandez.” panimula niya. Sasabihin ko pa sanang “pake ko”, pero na-realize ko kung ano gusto niyang sabihin. “You're Maze's cousin?” tanong ko at tumango naman siya. “And also, Solene Nireva.” sabi niya kaya naman nagsalubong ang mga kilay ko.

“Paano?” kaagad na tanong ko. “Ang unang naging anak ng mga magulang nina Maze ay si Solene. Inampon nila ito dahil akala nila hindi na sila magkakaanak. And as far as we know, Solene decided not to change her surname. Tinago niya rin na ampon lang siya, ni-hindi nga natin alam na kapatid niya pala sina Maze.” paliwanag niya at tumango naman ako. “Namatay ang mga magulang nina Maze dahil sa car accident, right?” tanong niya. “Oo.” maikling sagot ko.

“Since namatay sila ang mga dapat na ipapamana kay Tito ay mapapapunta kay mama, na kapatid ni Tito. But then, my parents found dead at the old school of EHU.” kwento niya. “I'm so sorry.” malungkot na sabi ko. Maghahanap sana kami ng clues or evidences na makapagtuturo sa pumatay sa kanila pero biglang may nagsunog dito.” dagdag niya.

Trust No One Where stories live. Discover now