Napalunok si Glaiza. Ang cute naman ng batang to.. Medyo bulol pa pero ang cute niya magsalita..

Tumango nalang si Glaiza so umupo yung batang babae sa tabi niya na parang may tinataguan.

Napalunok siya at napatingin siya sa bata na nakatingin din pala sa kanya. "What's the song?" The little girl asked.

Napataas ang kilay ni Glaiza na parang nagtatanong ng 'Ha?' Pero narealized niya na may nakasalpak pa nga palang earphones sa tenga niya.. At Tadhana pa rin ang tugtog..

"You want?" Tinanggal niya ang isa sa mga earphones sa tenga niya at inalok sa bata.

Nagsmile naman ang bata at kinuha ang earphone tapos sinalpak sa tenga nito. "I don't understand.. What is this song?"

Glaiza smiled. "Tadhana." Napailing siya nang marealized na hindi nga pala maiintindihan nung bata. "I mean, Destiny." Glaiza sighed na parang may narealized. "Destiny...." Napa-stop si Glaiza.

Destiny.. Destiny.... Tadhana....

Si Rhian..

Napapikit siya ng maalala ang boses ni Rhian nung gabing yun sa Condo niya.

"Naniniwala kaba sa Destiny?"

Napalunok siya.



Destiny. Tumingin siya sa lugar kung saan niya nakita si Rhian kahapon.

"Destiny ba na makita ko siya dito?"

"What do you mean?" The little girl asked so nilingon siya ni Glaiza.

"Uhm, nothing.. Uhm.."

"By the way I love this song. Yeah I don't understand but I love the beat of the song.." The girl smiled.

Napa-awkward smile nalang si Glaiza sa bata... Sino ba tong cute na bata na to? At bakit siya tumabi sakin?

"Wait, why are you here? Who's with you?" Glaiza asked.

The little girl looked at her. "Can you please repeat the song first?"

Napakunot ang noo ni Glaiza. Hala.. Pati bata nainlove sa 'Tadhana'..

Kinuha ni Glaiza ang phone niya at nirepeat nga ang Tadhana. She smiled. Mukhang magkakasundo ata sila nitong bata...

"I'm with my Mommy.." The little girl said habang sumusunud sunod pa ata sa beat ng tugtog yung ulo niya.

Glaiza smiled habang pinagmamasdan ang bata.. Sobrang cute. "What's your name?"

Nilingon siya ng bata at sasagutin na sana ang tanong niya nang biglang may sumigaw sa likod nila..

·

·


·

"Nicole!"

·

·

·

Sabay na lumingon si Glaiza at ang bata sa sumigaw.

Napalunok si Glaiza sa bigla nang makita ang babaeng papalapit sana sa kanila pero nang makita siya e bigla ding napa-stop.

·

·

·

·

·


RASTRO FEELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon