LAST CHAPTER: Happy Ending?

9.8K 180 24
                                    

EPILOGUE



SERAPHINA POV.

NANDITO ako ngayon sa sementeryo, nakaupo sa harapan ng isang lapida. May mga prutas na nasa maliit na basket ang nasa mat kung saan ako nakaupo.

"Mom, is he really kind?" Tanong sa akin ni Rade na ikinatango ko at ngiti habang nakaharap sa lapeda.

"Very baby," I said genuinely at naramdaman ko na naman ang pag-init ng sulok ng mga mata ko.

"Is he a good man?"

"Of course baby,"

"How I wish I can see him!" anito at tumayo at niyakap ako.

"May pictures naman niya, bigyan kita mamaya okay" sagot ko habang pinat ko ang likod ni Rade.

"Okay, Mom." he said.

"Nasaan na ba sila Wade," nagtataka kong wika dahil kanina pa ang mga ito wala. Sabi mag c-cr lang.

"Miss me already?" Baritonong wika ng isang boses sa likuran ko. Naramdaman ko na lang ang mabilis na paglapat ng labi nito sa labi ko.

May mga tao talagang, darating sa buhay natin ng hindi natin inaasahan. At sa pagkakataong kinakailangan mo pa talaga ng tulong.

"Vile.." nakangiti kong wika at napatingin sa maliit na batang dala niya.

"Selena is ranting ice cream but she have a fever, see nakatulog." Sagot ni Vile at nakita ko ang kislap sa mga mata nito habang karga ang babaeng anak namin na si Selena Quintanilla Montgomery.

Yes, it's a girl and a pretty little one. Our baby.

"Dad sasali ako sa camping in Saturday ha!"

"Alright.." sagot ni Vile.

"Yes!" Masayang wika ni Wade.

Napatingin ako sa lapeda ulit. Lapeda iyon ni Papa, birthday niya kasi ngayon at sinicelebrate namin ngayon.

Ang lapeda ni Mama ay nasa unahan lang, at pinupuntahan ko naman minsan, kinakausap ko pa.

"What are you thinking, baby?" Vile said while snicking his arms on my waist and grabbed me. Nakatalikod ako sa kanya pero nakayakap siya sa akin.

Naglalaro naman ang anak namin sa gilid, si Selena na nasa matt na dala namin, natutulog.

Napangiti ako dahil ramdam ko sa mga oras na ito ang pinapangarap ko noon. Ang may kompletong pamilya. Masaya at kontento na. Masarap sa pakiramdam na ayoko ng mawala pa.

"Hindi parin ako makapaniwala na nandito ka, na nanatili ka.." namumuo ang luha ko sa mga mata at naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nito sa akin.

"Nangako ako, Seraphina..At tinutupad ko iyon." anito.

--
[FLASHBACK]

Napahawak ako sa dibdib, ayoko nito! Nagbibiro lang sila! Tama! Tama! Tumayo ako kahit nanginginig at punong puno ng luha ang mga mata.

Tumakbo ako patungo sa loob ng simbahan. Walang pumigil. Binuksan ko ang pintuan at napahagulhol ako nang sa harapan ng altar, ay..... Walang kahit isang anino ni Vile.

"V-Vile naman..." ang sakit ng boses ko, dahan-dahan akong lumakad sa altar, naririnig ko ang iyakan ng mga ibang bisita at ng mga anak ko.

"Nangako ka, paano na kami ng mga anak mo? At sa magiging anak natin?" pumipiyok kong wika at humahagulhol.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Onde histórias criam vida. Descubra agora