CHAPTER 31: Ride

5K 84 0
                                    

Chapter 31

THIRD PERSON POV.

"Sir maayos na po ang transaction sa Ultra Intellegence Pyramid. Kailangan na lang ang perma niyo" usal ng secretary ni Vile.

Wala siyang imik na kinuha ang isang papel na pipirmahan para sa illegal na gagawin nila sa susunod na buwan.

Wala na siyang halos tulog pero nasasanay na siya dahil sa kanya naka-atang ang responsibilidad sa kompanya.

"How's the insights Son?"

Napatingin si Vile sa pumasok sa office niya. His Dad. Napayuko ang mga butler at secretary nang makita ang former president ng kompanya.

Tumayo si Vile at hinintay ang ama na lumapit sa kinaroroonan niya. Nang maka-upo ito pagkatapos libutin ang office niya ay umupo na rin siya at pinagsiklop ang dalawang palad sa ibabaw ng mesa.

"Not really good" sagot niya na ikinatango ng ama niya.

"Saan may mali?"

"Sa lupang kinatatayuan. Maraming residente ang nag-aalsa para pigilan ang gagawin namin"

"Pinaliwanag niyo naman sa kanila ang dahilan diba?"

"Yes, but they're very hardheaded." Pagod na wika ni Vile at napatingin sa paper na maraming nakasulat doon na tutol sa ipapagawang business nila.

--

Nang matapos ang pag-uusap nila ng Daddy niya ay umayos siya ng hilig sa pagkakaupo. Napahawak sa noo at hinilot ang bawat gilid ng ulo niya habang napapikit.

"Here's your coffee sir"

Napadilat siya at kinuha ang kape na nilagay ng secretary niya. Kailangan niya ng mainit na kape sa araw na iyon, dahil sumasakit at parang sasabog ang ulo niya sa problema na kinakaharap. Tatanda siya ng maaga sa pinag-gagawa niya ngayon.

Pero nang mahigop ang kape ay hindi na niya inubos dahil hindi niya nagustuhan ang lasa, ayaw niya ng kape pero umiinom siya non minsan para hindi madaling makatulog.

Tumayo siya at mabilis na inayos ang white polo na soot at kinuha ang coat na nakasabit lang sa gilid niya sabay soot non habang walang makikitang emosyon sa mga mata niya.

Napayuko siya at inayos ang relo na soot. Nag-vibrate ang cellphone niya kaya tinignan niya iyon ng walang gana.

'UNKNOWN NUMBER CALLING'

Hinayaan niya iyong mag-ingay. Marami ng tumatawag sa kanya kahit hindi naman niya pinamimigay ang number niya.

'Honey I miss you'

Napataas ang kilay niya nang mabasa ang message ng matapos itong tumawag.

'I miss having you inside me' basa ulit niya.

Napasmirk siya dahil mukhang isa ito sa mga flings niya. Dinelete niya iyon. Noon pa siya may flings pero ngayon ay wala na siyang gana dahil sa isang babae.

Sa isang babae lang siya nahuhumaling. Binabaliw. At aaminin niya nakakabaliw nga ito dahil gusto niya ang lahat ng pinapakita nito.

He is a man of his words pero pagdating sa babaeng iyon ay parang naputol ang dila niya.

Lahat ng sinabi niya sa sarili ay napapako dahil lang sa babaeng iyon.

"Where is she now?" he ask coldly to his Butler number 3.

"She is in her room Alpha 0" sagot nito.

Hindi na siya nagsalita pa at parang hari kung maglakad sa mahabang hallway ng Mansion kasunod ang mga Bulter niya.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Where stories live. Discover now