CHAPTER 37: De Ja Vu

4.8K 89 7
                                    

Chapter 37

SERAPHINA POV.

Nakita ko ang paghilig ni Vile sa pintuan, sa laking tao nito at napaka-broad ng shoulders ay parang lumiit ang flowershop.

He wear a white long sleeves at may necktie na blue at may stripe na black, a perfect match of slocks at shoes, a millions price of watch.

Napatingin ako sa mga mata nito. I can see and I can feel the coldness of his gray eyes.

But I feel safe kahit nakatayo lang siya ng ilang metro sa akin.

Napakagat ako ng labi, "M-May bibilhin ka ba?" iyong boses ko ay parang hinihili siya at hindi ko iyon mapigilan.

Napaiwas ako ng tingin dahil kung makatitig ito ay parang wala ng bukas.

"I'm here to fetch you" he said na ikinataka ko. Why? Para saan? Saan kami pupunta?

"Why?" puno ng pagtataka ang boses ko.

"Nothing, when is your out?"

Napatingin ako sa oras, " Mamaya pang 10:00AM hinihintay ko pa sila Jerroff dito eh"

Nakita ko ang pagtango nito. Napayuko ito at napatingin sa relo nito, bawat galaw nito ay sinusundan ko, para akong bata na natutuwa sa nakikitang tao na nasa harapan ko.

Napakaperpekto.

"Can I?" he ask and sighed.

"Of course" sagot ko at ewan ko ba dahil sa pagsasalita ko ay para akong nagtatanong sa kanya.

Pero baka makita siya nila Jeroff kung ano pa ang isipin ng mga iyon. Wala silang alam.

Nakita ko ang mahinang paghila nito ng upuan sa harapan ko dahil nag-iisang lamesa lang at may apat na upuan ang flowershop na ito, dahil sa loob ay mga bulaklak na, pwede rin namang pumasok kapag gugustuhin.

Naaasiwa ako at naco-concious kung anong mukha ko ngayon. Ilang araw itong hindi nagpakita pagkatapos ng engkwentro namin. At ito nandito na naman ito. Parang kabuti.

Tumayo ako sa pagkakaupo, aayain ko ba siyang mag coffee? Nahihiya ako. Kami pa ba? Sabi niya boyfriend ko pa siya eh. Pero alam niyo iyon iyong parang ang awkward na. Hindi na katulad ng dati.

Hindi kami bumalik kung ano kami noon. Ang sa akin lang ay may nag-iba na. Siguro dahil matured na kami.

Matanda na kami. He is older than me but I think age doesn't matter if you really love that person.

Sa mga edad niya ay tama na ang may asawa habang ako ay mag-aasawa pa lamang.

"Gusto mo ba ng kape?" usal ko sa mahabang katahimikan, nakatingin lang kasi ito sa labas.

Napatingin ito sa akin.
"Can you make me?"

Napatango ako, "Of course, hintay ka lang diyan," pero napatigil ako dahil may itatanong pa ako, "sugar or no sugar?"

"No sugar please" anito na ikina ok sign ko. Pero napaiwas din ako dahil nakita ko sa mga mata nito ang amusement.

Pumasok na ako at mabilis na pumunta sa coffee maker at may pinindot doon. Mabilis lang naman at hindi pa nga umabot ng ilang minuto ay papunta na ako sa kanya dala ang dalawang kape.

May sugar sa akin habang sa kanya ay wala.

"Here's your coffee"

"Thanks" he said genuinely and a little smirk on his face that make me blush.

Tahimik na naman. Pero ang tahimik na namayani ay hindi nakakasawa. Mas nanaisin ko nga iyon dahil kasama ko siya. Parang kahit tahimik ay kompleto ang araw mo. Ganyan ang nararamdaman ko ngayon.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [Completed]  ALPHA ZERO Where stories live. Discover now