CHAPTER 54: Pangako

6.1K 134 10
                                    

Chapter 54

SERAPHINA POV.

Nakangiti akong nakatingin sa kamay ko na may dalawa ng singsing sa palasingsingan. Whatever the price is, kung mahal mo naman ang nagbigay mas importante ang presenya at ang pagiging totoo nila sa minamahal nila.

3 Months from now ay kasal na namin ni Vile. Minamadali eh, gusto na sana nito next week pero humindi ako, dapat paghandaan namin ang kasal namin. Kapag maiisip ko iyon ay hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil umaapaw ang saya non.

"Edi ikaw na," pang-aasar ni Clarisa sa akin habang yakap si Duke na nasa tabi nito. Nasa flowershop kami ngayon at himalang pinayagan ako ng future husband ko. May bantay kasing nakasunod din sa akin. Ang mga anak ko naman ay nandoon lang sa Mansion.

Ang kasama ko ngayon ay si Clarisa, Duke, Jeroff, Katie, Khloe.

"Alam mo bhie, doon nga kayo sa labas ni Sir Duke dahil nag-iinit ang ulo ko sa nakikita ko ngayon," naasar na wika ni Jeroff habang nag-gugunting ng mga tinik at dahon ng tulips.

"Aminin mo na kasing insecure ka," tumatawang sagot ni Clarisa na ikina-ikot na lang ng mga mata ni Jeroff.

Napangiwi ito, "Duhh mas malaki, mahaba, mataba ang bagong jowabels ko ngayon, mas yummers kay sir duke!"

Clarisa rolled her eyes, "As if may ganyan ka."

Kahit ganyan magbangayan ang dalawa ay sadyang nag-aasaran lang talaga ang mga ito.

"Nye nye" sagot ni Jeroff at napatingin sa akin at ngumiti. "Te, malaki ba kay Fafa Vile?" malanding wika nito na ikinalaki ng mga mata ko at nag-iinit ang pisngi.

Napatingin ako sa mga kaibigan ko na naghihintay din. Mga chismosa. Si Katie na sophisticated na hawak ang isang wine pero nestea talaga ang laman non. Si khloe na may hawak na bouquet ng flowers pero walang laman, inaayos niya iyon at nakatingin sa akin. Si Clarisa at Duke naman ay may sariling mundo. Naglalandian.

"S-Syempre—"

"SABI KO NA NGA BA!"

"KYAAAHHHH! MESEREP BE?!"

Napayuko ako at napaiwas ng tingin sa kanila. Basta usapang ganito eh active at hyper na hyper ang mga ito.

"Kaya pala hinayaan mong makabuo ha"

"Hindi ha!" defensive kong sagot. Eh sa nagdadalawang-isip ako.

--

'Seraphina dear, hindi ka ba talaga babalik dito sa Dubai?'

Salubong sa akin na chat ng manager ko sa telegram.

'Hindi ko pa alam, Mngr. Vici, hindi kasi ako pinapayagan ni Vile, pero pag babalik ako riyan, update lang po kita.'

Send.

Offline si Mngr. Vici kaya naglog-out muna ako sa telegram. Napalingon ako sa pintuan ko nang may kumatok doon.

"Baby?"

Napangiti ako at tumibok ng mabilis ang puso ko dahil sa taong nasa labas ng kwarto ko. Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama. Inayos ang buhok at ang nagusot na damit.

Napabuntong-hininga at binuksan ang pintuan, "Akala ko bukas ka pa makaka-uwi."

Nakita ko ang pagsmirk nito, nakapamulsa ito pero nagulat ako nang hinila ako nito kaya napasobsob ako sa dibdib nito.

"I miss you" anito.

"Araw-araw kaya tayong nagkikita Vile," wika ko pa at hinayaan itong mas humigpit ang yakap sa akin. Gusto ko naman ang ginagawa nito, rinig na rinig ko ang tibok ng puso nito na katulad ng bilis ng tibok ng puso ko.

The Father Of My Son Is A Mafia Boss [COMPLETED]  ALPHA ZERO Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt