Chapter 73: Pool Party

Magsimula sa umpisa
                                    

"One out." Sabi ng Doktor.

Napalingon akong muli kay Nica. "Good job, baby." Sabi ko. Nakapikit lang siya at hinahabol ang kaniyang hininga.

Akala ko ay okay na. "AHHHHH!" sigaw muli ni Nica.

"Lalabas na, Doc!" Sigaw ni Nica.


Hiro's POV

Pagkalabas ni Kuya Nicholas sa kwartong iyon ay agad namin siyang sinalubong. "Kamusta si Ate?" Agad na sabi ko.

"Kamusta ang mga bata?" Tanong ni Prince.

"How's she?" Tanong ni Kuya Hans.

Nagkatinginan kami ng hindi sumagot si Kuya Nico. Bigla akong kinabahan. Tumigil na rin kasi si Ate Nica sa pagsigaw kaya akala namin ay tapos na. Namumutla si Kuya Nico kaha mas lalo kaming kinabahan.

"Kuya! Answer me! Anong nangyari?" Kinakabahang tanong ko.

"A—ayo."

"Ano?"

"A—ayok.."

"Huh?!"

"Ayoko ng mabuntis pa si Nica." Natawa naman si Kuya Prince at Kuya Hans kaya nagkatinginan kami nila Kuya Chico.

"What?!" Inis na tanong ng isa sa mga kaibigan ni Ate Nica. Panigurado ay nagugulohan rin ang nga ito.

"Putcha bro! Ang sakit no'n!" Sabi ni Kuya Nicholas kay Kuya Prince na ikinatawa nila ng malakas.

"Walang nangyaring masama kela Mika at sa mga bata?" Tanong no'ng isa sa mga kaibigan ni Ate Nica.

Umiling muna si Kuya Nicholas. "She's safe. The baby is safe. She's sleeping inside." Sagot nito.

Parang nabunotan ng tinik ang mga kaibigan ni Ate Nica dahil sa sinabi ni Kuya Nico.

"Ililipat na siya sa private room at hintayin nalang natin siyang magising." Tumango lamang kami.




Veronica's POV

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. "Ahh." Shit! Ang sakit ng kefy ko!

"Wag ka munang bumangon, baby." Sabi Nicholas.

Napalingon ako sa paligid. Nandito silang lahat. Ang pamilya ni Nicholas pati si Lola Teressa at si Dad. Nandito rin si Tina, Jazz. Where's Kate? Tanong ko sa isip ko.

"Here's the baby!" Pumasok si Kate na may hawak na isang sanggol. Kasunod nito si Kevin na may hawak ring sanggol. Agad na tumulo ang mga luha ko.

"P-pahawak a-ako." Sabik na sabik akong mahawakan ang mga anak ko.

Pinatong ni Kevin at Kate ang mga anak ko sa aking dibdib. Mahimbing itong natutulog.
"Welcome to the world my Ice and Ace." Hinalikan ko silang dalawa sa noo.

"Mahal na mahal ko kayo." Halos pabulong kong sabi. Inangat ko ang tingin ko kay Nicholas.

Nakangiti ito sa akin. May bahid na luha rin sa kaniyang mukha. Pinunasan niya ang mga luha ko. "Mahal na mahal ko kayo." Mahinang sabi niya tsaka niya ako hinalikan sa labi.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon