Chapter Thirty Seven

Start from the beginning
                                    

"Kieran..." bumuntong hininga si kuya, "kinasal na siya kay Vincent."

Hindi ko alam kung paano ko po nakayanang huminga ng mga sandaling 'yon. Para akong sinaksak ng ilang beses sa likod. Ayaw kong paniwalaan 'yon. Imposible. Imposibleng mangyari 'yon. Alam kong ako yung mahal niya, hindi si Vincent. Ako lang. Ako.

Imposible 'yon. Napakaimposible.

Nagdaan ang mga araw at puro 'yon na lang ang naririnig ko kung saan ako mapunta.

"Nabalitaan mo? Kasal na raw sila Shane at Vincent!"

"Sabi na e' sila ang magkakatuluyan. Ilang beses ba namang nahuli sa principal's office!"

"Baka ginamit niya lang talaga si Kieran."

"Halata naman. Hindi siya yung pinakasalan sa huli."

Hindi 'yan totoo. Hinding-hindi. Imposible.

Ipinalabas pa sa telebisyon yung anunsyo ng kasal nila. Nasa bawat dyaryo mga pangalan nila. Pangalan niya.

Anastasia Shane D.V. Maclain

Puro litrato nilang masayang magkasama ang pinapakita sa media. Nakakapit si Shane sa braso ni Vincent na may ngiti.

Ako dapat 'yon 'di ba? Ako dapat? Bakit ka nakangiti, Shane? Masaya ka ba sa kanya? Hindi ba kita pinasaya?

Lumipad ako pabalik ng America. Hindi. Hindi pa rin ako naniniwalang masaya siya doon. Wala akong pakialam kung iba ang pinapakita sa TV. Hahanapin kita, Shane. Hahanap-hanapin kita.

Pangalawang tasa ng kape na ang nainom ko. Kulang pa 'yon dahil pabagsak pa rin mga mata ko sa sobrang antok. Kailangan ko munang tapusin itong paper ko na deadline bukas. Kaunti na lang at matatapos ko rin itong semester. At hahanapin na kita.

Tinungga ko yung pangatlong tasa't sinulat yung conclusion ng research paper ko. Patapos na ako. Pwede ko na siyang balikan sa Pilipinas at hanapin—

"Do you really think you'd find her?"

Nabitawan ko yung hawak kong ballpen at rumolyo ito sa sahig. Sinundan ko ng tingin yung direksyon pinagrolyahan ng ballpen. Tumama ito sa itim na takong.

Pagkaangat ko ng ulo, naroon siya. Nakadekwatro mga paa't nakakrus mga braso. Bumilis ang tibok ng puso ko't marahang natawa.

"Baby, you're here..." sabi ko't balak sana siyang lapitan pero mas naaninag ko pigura niya. Walang buhay mga mata niya. Dapat lumiliwanag mga mata niya tuwing nangiti siya, lalo na kung tumatawa. "You're not her."

"Wow, so you really are smart. Columbia University is treating you right, I suppose?" Ngumiti yung babaeng kamukha ni Shane. "Think hard, Kieran. Any guesses on who I am?"

Tinignan ko yung walang lamang tasa sa lamesa't napahilamos ng mukha gamit ng aking palad.

"I'm hallucinating." Nandilim ang paningin ko saka nakaramdam ng bigat sa kanang braso. Hindi ko man lang namalayang natumba na pala ako. "Nasan ka, Shane?"

Rinig kong humalakhak yung babae't tinulungan akong tumayo. "I feel bad for you. It's been what...? Six months since the last time you've seen her? And you're still losing sleep over her?"

Nahawakan niya ako. Kung hallucination ko lang siya, hindi niya dapat ako nahahawakan. She must be real. She must be.

Yinakap ko siya. Pero natumba lang ulit ako sa sahig. Natawa na lang ako nang malakas habang nakadapa. Hinanap ko kung saan na siya nagpunta.

Wala ng ibang tao sa loob ng apartment. At naroon lang ako nakadapa. Tulala lang sa sahig. Inaalam kung saan pa rin siya nagpunta.

-

THE BAD BITCH AND THE DOCTORWhere stories live. Discover now