Epilogue

38 2 0
                                    

"WELCOME back, my dear cousin! How's life abroad?" nang-aasar na bungad ni Leah kay Namie pagdating na pagdating palang nila sa airport. Nakangiting tinanggal naman ni Namie ang sunglasses na suot at mahigpit na niyakap si Leah.

"Mabuti naman. Ikaw, kamusta?" balik niyang tanong sa pinsan at tinitigan ito sa mukha.

Hindi mapigilan ni Namie na ilibot ang tingin sa kabuoan ng airport. Parang kailan lang no'ng huling apak niya sa airport papuntang Los Angeles. Masyado pa siyang walang kaalam-alam sa paligid niya. Pero ngayon, kitang-kita na mismo ng dalawang mga mata ni Namie kung gaano kaganda ang mundo. Maaga mang ipinagkait sa kanya ang kakayahang iyon, at least ngayon ay nagagawa na ni Namie ang mga bagay na impossible niyang magawa dati dahil bulag pa siya.

"Super ganda ng mga mata mo..." nakangiti pero bakas ang lungkot na sabi ni Leah kay Namie. Natigilan naman si Namie at matagal na napatitig kay Leah. Mukhang napansin yata nito ang pagkatigil niya kaya agad itong napaiwas ng tingin sabay abot ng isang maleta. "S-Sorry... Halika na. Kanina pa naghihintay sila mom and dad sa kotse."

Ngumiti pa ito ng matamis sa kanya at nauna nang maglakad palabas ng airport.

Ilang beses munang napalunok si Namie at pilit na pinatatag ang sarili bago sumunod kay Leah.

I miss you, dad... I love you.

Sa tatlong taon na pag-stay ni Namie sa Los Angeles ay marami siyang napagtanto sa buhay. Na-realized niya na hindi talaga pwedeng maging masaya lang palagi ang isang tao. Two years ago ng mamatay ang daddy niya dahil sa car accident. At hanggang ngayon ay ayaw niya pa ring tanggapin na wala na ito. Mahirap mang paniwalaan pero ang ama ni Namie ang dahilan kung bakit siya nakakakitang muli.

Nakayukong naglakad papalabas ng airport si Namie. Mag-aangat na sana siya ng tingin upang hanapin si Leah nang bigla siyang may nakabungguan. Mabilis siyang napaatras at hihingi na sana ng tawad nang bigla siyang natigilan.

Napakurap-kurap si Namie at agad nag-iwas ng tingin sa lalaki. "S-Sorry..."

Inayos niya muna ang mga buhok na nagkalat sa kanyang mukha at tumalikod na.

"NAMIE..."

She's here! Namie is here!

Hindi mapigilan ni Rince ang mapatitig sa maamong mukha ng dalaga. Hindi pa rin siya makapaniwala na muling magtatagpo ang landas nilang dalawa. Nakita ni Rince na bigla itong natigilan ng mabanggit niya ang pangalan nito.

Halos tatlong taon rin na wala siyang balita tungkol kay Namie. Ang huling pag-uusap nila ng dalaga ay noong hinabol niya ito sa airport upang humingi ng tawad.

Dahan-dahang naglakad si Rince papalapit kay Namie ng hindi man lang inaalis ang paningin sa dalaga. Alam ni Rince kung gaano kasakit para kay Namie na mawala ang daddy nito. Wala ring kaalam-alam ang dalaga sa mga pinaggagawa niya para lamang malaman niya ang kalagayan nito sa Los Angeles.

Nakakalungkot mang isipin na wala na si Mr. Minellin subalit hindi iyon naging hadlang para kay Namie na pagpatuloy sa buhay.

"H-Hi... Welcome back." Hindi naman ito nagsalita at nakaawang lamang ang bibig na nakatitig sa mukha niya. Bakas sa mukha nito ang pagkamangha.

"Y-You..."

"Yeah, it's me. Rince Zou Monteguerin..."

"You still remember me?" namamangha pa ring tanong nito. Titig na titig pa rin si Namie sa mukha niya dahilan kung bakit hindi rin matigil sa pagkabog ang dibdib niya.

Hindi rin mapigilan ni Rince ang titigan ng diretso sa mata si Namie. Nakangiti ito subalit hindi kayang itago ng mga mata nito ang kalungkutan ng dalaga.

"About your dad..."

Malungkot itong ngumiti sa kanya at napayuko. "H-He's gone..."

"I'm sorry... I hope you'll be fine soon."

"Thank you, Rince. I have to go. It's nice seeing you..." Ngumiti ulit si Namie kay Rince at muli nang tumalikod. Samantala hindi naman alam ni Rince kung anong gagawin niya.

"NAMIE, WAIT!" Muling napatigil sa paglalakad si Namie ng tawagin ni Rince ang pangalan niya. Sobrang lakas pa rin ng tibok ng puso niya. Totoo pala ang sinasabi noon ng pinsan niyang si Leah. Sobrang gwapo pala ng isang Rince Zou Monteguerin. Kahit anong pilit na pigilan ni Namie ang nararamdaman sa binata ay hindi niya magawa.

"Calm down, Namie..." Ilang beses muna siyang nagbitiw ng malalim na buntong-hininga bago lumingon kay Rince. Hindi katulad kanina, sobrang seryoso na nang mukha nito. Isang katangian na masyadong nagpapagwapo sa binata.

"B-Bakit?"

'Umayos ka, Namie! Huwag kang mautal!' suway niya sa sarili.

"If you need some help, don't hesitate to contact me.  I'm always here for you..." sincere na wika nito sa kanya.

Napaiwas naman ng tingin si Namie at mapait na ngumiti. "Don't worry about me, Rince. Kung tungkol pa rin ito sa favor ni daddy noon, huwag mo nang isipin—"

"I like you, Namie... It isn't all about your dad's favor to me three years ago. Maniwala ka man o hindi, gusto kita. Hindi dahil humingi ng favor sa akin ang daddy mo, kundi dahil tanggap kita kung kahit sino o kung ano ka man..." seryosong pag-amin ni Rince sa kanya.

Hindi magawang makapagsalita ni Namie at tulala lamang nakatitig sa gwapong mukha ng lalaki. Tila mainit na humaplos naman sa puso niya ang mga salitang binitawan ni Rince.

Hindi pa rin magawang gumalaw ni Namie mula sa kanyang kinatatayuan. Lumapit si Rince sa kanya at pinagsiklop ang mga kamay nilang dalawa. "I love you the way you are, Namie Minellin..." masuyong sabi nito at inilapat ang labi sa likod ng mga palad niya.

"How about Missy—" Agad nitong pinutol ang sasabihin niya at pinagdikit ang noo nilang dalawa. "Sshh! Matagal na kaming tapos ni Missy. Wala nang namamagitan sa aming dalawa..." pagtatama nito sa iniiisip ni Namie.

Nakangiti nitong pinunasan ang ilang luha na naglandas sa pisngi niya. Hindi namalayan ni Namie na umiiyak na pala siya. "You don't need to change yourself... I love you, always remember that..."

Mariing ipinikit ni Namie ang mga mata. Tila panaginip lang kasi ang lahat ng mga nangyayari. Parang kahapon lang ng umalis siya ng Pilipinas at piniling mag-undergo ng operation sa Los Angeles para lamang makakita siyang muli at maging karapat-dapat siya sa paningin ng isang Rince Zou Monteguerin.

"I love you—"

"Aherm! Aherm! Ano 'yan, huh? Kaya pala ang tagal mong makarating sa kotse dahil may susundo pala sayong iba, huh!" pang-aasar pa ni Leah. "Pinaghintay mo pa talaga kami ng matagal para lamang mag-moment kayo dito!"

"Shut up, Leah!" Tumawa lang ito ng malakas.






— THE END —







A/N: The End— Thank you for always supporting me, Arkiess! This is a novelette only. Enjoy reading^^

Don't forget to follow, vote and comment down below!



Love The Way You Are | CompletedWhere stories live. Discover now