Chapter 3

26 5 0
                                    


“TITO told me na may darating daw na bisita ngayon dito sa rancho, media pa naman...” nabanggit sa kanya ni Leah habang nasa loob sila ng kwarto niya dito sa Rancho de Haciendas na pagmamay-ari nila.

   Kumunot naman ang noo niya. “Media?”

   “Oo, couz. As in M-E-D-I-A, media! At sa pagkakarinig ko, dito daw nila gaganapin ang last shoot ng Bring Me Home” paliwanag nito sa kanya.

   Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napatayo bigla si Namie. “Gano'n ba? Sayang naman. Kadarating palang din naman natin kanina. Ngayon pa lang ulit ako nakabalik dito tapos nabulyaso pa ng media...” nanghihinayang niyang sabi sa pinsan.

   Kinapa niya ang cellphone niya sa bulsa ng suot niyang jacket saka kinapa ang baston niya.

   “Tara! Uwi na tayo. Ayokong makita ako ng maraming tao...” kinakabahan niyang sabi kay Leah saka nagsimula ng maglakad palabas ng kwarto niya dito sa rancho nila.

   Narinig niyang umingit pa si Leah. “Manuod muna tayo, couz! For sure gwapo ang mga cast ng Bring Me Home. Lalong-lalo na si Rince Zou Monteguerin. Ang leading man ng shino-shoot nila!” kinikilig nitong sambit.

   Napasimangot naman siya. “Nang-aasar ka ba, Leah?”

   “Ay! Sorry, couz. Oo nga pala...” hinging-paumanhin nito sa kanya. Naiiling na sumandal siya sa may pinto. Natatakot talaga siya. Baka kasi maulit na naman ang nangyari noon sa kanya. Ang kutyain at pagtawanan ang kalagayan niya.

   Napaisip siya. Bakit kaya may mga gano'ng tao? 'Yung pandidirian ka dahil lamang sa iyong kalagayan. Oo. Bulag siya. Pero hindi yun ang dahilan para kagalitan niya ang mundo. Hindi yun ang huling pag-asa niya para tuluyang sumuko.

   She knows that she's not alone in her own fight. Alam ni Namie na hindi lamang siya ang nakakaranas ng ganitong kalagayan sa buhay. Marami sila. At gaya niya, ilan sa mga taong iyon ang sumuko na at lumalaban pa rin magpahanggang ngayon.

   Gusto niyang makakitang muli. Pero at the same time, blessing pa rin ang pagiging bulag niya. Dahil sa kalagayan niyang iyon ay nalaman niya kung sino-sino ang mga tunay na nagmamahal at nagmamalasakit kay Namie.

   “Hay, naku! Halika na nga. Nag-eemot ka na naman eh!” natatawang sabi ni Leah sa kanya.

   Natawa naman siya. “'Yun lang naman kasi ang kaya kong gawin, Leah. Hindi naman ako makakagawa ng ibang bagay at gawain.”

   Inalalayan siya ni Leah pababa ng hagdan. Nasa taas kasi ang kwarto niya dito sa rancho. Hindi gaya doon sa bahay nila na nasa baba lamang. Magsasalita na sana siya ng makarinig sila ng usapan mula sa sala.

   Agad naman siyang kinabahan. Nandito na ba ang mga bisitang tinutukoy ni Leah kanina?

   Humigpit ang kapit niya sa bastong hawak niya. Parang gusto niya nalang tuloy na bumalik sa kwarto niya. Hindi kasi siya sanay na nakikita ng ibang tao. Mas pipiliin niya na lamang magmukmok at mabulok sa silid niya kaysa makihalubilo sa mga ito.

   “Are you okay, Namie?” tanong sa kanya ni Leah. Hindi siya nagsalita. “Nakita na nila tayo, couz. Come on! Lapit tayo sa—”

   “Ibalik mo nalang ako sa kwarto, Leah. Doon nalang ako. Sige na...” pagputol niya sa sanang sasabihin nito. Magsasalita pa sana siya pero tinawag na sila ng daddy niya.

   “Namie! Leah! Come over here. Meet the all production staffs and Helen...” tawag nito sa kanila. Tumigil siya kaya napatigil din si Leah. Ayaw niya talaga.

   “Babalik nalang ako sa taas, Leah. Ayokong makihalubilo sa kanila...” seryosong sabi ni Namie sa pinsan niya.

   Pumihit na siya patalikod at aakyat na sana ng makarinig siya ng tawanan mula sa mga ito. Napatigil siyang muli. Siya ba ang pinagtatawanan ng mga ito?

   Mapait siyang napangiti saka nagsimula ng umakyat muli papuntang kwarto niya. Doon na lamang siya. Mabuti pa doon walang tatawa sa kanya dahil sa kalagayan niya. Tanggap na din niyang wala nang iba pang tatanggap sa isang bulag na katulad niya maliban sa daddy niya at kay Leah.

   Pagbukas niya ng pinto ay pumasok siya kaagad at nilock iyon. Napasandal siya sa may pinto saka muling tumunganga sa kawalan. Hanggang kailan siya magiging ganito? Hanggang kailan siya mabubuhay na dala ang takot sa puso niya? Gusto niyang mamuhay ng normal. 'Yung tipong nagagawa niya lahat ng mga bagay na hindi niya man lamang naranasan na gawin.

   Namalayan niya na lamang na umiiyak na siya. Ang hirap talaga ng kalagayan niya. Nabubuhay nga siya pero para na din siyang patay sapagkat wala man lamang siyang kaalam-alam sa mga nangyayari sa paligid niya.

   Kung nandito kaya ngayon ang mommy niya... mararanasan niya ba ang lahat ng ito?

   “I miss you, mom...” naluluha niyang sambit sa kawalan.

   “HAHA! Grabe naman itong nag-viral na video ni Missy Ferrer. Pinahiya talaga siya ng isang matanda sa harap ng maraming tao...” natatawang kwento ni Marco sa kanya. Kararating lang nito kanina mula sa Paris at dumiretso na dito sa Rancho de Haciendas ni Mr. Minellin.

   “Oo nga. Lahat nalang kasi ng taong makakasalubong niya ay tatarayan. Mukhang sikat na naman siya sa harap ng social media ngayon...” segunda naman ni Chen na nasa harapan nila ni Marco.

   Wala siyang pakialam sa mga pinagsasabi ng dalawa. Hindi niya kasi malimutan yung babaeng bumaba sa may hagdanan kanina. Kilala niya ang isa, si Leahna Brikson iyon. At baka ang tinawag na Namie ni Mr. Minellin yung isa.

   Napaisip si Rince. Iyon ba ang bulag na anak ni Mr. Minellin? Bakit parang takot yatang lumapit sa kanila? Kabababa palang tapos umakyat na naman paitaas.

   He admits that she's pretty. She has a face of an angel. So peaceful and innocent.

   “I'm sorry... Masyado lang talagang mailap si Namie. Naging gano'n siya simula noong bata pa siya. Hindi siya sanay na makihalubilo sa ibang tao” hinging-paumanhin ni Mr. Minellin sa kanila.

   Si Helen ang sumagot. “No need to apologise, Mr. Ronnie. We understand her. Mahirap talaga para sa kanya ang mag-adjust sa mga taong nakapalibot sa kanya lalo na kung nasanay siya na iilan lamang ang madalas makasama niya araw-araw...”

   Tahimik lang na nakikinig si Rince. Ngayon ay naiintindihan na niya ang dahilan kung bakit ganun ang inakto nito kanina. Hindi pala ito sanay na makihalubilo sa ibang tao. Hindi kagaya ng ibang taong nabulag na kahit nawalan ng paningin ay namumuhay pa rin ng normal.

   “How old is she? Ang bata pa niyang tingnan. Although, hindi halata kasi mataas siya...” dagdag pa ni Helen.

   Sumagot naman si Mr. Minellin. “She's already twenty years old. Baby face lang talaga iyong si Namie kagaya din ng kanyang ina...”

   Nakita ni Rince ang lungkot na dumaan sa mga mata ni Mr. Minellin ng mabanggit nito ang asawa. Marahil ay sobrang mahal nito ang asawa niya. Kung sana lang ay gano'n din ang ama niya noon sa Mommy niya pero hindi. Hinayaan lamang nito ang kanyang ina hanggang sa mabulag ito at mamatay. At ngayon, nakikita niya sa anak ni Mr. Minellin ang kalagayan ng ina niya noon.




A/N: Happy reading!

Love The Way You Are | CompletedWhere stories live. Discover now