Chapter 1

54 6 0
                                    

   “KAILANGAN na nating bumalik sa Tagaytay, Rince. Tiyak na hinahanap ka na sa set,” sabi sa kanya ng road manager niyang si Chen.   

   Tinanguan niya ito saka muling bumaling sa lapidang nasa harapan niya. “Goodbye, Mom...”

   Tahimik na pumasok siya sa loob ng van na sasakyan nila. Tumabi naman sa kanya si Chen, saka ito nagsalita.

   “You are very a good son, Rince. Despite of everything, hindi mo nakalimutang bisitahin ang mommy mo." Tipid lang siyang ngumiti saka tumingin na sa labas ng van.

   Bago kasi sila pumunta ng Tagaytay para sa shooting nila for ‘Bring me Home’, binisita niya muna ang mommy niya sa Royal Cemetery. Baka kasi hindi niya ito mabisita this week dahil busy sila sa shooting.

   “She's my mom after all. She's my first priority. Kahit two years ago na simula ng pumanaw siya, she's still here in my heart. She's the only woman I've loved..." Nakita naman niyang napangiti si Chen. Ngumiti din siya dito.

   “Kaya proud na proud sayo si Helen, eh!” natatawang komento nito. Natawa nalang din siya.

   Si Helen ang talent manager niya in his singing and acting career. Matanda ito ng walong taon sa kanya kaya parang nakakatandang kapatid na rin ang turing niya rito. Ito ang tumulong sa kanya noong mamatay ang mommy niya. Helen helps him to move on from grief when his mother died. Ito din ang nag-advice sa kanya noong nahihirapan siyang makipagkalas kay Missy Ferrer, isa ding artista gaya niya.

   “Tumawag si Helen kanina. Hinahanap ka...” pahayag sa kanya ni Chen.

   “Anong sabi mo?” tanong niya.

   “Sabi ko nasa Royal Cemetery ka. At yun, nakumbinsi naman.” Tumango-tango siya dito.

   He was very thankful na nakilala niya si Helen. Kung hindi dahil dito, wala siya ngayon sa mundo ng showbiz. At kung hindi dahil kay Helen, kinukulit pa sana siya magpahanggang ngayon ni Missy.

   Missy Ferrer is his ex-girlfriend. Naging karelasyon niya ito inside one year. 'Yun nga lang, masyado na itong naging obsessed and possessive sa kanya. Inside his one year relationship with Missy, naging laman din siya ng mga eskandalo nito. Lagi din siyang bantay sarado everytime na may shooting siya.

   Kaya naman sobrang saya niya ng ito na mismo ang nakipaghiwalay sa kanya. Na-linked kasi ito sa isang modelo, si Gerard Santos.

   “Have you heard the news awhile ago? Nagkakalabuan na sina Missy at Gerard..." kwento sa kanya ni Chen.

    Hindi siya nagsalita. In fact, wala na siyang pakialam kay Missy at kung sino man ang karelasyon nito ngayon. Mas priority niya ngayon ang career niya lalo na at may bago silang isho-shoot na movie. Wala din siyang plano na pumasok ulit sa isang relasyon.

   “Noong naging official na ang break-up niyo noon ni Missy, isa yata ako sa pinakamasaya. Akalain mo? Siya na sobrang possessive at obsessed sayo ang nakipaghiwalay?” natatawang sabi nito sa kanya.

   “She can't have me again. If she fooled me once, she can't fool me twice,” seryoso niyang sabi kay Chen. “By the way, anong oras na?” pag-iiba niya sa usapan. Kung pwede lang ay ayaw na niyang ma-involve sa kahit anong tungkol sa ex-girlfriend niya. He's not bitter. Ayaw niya lang talagang madamay sa mga issue nito.

   “Ten a.m palang. Exactly eleven, dapat nasa set na tayo para makapag-start na ang shooting,” paliwanag nito sa kanya.

   Tumango naman siya. “Okay. I will rest for awhile. Gisingin mo nalang ako kapag nasa Tagaytay na tayo.” Sumandal siya at ipinikit na ang mga mata. Magpapahinga muna siya. Halos ilang araw na din siyang nabu-busy sa shooting nila.

   “PWEDE ba akong pumunta diyan, Namie? Wala kasi akong kasama sa apartment ko dito sa Batangas...” sabi ng pinsan niyang si Leah sa kabilang linya.

   “Medyo malayo kaya! At isa pa, baka magalit si daddy sa akin,” pagbibiro niya sa pinsan.

   “Si Tito Ron? Naku naman, couz! Si Tito Ron pagalitan ka? Puputi muna ang uwak bago mangyari yun.” Natawa naman siya sa sagot ni Leah.

   Totoong hindi man lamang siya nakaranas na mapagalitan ng daddy niya. Para sa kanya, ang ama niya ang pinaka- overprotective na ama sa buong mundo. Dalawa nalang kasi sila sa buhay. Bata palang siya ng pumanaw ang kanyang ina dahil sa sakit na brain tumor. Pero kahit ganun, hindi iyon naging dahilan upang magbago ang daddy niya. Sa katunayan ay minahal pa siya nito ng sobra.

“Oh? Bakit natahimik ka dyan?” tanong ng pinsan niya sa kabilang linya. Doon niya naalala na kausap niya pa pala ito. “Okay ka lang ba, couz?” dagdag pa nito.

   “Oo naman! May naalala lang...” sagot niya kay Leah. “Teka? Nasa trabaho ka ba ngayon? Baka nakaka-istorbo ako.” Naalala niya kasing may trabaho pala ang pinsan niya unlike her na nandito lang sa kwarto niya.

   “Namie naman eh! Iniiba mo ang usapan. Haleer!! Day-off ko ngayon kaya wala ako sa work. At isa pa, huwag mong ibahin ang usapan! Payagan mo na ako na diyan muna ako matulog sa inyo. Sige na please...” Bahagya siyang natawa sa turan ni Leah. “Actually nagpaalam na ako kay Tito Ron na diyan ako matutulog. Pumayag naman siya para na rin daw mabantayan ka kasi baka late na siya makauwi mamaya” mahabang paliwanag nito sa kanya.

   “Oo na! Sige na. Basta huwag kang masyadong maingay. Sakit mo sa tainga magsalita, eh!” Kunwari napipilitan niyang pagsang-ayon sa pinsan.

   “Yey! Hintayin mo ako diyan,” sabi pa nito.

   “O, sige! Nasaan ka na ba? Paalis ka palang ba?” tanong niya ulit kay Leah. Narinig niya namang humagikhik ito sa kabilang linya.

   “Hehe! Nandito na ako sa labas ng gate niyo. Actually, kanina pa ako doorbell ng doorbell dito pero walang nagbubukas ng gate!” reklamo nito sa kanya. Natawa naman siya. Kanina pa pala pero kung umasta parang aalis palang. May pagkabaliw talaga ang pinsan niya. Pagkuwan ay nakarinig siya ng sunod-sunod na doorbell mula sa labas. Totoo ngang nasa labas na ng gate si Leah.

   “Hay naku, Leah! Sige wait lang. Tawagin ko lang si Manang Mercy...” sabi niya sa pinsan at kinapa ang remote ng intercom na konektado sa buong mansion nila.

   Pagkatapos ay muli siyang sumampa sa kama niya. Maya-maya pa narinig niyang bumukas ang pinto. Baka si Leah na iyon.

  

Love The Way You Are | CompletedWhere stories live. Discover now