Chapter 4

27 4 0
                                    


   “MA'AM NAMIE... Umiiyak ka po ba?”

    Agad na napapunas ng luha si Namie. Nagkunwari siyang natawa kapagkuwan ay umiling habang nakatalikod pa din dito. Hindi niya ito kilala dahil ngayon na lamang siya ulit nakapunta dito sa rancho nila.  
   
    “Hindi po! Hehe...” natatawang sagot niya dito upang pagtakpan ang lungkot na nararamdamanan. “Nakaalis na po ba si daddy?”
       
    “Opo ma'am. At isa pa, huwag po kayong mahihiyang magsabi ng mga problema niyo. Mas maganda pa din kasi ang may napagsasabihan ka para gumaan ang pakiramdam mo kahit papano,” nakakaunawang sabi nito.
       
    “Sino po kayo? Maraming salamat po sa advice niyo. Pasensiya na din kung hindi ko kayo kilala. Ngayon lang kasi ulit ako nakapunta dito simula pagkabata ko eh. Napakatagal na din...” tugon niya.  
   
    “Ako po si Rosing, Ma'am Namie. 'Yung tagapag-timpla mo noon ng gatas kapag nandito ka?” masayang pagpapa-alala nito sa kanya.   
   
    Napahinto naman siya. “Yaya Rosing?”   
   
    “Ako nga po, Ma'am Namie...” natutuwang sagot nito.
       
    Napatawa naman siya. “Pasensiya na po talaga, Yaya Rosing kung hindi kita nakilala kahit sa boses lang. Nakakahiya tuloy...” nahihiya niyang hingi ng paumanhin sa matanda. Sa totoo lang ay labis talaga siyang nahihiya sa mga ito. Pakiramdam kasi ni Namie na masyado na siyang pabigat dito. Sa edad niya ngayon ay sana marunong na siyang tumayo sa sariling paa ng walang alalay ninuman. Pero dahil sa kalagayan niya ay malabong mangyari iyon.   

    She doesn't want to undergo an operation. Natatakot kasi siya. Lalo na nang sabihin ng doktor niya noon na walang kasiguraduhan kung magiging successful ang operation niya kung sakali. Isa pa, may posibilidad din na mabulag siya ulit kahit na-operahan na siya.
           
   “Basta po huwag kayong mahihiyang magsabi sa akin. Gusto kitang tulungan, hija... Sa murang edad mong iyan ay dapat nagagawa mo ang mga bagay na naisin mo...” dagdag pa nito.

   Kahit papano ay sumaya ang puso niya. May mga taong handang tumulong sa kanya kaya hindi dapat siya mawalan ng pag-asa. Walang patutunguhan kung tuluyan siyang panghihinaan ng loob.

   “Maraming salamat po talaga, Yaya Rosing...” pagpapasalamat niya sa matanda.

   Nagkwentuhan pa sila nito. Marami siyang nalaman mula sa matanda tulad na lamang ng unang pagkakakilala ng Daddy niya sa Mommy niya. Ngayon niya lang nalaman na sa rancho na ito pala unang nagkita ang mga ito.

   Somehow she misses her Mom. Kung nandito lang sana ito ay napakasaya siguro. Sasakay sila sa kabayo nitong si Polaris gaya ng nakagawian nila noon.

   Kapagkuwan ay napabuntong-hininga siya. Malabo nang mangyari iyon. Kasi wala na ang Mommy niya. Kung nasaan man ito ngayon ay marahil nasa mabuti na itong kalagayan.

   Naisip din ni Namie ang lahat ng sinabi ni Yaya Rosing sa kanya. Masaya kaya siya kung sakaling nakakakita siya? Kung hindi siya nabulag, magagawa niya nga ba ang mga bagay na naisin niya? Hindi niya alam. Marahil ay ganito talaga ang nakatadhana sa kanya.

   Pero umaasa siya na sana may isang tao na maglalakas-loob na tulungan siya. Isang taong handang tanggapin siya sa kabila ng pagiging bulag. Dahil para sa kanya, hindi basehan ang pisikal na aspeto upang matuto kang tanggapin at mahalin ang isang tao. Dahil kung mahal mo ito, handa mo siyang tanggapin at mahalin kahit ano man siya.

   Because nobody is perfect. Everyone has their own imperfections. Hindi sa lahat ng pagkakataon na ang perfection lang ng isang tao ang tatanggapin mo. Love their worst side also.

   Pero lahat ng iyon ay hanggang 'sana' lang para kay Namie. She doesn't know if there's someone who can accept her except her father and cousin. 'Yung taong handa siyang damayan at samahan sa lahat ng imperfections niya. Gaya na lamang ng mga nobelang naririnig niya lamang sa radio at TV. May mga ganun pa kayang tao? O baka sa nobela lamang ito nangyayari?

   Bulag man siya pero naiintindihan niya ang mga nangyayari sa paligid niya. Kahit sabihing hindi niya ito aktuwal na nasasaksihan. Karamihan na sa mga taong nabubuhay ngayong kasalukuyan ang pinapahalagahan ang physical appearance. Iyong tipong kahit tubuan na ng sungay ang isang tao ay patuloy pa rin itong iniidolo at minamahal.

   At iyon ang napakalakas na sampal ng katotohanan lalong-lalo na kay Namie. Walang tatanggap sa kanyang ibang tao dahil bulag siya. Isang pabigat lamang. Ang katotohanang sumasaksak sa kanyang puso dahilan upang panghinaan siya ng loob.
  

   “YOU can leave now, Missy...” seryosong sabi ni Rince kay Missy.

   Nasa set sila ngayon at kung minamalas nga naman ay si Missy ang kapares niya para sa shooting ng bago niyang labas na kanta. Ang ‘Since we we're young’ na siya mismo ang sumulat at nag-compose.

   Malandi lamang itong ngumiti. “Why Rince? Still bitter eh? Or maybe you're still in love with me...”

   Natawa siya ng pagak sa narinig. Siya? Bitter? Bakit naman siya magiging bitter? Baka better kamo.

   “Why would I be bitter if I feel happy when we broke up? Still full of yourself huh?” nang-uuyam niyang sagot dito. Hindi talaga ito nagbabago. Masyado pa ding believe sa sarili.

   Parang wala lamang itong narinig. Bagkus ay tumayo ito saka lumapit sa kanya.

   “It's okay, babe... I will make you fall for me again...” malanding sabi nito sa kanya sabay haplos sa balikat niya.

   Sa hindi malamang kadahilanan ay nakaramdam siya ng pandidiri sa inakto ng ex niya. Hindi gaya noon na wala siyang pakialam sa mga haplos nito. Umiwas siya saka sinamaan ng tingin si Missy.

   “Why don't you go back to Gerard and just play with him instead? I don't love you anymore, Missy. Just leave me alone” naiinis niyang sabi dito.

   Naiinis na talaga siya. Kung umakto kasi ito ay parang walang delikadesa sa sarili. Yung tipong pagkatapos ng isa ay pupunta sa isa. At kapag sawa na sa isa, babalik naman sa isa.

   “Oh! That Gerard? I just realized that you're still better than him. He's so demanding, you know. Ha! His so lucky to have me then...” natatawang sagot nito habang bakas sa tinig ang pagmamalaki.

   Lucky to have her? He beg to disagree.

   Hindi niya na ito pinansin saka lumapit nalang kay Marco na busy sa pagkalikot ng cellphone. May bagong target na naman yata ang mokong.

   Hindi kasali si Marco sa ginagawa nilang music video na ire-release this coming September. Sadyang sumama lang ito dahil wala naman daw itong ibang pinagkakaabalahan. Hindi muna kasi ito tumanggap ng bagong kontrata at mas pinili munang magpahinga. Hindi kagaya niya.

   “Hey!” bati niya kay Marco sabay agaw ng hawak-hawak nitong cellphone. Nang tingnan niya ito ay nakumpirma niyang may ka-text nga ang mokong. Nakita niya kasi ang naka-capslock na pangalang ‘ENA’ sa cellphone nito.

   Sinamaan siya ng tingin ni Marco. “Panira toh! Akin na iyan!”

   Natatawang ibinalik niya sa kaibigan ang cellphone nito. Bahala na ito kung anong ginagawa nito sa buhay. Mukhang tinamaan na kasi ang isang Marco Heinrich.

   “Anong nakain mo at nagrereply ka sa text ng ‘Ena’ na iyon? Tinamaan ka na noh?” nang-aasar na sabi ni Rince kay Marco. He just glared at him at bumalik ulit sa pagce-cellphone. Tinamaan na yata talaga ang kaibigan niya.

   Sa apat na taong pagkakaibigan nila ni Marco ay alam na ni Rince ang likaw ng bituka nito. Matinik ito masyado sa babae. Pero kahit ganun ay hindi niya kailanman hinusgahan ang kaibigan. Alam kasi ni Rince na may dahilan ito kung bakit gano'n ang kaibigan niya. He just let him do what he want. Ano pa nga ba at darating din ang araw na titigil din ito. Karma is real.

   At sa nakikita niya ngayon ay may pangiti-ngiti pa ang loko. Masyadong malala yata ang tama dito ni Kupido.




A/N: Don't forget to follow, vote, and drop some comments, Arkiess!

Love The Way You Are | CompletedWhere stories live. Discover now