Chapter 15

2.1K 51 4
                                    

"Gomez!" malamig at seryosong sambit ng kuya ni Kleah. Bakas din sa itsura nito na parang hindi niya gustong nakita si Allen ngayon dahil napansin ko ang pagkuyom ng kamay nito.

"Yeah. Baltazar!" walang emosyong sagot ni Allen, ramdam ko rin ang lamig ng tinig nito.

Galit kaya siya sa 'kin, kasi iniwan ko nalang siya basta-basta?

"Someone important?" Nakangising tanong ng kuya ni Kleah.

"None of your business!" muling malamig na sagot ni Allen. Naramdaman ko ang bahagyang paghigpit ng hawak niya sa baywang ko.

Kapansin pansin ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Halatang may iniinda silang samaan ng loob.

Bumaba ang tingin ko kay Kleah ng papalit-palit ang tingin nito sa Kuya niya at kay Allen. Parang kagaya niya nagtataka rin ako.

"Mag kaaway po ba kayo?" inosenteng tanong nito kila Allen. Pinantayan siya ng kuya niya bago sinagot ang tanong nito.

"No, princess." Ngumiti ito ng malaki kay Kleah.

Halata ang pasisinungaling nito, pero sa kabilang banda tama rin iyon. Pangit mag pakita sa mga bata na nag-aaway sila sa harapan nito. Dadalahin ng bata kasi iyon hanggang sa paglaki.

"Totoo po ba, Kuya? Kasi bad daw ang mag-away sabi ni Mommy, 'di ba?" halos nakanguso niyang tanong sa kuya niya.

Sinulyapan ko si Allen ng mapansing hindi pa rin nawawala ang madilim na aura nito. Nakatingin lang siya sa dalawang lalaking mga kaibigan ata nitong kuya ni Kleah.

Kita ko naman ang pag kuyom nang kamao ng isa sa kanila at parang galit kung tumingin kay Allen.

Ano ba talagang meron? Sana hindi sila mag-sapukan sa harap ko mismo. 

Saglit kong kinagat ang ibabang labi ko bago ko hinawakan ang kamay ni Allen na nakahawak sa baywang ko upang mapunta sa akin ang atensyon nito. Hindi naman ako nabigo dahil agad-agad niya akong nilingon. Bahagya siyang yumuko at bumaba ang tingin sa akin, dahil maliit lang ako nakatingala talaga ako sa kanya. Seryoso niya akong tinignan at hinintay ang sasabihin ko.

"Tara na baka hinahanap na tayo nila Kelly," mahinang usal ko sa kanya.

Ito lang naisip kong way para makaalis na kami rito at baka konti na lang talaga magsapukan na sila. Mukhang mainit din kasi ang mata ng dalawang lalaki kay Allen.

Saglit lang siyang tumango pero naroon pa rin ang pagkaseryoso ng muka niya.

"Kleah.." tawag ko kay Kleah na hanggang ngayon kausap pa rin ang kuya niya. Sabay silang lumingon ng kuya niya sa akin. 

"Papasok na kami sa loob. Huwag ka ng hihiwalay sa kuya mo, huh?!" Nakangiting saad ko rito bago inabot ang palobo na hawak ko sa kanya.

Masaya naman niya itong kinuha at ginantihan niya ako ng malaking ngiti bago tumango-tango.

Hinawakan ko naman ang kamay ni Allen na nasa baywang ko bago dahan-dahang inalis. Humawak ako sa braso niya gamit ang kaliwang kamay ko bago ko pinagsalikop ang kanang kamay ko sa kaliwang kamay niya.

Bahagya naman siyang nagulat pero ngumiti lang ako sa kanya. Hinila ko na siya paalis doon pero muli akong lumingon kay Kleah at kumaway.

Pagkapasok namin muli sa perya mabilis ko lang natanaw ang mga kaibigan namin. Nakatayo sila sa harap ng Vikings at halatang kakatapos lang nilang sumakay roon.

"Madaya kayo! Nag date kayo ng kayo lang. E, dapat date natin itong magkakaibigan!" maktol ni Kelly.

Sa lahat talaga siya ang mareklamo.

Dating Allen GomezWhere stories live. Discover now