Chapter 6

2.5K 54 13
                                    

Naglalakad na kami patungo ng gate ngayon. Kasabay ko si Allen at nauuna lang sa 'min iyong tatlo niyang kaibigan, sa harap naman no'ng tatlo si Kelly at Jackson. Lumingon si Kelly sa amin ni Allen.

"Dito na kami, Snow. Enjoy your date na, girl," natatawang ani nito.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil do'n. Natawa rin tuloy si Jackson at iyong tatlong kaibigan ni Allen dahil sa sinabi niya.

Bwiset na 'to parang bibig nong Jasper!

Kanina kasi bago mapagpasyahang umalis na. Sinabi sa kanila ni Jasper na may date raw kuno kami ni Allen, kaya ayan nang-aasar ang gaga.

Lumiko na sila at iyong tatlo patungong parking lot, kami naman ni Allen dumiretsyo patungong gate kung saan dumadaan ang mga estudyanteng walang sariling sasakyan.

Medyo nakayuko ako habang naglalakad dahil may iilang pang estudyante kaming nakakasabay na napapatingin sa kamay namin ni Allen na magkasalikop. Isama mo pa iyong bag kong bitbit niya.

Sinulyapan ko si Allen pero seryoso lang itong nakatingin sa daan na parang wala lang sa kanya ang mga binibigay na tingin ng mga estudyante.

"Don't mind them," ani nito dahil sinusubukan kong bawiin sa kanya 'yong kamay ko, pero gaya no'ng nasa bar, bahagya niya lang hinihigpitan ang pagkakahawak pag tinatangka ko.

Nang tuluyan na kami makalabas. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Nahihiya akong mag-umpisa ng salita dahil sanay akong tahimik lang lagi.

Magaling lang ako makinig sa kwento ng iba pero hindi ako mahilig magkwento o makipag-usap ng matagal.

Nakarinig kami ng dalawang busina. Sabay namin tinapunan ng tingin ang dalawang sasakyang nasa gilid namin.

Bumababa iyong bintana ng nasa unang kotse. Dahan-dahan naman kaming naglakad ni Allen, dahan-dahan lang din umaandar ang dalawang sasakyang nasa gilid namin pasunod.

Dumungaw si Kelly sa bintana at saglit lang na kumaway. Bago nagpaalam din si Jackson kay Allen at sa 'kin, 'tsaka na nito pinaandar paalis ang kotse niya.

Pero iyong isang kotse pumalit lang sa pwesto nila Kelly kanina. Alam kong sasakyan ito ni Allen dahil kulay dilaw.

Bumaba rin ang mga bintana nito parehong sa harap at likod. Huminto si Allen kaya napahinto rin ako sa paglalakad. Dumangaw ang isa sa kaibigan ni Allen na nakaupo sa passenger seat. Mukha itong masungit tignan.

"Susundan ba namin kayo o tatawag ka na lang pag magpapasundo na?" tanong nito kay Allen.

"I will call."

Tumango lang iyong kaibigan niyang nagtanong no'n. Napansin kong si Jasper ang driver nila.

Simpleng lang itong kumaway sa 'kin ng makitang nakatingin ako sa kanya. Ginantihan ko lang siya ng tipid na ngiti. Dumungaw din sa bintana iyong lalaking nasa back seat nakaupo.

"Ingat, baby," ani nito habang natatawa. Halatang inaasar si Allen. Mukhang siya ang playboy sa grupo nila.

Tuluyan ng pinaandar ni Jasper paalis iyong kotse ni Allen at iniwan na kami. Tahimik lang akong nag-iisip ng pwedeng mapag-usapan namin ni Allen kahit alam kong hindi ako palatanong at palasalita. At mas lalo nang hindi ako ang nauunang magsalita.

Pero ngayon mahaba-haba ang lalakarin namin kaya naisip ko na lang na kausapin siya ang pangit naman kung tahimik lang kaming maglalakad. Ibubuka ko pa lang iyong labi ko ng unahan na ako nitong magsalita.

"Do you want to eat while we're walking?" tanong niya.

Umiling-iling ako. Nakakahiyang umoo kahit gusto ko sana dahil gano'n ang lagi naming ginagawa ni Kelly habang naglalakad pero 'wag na lang.

Dating Allen GomezWhere stories live. Discover now