Chapter 12

2.1K 48 5
                                    

Pagkarating sa harap ng building 7 hinayaan ko lang na hilaan niya ako. Hindi ko kasi natanong pala kay Kelly kung anong floor sila o kung nasa'n mismo ang pwesto nila.

Nasa hallway na kami ng first floor ng building 7 at tanaw ko si Kelly na nakatayo kasama ang mga kaibigan ni Allen pero wala si Jackson na boyfriend niya. Nasa pinakadulong classroom sila.

Dalawang classroom pa ang layo namin bago ang dulong classroom. Kita ko ang busangot nitong muka na biglang umaliwalas ng mapatingin siya sa gawi namin ni Amira. Tumakbo ito patungo sa 'min kaya napahinto kami ni Amira sa paglalakad.

"Bakit ang tagal mo, girl?! Isang oras na lang mag-uumpisa na sila Allen mag-exam."

"Malayo ang building 7 sa building natin, Kell." Simpleng sagot ko sa kanya.

Napatingin ako sa mga lalaking patungo sa pwesto namin kung saan kami nakatayo. Huminto sila ng nasa harapan na namin sila.

"Hi, Miss Snow." Bati ni Jasper sa 'kin. Maliit lang akong ngumiti sa kanya.

Bumitaw sa 'kin si Amira bago lumapit sa isang lalaki na kasama ni Jasper na lumapit sa amin. Siya siguro iyong Renzo.

"Akala namin hindi ka na pupunta, e." Ito iyong lalaking nakaupo sa backseat ng kotse ni Allen noong araw na naglakad kami ni Allen pauwi.

"Muntik na," mahina kong sagot.

Totoong muntik ng hindi ako tumuloy dahil nga sa mga narinig ko roon sa mga babae kanina. Kung hindi lang siguro ako hinila ni Amira baka nga hindi na talaga ako tumuloy.

Mahina akong napadaing ng nakatikim ako ng mahinang batok kay Kelly. Putik na babae 'to! Nananakit na naman!

"Sabi na e, mukhang nagdalawang isip ka pa!" may bahid na inis na wika niya.

Hindi ko na lang siya pinansin. Bumaling ako kay Jasper. "Pabigay na lang ito kay Allen," mabilisang ani ko bago i-abot sa kanya iyong paper bag na dala ko. Taka naman ako nitong tinignan bago umiling-iling.

"Ikaw na ang magbigay. Gaganahan 'yon pag ikaw mismo," natatawang saad niya.

Umiling din ako. Kinuha ko ang isang kamay niya bago sapilitang pinahawak sa kanya ang paper bag.

"Maraming salamat... Sige, Kell. Alis na ako may gagawin pa ako." Tumalikod na ako sa kanila at handa na sanang humakbang paalis ng sumigaw si Jasper na ikinatigil ko.

"Allen, girlfriend mo nandito!" Muli akong napaharap sa kanila, ngiting ngiti akong tinapunan ng tingin nito. "Sorry, Miss Snow. Kanina pa kasi walang gana ang isang 'yon," dagdag pa niya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng lumabas si Allen mula sa dulong classroom. Mabilis na nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Pansin ko ang pagod sa mga mata niya kahit malaki pa ang layo nito sa 'min.

Ano kayang problema?

Patakbo itong lumapit sa pwesto namin ng mga kaibigan niya. Nagulat ako ng bigla na lamang niya akong dinamba ng yakap ng sobrang higpit nang tuluyan na siyang makalapit sa amin. Sa sobrang higpit ng yakap niya ay halos hindi na ako makahnga.

"A-Allen," utal kong tawag sa pangalan niya.

Napansin nito ang ginawa kaya niluwagan niya ang pagkakayap sa 'kin pero hindi bumitaw sa yakap.

"Are you okay, love? Are you sick? Why aren't you answering my calls and messages?" Sunod-sunod na mahinang tanong nito. Nahimigan ko rin ang pag-aalala sa tono niya.

Dating Allen GomezNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ