Chapter 5

2.3K 46 6
                                    

"What's sup, people!" Pumasok si Kelly na parang ang saya-saya pero agad iyon napalitan nang pagkunot ng mapansin niya ang tensyon sa classroom at si Alyssa na nakatayo.

"Anong meron?"

Walang sumagot sa tanong niya kaya lumakad ito patungo sa 'kin.

"Bakit ganiyan itsura ng muka mo?" Umupo ito sa tabi ko kung saan mismo ang upuan niya.

Hindi ko siya sinagot. Tahimik lang ako kasi hindi pa maproseso ng utak ko ang mga narinig ko.

"Sinong umaway sa Baby Snow ko?!"

Napapitlag ako ng bigla itong tumayo at galit na itinanong iyon. Mabilis kong hinila ang braso niya para muling paupuin siya sa upuan niya.

"Sira! Wala namang umaway sa 'kin may iniisip lang ako."

"Yung totoo? Isusumbong natin kay Allen, bilis sino?!" muling tanong nito.

Dahil sa binanggit niya si Allen muling pumasok sa isip ko ang sinabi ni Alyssa. Bumaling ako sa kanya.

"Si Allen ba dating b-basagulero?" tanong ko.

Napalaki ang mga mata nito at parang hindi makapaniwala sa tanong ko. Peke itong umubo bago sinagot ang aking tanong.

"O-Oo, p-pero dati lang 'yon. Ika nga ng iba 'di ba past is past. Ang Allen ngayon ibang iba na. Hindi naman ako papayag na magkalapit kayo ni Allen kung tarantado pa rin ang isang 'yon," nauutal na wika niya.

"B-Bakit? A-Ayaw mo ba sa mga lalaking may nakaraan na kagaya ng sa kanya?" dagdag pa nito.

Ngumiti ako sa kanya bago siya sinagot.

"Sabi mo nga past is past, 'di ba? Isa pa, wala naman kaso sa 'kin kung gano'n nga siya noon. Sigurado naman akong kaya siya gano'n dahil may dahilan. May kwento 'yong buhay niya na hindi naman alam ng karamihan."

Ginatihan niya ako ng matamis na ngiti bago pinunas punasan nito 'yong mata at pisngi niya na wala namang luha kaya mahina akong natawa.

"Akala ko ekis na sa 'yo manok ko."

Hindi ko na sinagot 'yong sinabi niya. Mahina lang akong muling natawa.

Wala naman talagang kaso sa 'kin kung ganoon ang nakaraan ni Allen. Hindi ko siya basta bastang huhusgahan dahil lang do'n. Hindi ko alam yung kwento ng buhay niya kaya wala akong karapatang husgahan siya.

Pero may iniisip pa akong isa. Pamilyar iyong pangalan ng babaeng ayaw na ipabanggit pa ni Alyssa. Parang narinig ko na ang pangalan na 'yon noon.

Naputol lang ang pag-iisip ko ng pumasok na ang isang guro, kaya minabuti ko na lang na makinig.

Nang matapos ang huling klase. Mabilis kong inayos ang mga gamit ko pagkatapos binalingan si Kelly na tapos na rin ayusin ang mga gamit niya at sabay na kaming lumabas ng classroom.

Nakayuko ako habang tinitignan ang soot kong polo ni Allen. Inaayos ayos ko 'to dahil hindi ko na ito nahubad pa kanina kahit tuyo na ang blouse ko.

Napahinto ako sa paglalakad at mahinang napadaing ng kurutin ako ni Kelly sa braso. Inis ko itong tinignan. Nakitang may ginagawa ako basta na lang nangkukurot.

"Bakit ba 'yon?"

May inginuso ito kaya agad kong sinundan. Mabilis akong napatago sa likod niya nang makitang nakasandal sa pader si Allen sa hindi kalayuan sa amin, kasama pa nito iyong mga kasama niya kanina at si Jackson.

Dating Allen GomezDonde viven las historias. Descúbrelo ahora